Chapter 27

10.4K 168 3
                                    

Chapter 27

The following morning, mas maaga akong nagising than the usual. Sa kuwarto at kama kasi ni Nanay Beth ako natulog kaya naman medyo nanibago ako.

Naniningkit ang mga mata ko nung bumangon ako at tumingin sa paligid. Wala na si Nanay sa tabi ko. Hindi na ako magtataka dahil laging 5am siya gumigising.

Eh si Archer kaya?

Napangiti ako nang maalala ko ang nilalang na iyon. Kagabi kasi after naming mag-dinner, umakyat kami sa kuwarto ko. Sabi niya, pag-uusapan daw namin ang mga posibleng mangyari at ang mga dapat naming gawin kapag malaman na ni Dad ang tungkol sa aming dalawa.

But guess what? Kaysa sa makipag-usap sa akin ay dumiretso siya ng higa sa kama ko at natulog! Hindi man lang naghilamos ang loko niya. Ni pag-good night sa akin hindi ginawa!

Hindi ko sana siya hahayaang patulugin nun kasi baka biglang dumating ang tatay ko. Kaso ang bilis lang niyang nakatulog. Nahilik pa siya. He looked so tired, kaya hindi ko na siya ginulo. At dahil medyo maliit ang kama ko ngayon, hindi na ako tumabi sa kanya. Mahirap na, baka maitulak ko lang siya.

Excited akong naghilamos sa CR dito sa kuwarto ni Nanay Beth bago ako pumuntang kuwarto ko. I expected to find Archer still sleeping dahil 6:30am pa lang. Pero na-disappoint ako nang makita kong wala na siya sa kuwarto ko. He was not even in the CR. So... umalis na pala siya.

Nakasimangot akong umupo sa kama ko. Nakakainis lang. But... it's okay. Ganito rin naman siya dati, 'yung umaalis sa mga alanganing oras. Siguro kailangan ko na lang masanay ulit. Six months din kaming naghiwalay ah at hindi biro iyon.

Ilang saglit pa akong nag-emote sa kama ko--habang yakap-yakap ang unan na ginamit ni Archer para kunwari nayakap ko na rin siya--bago ako bumaba sa kainan para mag-almusal.

"What the--" Nagulat ako pagkapasok ko ng kainan namin. It was because I found Archer there, preparing a plate of omelet on the table! At mukhang nakaligo na siya ah. He's now wearing a different shirt and his hair looks a bit wet.

"Good morning," ngiting-ngiti niya namang bati.

Walang hiya ka! Gusto ko sanang isigaw sa kanya, kaso napanganga lang ako. Paano ba naman kasi! Nag-emote-emote pa ako sa kuwarto ko kanina dahil akala ko umalis na siya pero nandito pa pala siya?!

"A-Asan si Nanay?" I asked instead.

"Mamamalengke raw siya for your lunch."

Napakunot noo ako. Mamamalengke si Nanay Beth? Nang ganitong oras? Ang aga naman masyado?

Ay nako. For sure, nanadya lang iyon to give me and Archer some time alone together.

"Oh ba't nakakunot noo ka?" Tinutusuk-tusok ng forefinger ni Archer ang noo ko. "Bawas-bawasan mo 'yan, Vanessa. Maagang tatanda itsura mo niyan, sige ka."

Tinapik ko ang kamay niya. "Bakit ba nandito ka pa?"

Natigilan siya sa ginawa't sinabi ko. Ang harsh ko naman kasi.

"Sige lang..." He said. "Sungit pa more."

"Ano?" Medyo napataas ang boses ko dahil sa pagkakagulat sa sinabi niya. Ang weird eh! Sungit pa more? Pa more?

Natawa siya. "Usong expression 'yun ngayon, Vanessa! Hindi mo ba alam?"

Hindi ako makasagot. Nakakahiya lang aminin na wala akong alam sa mga ganun.

Nilapit naman ni Archer ang mukha niya sa akin at may binulong sa mismong tenga ko. "Sungit pa more, and I'll love you more."

For a moment there, nanigas ang pagmumukha ko. Hindi ko alam kung nganganga ako sa gulat, ngingiti sa kilig, o kukunot noo sa pagkabwisit. Pero sa huli, hinampas ko siya sa braso. "Tigilan mo nga ako, Archer!"

His Lucky Fiancee (LUCKY Duology Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon