Chapter 28

9.3K 140 1
                                    

Chapter 28

"Hi friend!"

Friday, right after my second class, sinalubong ako ni Miguela sa labas ng classroom.

"Tara sabay tayong mag-lunch!" Yumakap siya sa braso ko at dinarag ako palabas ng building. "Uy, friend, ba't ganyan itsura mo?" Nginuso niya ang mukha ko.

Inikot ko lang ang mga mata ko at sakto, nakita ko si Von Johan na seryosong nakikipag-usap sa dalawa naming kaklaseng lalaki. Tumango-tango siya pagkatapos at ngumiti--sadly--before walking away.

Malungkot na ulit siya, and it's my fault...

"Anong meron kay Von at ganyan mo siya tignan, huh?"

Tinignan ko si Miguela. Nakakalas na siya mula sa pagkakayakap sa braso ko at nakatingin na lang sa akin--nakatingin nang nakataas ang isang kilay habang nakapamewang. Oo nga pala. Wala pa 'tong alam sa mga nangyari matapos naming magkaayos ni Archer.

"Alam na ni Von ang tungkol sa amin ni Archer," nanlaki ang mga mata ni Miguela sa sinabi ko. "And now, nilalayuan na niya ako."

Kumurap-kurap na si Miguela at mukhang napaisip. Nagbuntung hininga naman ako at nauna nang naglakad paalis.

Pero si Miguela pa. Agad siyang naka-move on mula sa pagka-shock, at kinulit na akong magkuwento ng mga nangyari in full details. And I did. I tried to tell her everything in full details.

"Ahhh," tumango-tango si Miguela nung makapuwesto na kami sa isang table dito sa fast food na lagi naming kinakainan. Agad ko namang sinimulang kainin ang inorder kong spaghetti pagkaupo ko. "Kaya pala malungkot ka."

Hindi na ako nag-react. Nagpatuloy lang ako sa pagkain.

"Naku, 'wag mo na damdamin iyon, friend! Ano naman kung iwasan ka na ni Von? Nandito naman ako, oh?" Nag-beautiful eyes pa si Miguela na halos ikatawa ko. "Yey! Tumawa na siya! Yeeey!"

Medyo nag-panic ako dun dahil ang lakas-lakas ng boses niya at pinagtinginan kami ng mga tao.

"Huy, boses mo!" Sita ko sa kanya.

Tumawa pa siya. Bwiset lang!

"Pero 'yung seryoso friend?" Nginitian niya ako. "Huwag mo nang damdamin masyado 'yung paglayo ni Von. Siya na rin ang nagsabi. Kailangan niyang lumayo muna. Mu-na. Meaning, babalik din siya sa'yo bilang kaibigan mo. Kaya ang dapat mo na lang gawin ay maghintay at ibigay ang kailangan niya, which is time and space, para pagalingin ang sugat niya rito." Tinuro ni Miguela ang dibdib niya, making me feel guilty again.

Yes, I wounded Von Johan's heart and right now, I couldn't do anything except to wait until he gets over it. Babalik din siya--magiging magkaibigan din kami ulit. 'Di ba?

"Hayaan mo na muna si Von at pagtuunan mo na lang ng pansin ang relasyon niyo ni Fafa Archer. So, kamusta na nga ba ang panliligaw niya sa'yo?" Uh-oh, halos mag-twinkle na naman ang mga mata ni Miguela sa issue namin ni Archer. And now that she brought it up, I realized na nami-miss ko na pala ang nilalang na iyon.

Last night lang, nagkausap kami ni Archer sa phone. Sinabi ko sa kanya ang sinabi sa akin ni Von Johan na hindi ito magsusumbong sa tatay ko, and he just said na sana nga hindi ito magsumbong. Then he told me things na hindi ko masyadong na-absorb kasi lutang ang utak ko sa paglayo ni Von Johan sa akin--which I couldn't share to Archer. Ayaw kong malaman niya na nalulungkot ako sa kinahinatnan ng pagkakaibigan namin ni Von Johan 'cause he'd definitely feel bad about it--he'd even blame himself--at ayun ang pinaka-ayaw kong mangyari.

"Huy, natulala ka na friend!" Nag-wave siya sa tapat ng mukha ko. Napakurap tuloy ako. "Okay lang ba kayo ni Archer ah?" Now she's worried.

"Ah, oo, okay lang kami 'no. May lakad nga kami bukas eh. Sabi niya may pupuntahan daw kam--"

His Lucky Fiancee (LUCKY Duology Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon