Chapter 35

8.4K 150 9
                                    

Chapter 35

Archer and I had a stopover at a gasoline station as soon as pagkababa namin ng Baguio. Nanatili lang kami sa loob ng kotse nun at nagpapahinga.

"Nakaka-stress 'no?" Asar ko kay Archer na sinusubukang mag-relax sa driver's seat. "Ikaw kasi, ang impulsive minsan."

He smirked. "Hindi ako stressed. Pagod lang ako. Umagang-umaga, nag-drive agad ako eh hindi ko pa nga nababawi 'yung pagod ko sa nangyari sa atin kagabi."

Napanganga ako dun, sabay tawa. "Kailangan talagang i-bring up mo iyon?!"

"Nag-e-explain lang ako."

Napailing ako, still laughing. Then naka-receive na ako ng reply kay Von Johan. Nag-text kasi ako sa kanya, apologizing again and of course, thanking him sa ginawa niyang pagtulong sa amin. And now, he said it was alright. Dadalhin na lang din daw niya sa amin ang mga bag namin ni Archer pagbalik niya ng Manila.

Von Johan... Isn't he too kind? Hindi niya deserve ang sakit na unintentionally kong napaparamdam sa kanya. But eventually, magiging masaya rin siya 'di ba? With a different girl--a girl who is destined to be with him.

"Archer, galit ka pa rin ba kay Von Johan?" I asked, wondering.

Archer stayed quiet for a moment bago sumagot. "Hindi na."

Nakahinga ako nang maluwag dun.

"Pero magagalit ulit ako, kung hahawakan ka niya ulit sa kamay."

"Ang seloso mo naman!"

"Hindi ko itatanggi 'yan." Proud niyang sabi.

Nag-relax na rin ako sa upuan ko. "So what do we do now?"

"Hmm... What do you prefer? Tayo ang unang aatake o hahayaan natin silang mauna?"

I got what Archer was trying to say. Kami ba ang lalapit kina Dad at Lola to tell the truth and settle things, or hahayaan namin sila na kusang malaman iyon at konprontahin kami?

"Whichever happens first," sagot ko. "Pero mas maganda sana kung tayo ang mauuna para malaman nila kung gaano taya ka-desidido."

"Hmm, tama." Archer nodded. "But what if--uhm, hopefully not pero ayun nga, what if hindi pa rin sila sumang-ayon sa relasyon natin?"

Nagkatitigan kami. Nakaramdam ako ng takot sa tinanong ni Archer. Pero mas nangibabaw ang pagkadesidido ko na makasama siya.

"Kung hindi sila sumang-ayon... magtanan na lang tayo." I blurted out. "Itanan mo ako, Archer."

He grinned. "Okay. Walang problema."

*

Soon, nagbiyahe na ulit kami pa-Manila. Habang palapit kami nang palapit, hindi ko maiwasang makaramdaman ng kaba. Lumala pa ito nang tumawag kay Archer si Tito Leo, ang manager niya. Malakas ang volume ng phone niya so I could hear what the old man was trying to say.

Lumabas na ang balita. Nagkalat na ang picture namin online. May mga fans nang nasaktan at nagalit. And Tito Leo was mad himself dahil sa bigla-biglang ginawa ni Archer. Napaka-wrong timing daw dahil may concert pa naman si Archer sa susunod na buwan. Sana man lang daw tinapos niya muna iyon bago nilabas ang katotohanan. Si Archer tuloy, medyo badtrip na.

Ako naman, nakatanggap na ng text mula kina Miguela at Nanay Beth. Alam na nila ang nangyari at tinatanong nila kung nasaan na kami. I told them na pauwi na kami. Pati ang desisyon namin na kausapin na sina Dad, sinabi ko sa kanila. Pero si Nanay Beth naman, nag-aalangan sa balak namin.

Sumama ang loob ko sa pagiging pessimistic ni Nanay Beth. Bakit naman ngayon pa siya naging ganito? Ngayon pa, kung kailan mas kailangan ko ng suporta galing sa kanya.

"Wala na akong pakialam!" Biglang galit na napasigaw si Archer sa kausap niya. "I won't give a damn if I lose it. No. Hindi ko ikamamatay ang pagkawala ng career ko, Tito Leo. Sorry. Kung ipipilit niyo pa 'yan, then I don't think we have to talk any much longer." And he ended the call, throwing the phone on the dashboard.

Sa mga narinig at nakita kong ginawa niya, hindi ko na alam--para akong nakonsensya, nasaktan at naguluhan.

Bakit ganito? Bakit pakiramdaman ko, mali na ang ginagawa namin? Pakiramdam ko, sinisira ko ang buhay ni Archer. Pakiramdam ko, kasalanan ko ang lahat ng gulong nangyayari ngayon.

"V-Vanessa?" Archer called my name nung bigla akong humikbi.

Gusto ko sanang sumagot, ngumiti, at sabihing okay lang ako. But I wasn't able to do any of it. Baka tuluyan lang akong maiyak kapag pinilit ko kahit magsalita man lang.

Ito ang problema sa akin eh. Sa pagkasungit ko, napakahina ko namang tao. Pilitin ko mang maging matapang, madali pa rin akong masaktan. Mahina ako emotionally. And I always hated it. That was why sometimes, I wished I could be like Jessica na gaya ng kuwento ni Lola ay matapang at palaban sa kabila ng pagkahinhin.

Bakit ba hindi ako naging ganun katapang?

"S-Sorry, Vanessa." Archer sounded very sorry, but furious and frustrated as well.

And all of a sudden, it felt like... we were getting out of control of our plan.

Then I saw something--in my mind. Ang kinuwento minsan sa akin ni Archer, 'yung kung paano sila naaksidente noon ni Jessica. Archer was this furious and frustrated that time because of his parents, while Jessica was patiently trying to calm him down. But things were already out of control for Archer--na kahit ang pagmamaneho niya ay hindi na niya nakontrol. Then the accident happened--na nararamdaman kong puwedeng mangyari ulit ngayon.

"A-Archer," pinilit kong magsalita sa kabila ng takot ko dahil sa pagbilis ng takbo ng sasakyan namin.

Pero hindi niya yata ako narinig--at mukhang hindi rin siya aware sa nangyayari.

"Archer!" Sigaw ko na and he seemed to finally snap out of it--but he wasn't able to get hold of his driving. Para bang hindi niya agad maisip kung anong dapat gawin sa mabilis niyang pagmamaneho, hanggang sa kailanganin na naming lumiko.

He abruptly hit the brakes, making the car drift and rotate twice--or maybe three times. At bumangga ang likuran ng kotse namin sa bakod ng gilid ng kalsada.

I... I was conscious. I was very wide awake but was feeling dizzy, catching my breath. It took me a moment before I thought of checking Archer. Nasa tabi ko pa siya. He was resting his head up sa sandalan niya and like me, he was catching his breath.

Buti na lang naka-seatbelt kami pareho. Buti na lang. Oh thank you, God.

Nanginginig ang mga kamay kong tinanggal ang seatbelt ko para makahinga ako nang maayos. Then I started thinking what to do next sa kabila ng pagkahilo ko, nang may marinig naman akong malakas na busina--na lalo pang lumalakas each speed second. Tumingin ako sa labas ng bintana ko at nakita ko ang isang adventure car na mabilis na tumatakbo--going this way--at our direction--at me.

"Shit!" Rinig kong sigaw ni Archer sa kabila ng pagkabingi ko sa napakalakas na busina.

I'm gonna die. Ayun naman agad ang naisip ko habang nakatulala dun sa kotseng babangga na sa amin.

I felt a very tight hug then, exactly before the crash happened; before the terrible pain hit me; and before I lost it.

oxoxoxTBC~

His Lucky Fiancee (LUCKY Duology Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon