Chapter 04

16.3K 219 7
                                    

dedic porr -- @FMC_kpopfan

----

Chapter 04

Natapos ang huling klase ko nang si Von Johan ang laman ng utak ko-- si Von Johan at ang pagka-weirdo niya-- si Von Johan at ang pagkakaalam niya sa sikretong relasyon namin ni Archer.

But speaking of Archer, naabutan ko siya sa labas ng campus namin na naghihintay para sunduin ako!

Sobra akong nagulat. Si Mang Ed kasi ang alam kong susundo sa'kin ngayon. Katext ko pa nga ito kani-kanina lang after ng huli kong klase at sinabing nandito na siya. But then, si Archer-on-his-usual-Masked Rider Black-get-up pala ang narito?

Halos tumakbo ako palapit kay Archer nang makita ko siya. Todo-todo rin ang ngiti ko. Sobra-sobra lang talaga akong natutuwa tuwing nagagawa akong sunduin ni Archer dito sa school. Ramdam na ramdam ko kasi kung gaano ako kahalaga sa kanya. Aba, hindi kaya biro 'tong ginagawa niya. Bukod sa delikado ito para sa bachelor image niya, masyado ring hectic ang schedule niya para isingit pa roon ang pagsundo niya sa'kin nang ganitong oras.

"Huy, bakit ka nandito?" Sita ko kunwari sa kanya.

"Asdfghjk." Hindi ko naintindihan ang sinabi niya dahil nakafull head helmet siya. Natawa naman ako dahil nakakatawa 'yung pagkakasalita niya.

"Para kang alien!" Asar ko pa.

Napakamot siya ng ulo sa pang-aasar ko-- ay hindi pala ng ulo, ng helmet pala. Mas natawa tuloy ako. Ewan ko ba. Basta nagmumukha siyang tanga sa paningin ko. Pero mahal ko 'yan ah!

"Akin na nga helmet ko!" Kinuha ko na ang helmet kong nakasabit sa braso niya. Sinuot ko 'yun at agad umangkas sa motor niya. Nang mayakap ko na siya sa waist niya, binulungan ko siya ng, "I love you Mhine."

Ramdam ko, napangiti 'to. 'Yung tipo ng ngiti na nawawala ang mga mata niya. Ganito ang nilalang na 'to eh.

Pagkaayos ko ng pagkakayakap ko kay Archer, inistart at pinatakbo na niya itong motor-- at dun ko naman napansin si Von Johan na nakatayo pala sa tabi ng school gate at pinapanood ang pag-alis namin ni Archer.

Sobra akong nabother nung lumiko na kami ni Archer at nawala na sa paningin ko si Von Johan. 'Yung tingin kasi sa'min ni Von Johan kanina... It was blunt. So emotionless. Bakit ba ganun siya kung makatingin sa'min?

*

"Oh? Kanina tuwang-tuwa ka at ang galing-galing mo mang-asar. Tapos ngayon, nakasimangot ka na?" Bati ni Archer nung makarating na kami sa bahay.

Inirapan ko lang siya at hinubad na ang helmet ko. Nakakainis eh. Hindi kay Archer ah, pero kay Von Johan. Naiinis ako't nakita ko lang siya ulit kung kailan pauwi na ko. At naiinis ako dahil nadagdagan pa ang mga tanong na gusto kong mabigyan niya ng kasagutan.

'Yung tingin niya talaga, bakit ba kasi ganun? Bakit parang may hinanakit o sama ng loob siya sa'min?

Natatakot din ako. Baka kasi may gawin siya sa sikretong nalalaman niya tungkol sa'min ni Archer.

"Palibhasa, malapit ka na..." Pabulong na sabi ni Archer habang naghuhubad ng jacket. Medyo nadistract naman ako sa ginawa niya. Kung makahubad kasi, parang ano... nang-aakit?

Ugh. Napapikit ako at sinampal mentally ang noo ko. Mula talaga nung muntikan nang may mangyari sa'min dun sa resthouse niya, parang lagi na lang naka-raging mode ang hormones ko sa kanya.

"Halika na nga sa loob." Yumakap siya sa waist ko nang maipatong na niya 'yung jacket sa motor niya. "Pagluluto na lang kita para mas lalo ka pang ma-in love sa'kin." Bulong pa niya at saka ako pinasok sa loob ng bahay.

His Lucky Fiancee (LUCKY Duology Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon