Chapter 21

10.2K 167 9
                                    

Chapter 21

Oh how I hate parties...

Nagbuntung hininga ako habang pinaglalaruan ang hawak kong wine glass na may kakaunti na lang laman. I was feeling so much bored.

Mag-isa lang akong nakapuwesto ngayon sa isang table dito sa malaking hall na pinaggaganapan ng anniversary party ng company ni Dad. This party was formal so lahat ng attendants--ranging from Dad's high-ranking employees to his big-shot investors, business partners and friends--ay mga nakasuot ng magagarang dress at suits.

Nakakainis ang mga tao rito. Maraming maaarte, at mas lalo na ang mga plastic. Just like my stepmom, Tita Greta, and my half-sister, Colette.

Napangisi ako nang maalala ko ang pagtatagpo ng mga landas namin kanina. They both gave me a hug and a peck on my cheek with a smile pa as if we were in very good terms. Mayabang pa nilang pinakilala sa akin ang boyfriend ni Colette na anak ng isa sa mga business partners ni Dad. Ay, hindi na nga pala boyfriend, 'cause the jerk finally proposed to Colette just last night, at plano na nilang magpakasal at the end of this year.

"Sis, okay lang naman na ikasal na kami this year, right?" Maarteng tanong kanina sa akin ni Colette sabay yakap sa braso ng fiance-kuno niya. "Hindi naman na matutuloy ang kasal niyo ni Archer, eh, 'di ba, so there would be no sukob?"

My hands that were on my lap right now balled into fists at that memory. Nang tanungin nga iyon ni Colette kanina, gusto ko siyang sabunutan. Pero nauwi na lang ako sa pag-irap at paglayo sa kanila.

Sobrang nakakainis. Kailangan ba kasi talaga nilang ipamukha sa akin ang hindi pagkatuloy ng pagpapakasal ko kay Archer?

Ah, of course, they needed to do it dahil mga kontrabida sila sa buhay ko.

Pero, nakaka-depress lang talaga...

Six months na mula ng huling beses na nakita ko si Archer. Since then, I hadn't seen him even on TV. Iniiwasan ko rin kasi na makita siya sa kung saan man Nakakarinig na lang ako ng ilang balita tungkol sa kanya, like nung naka-recover na siya dun sa motorbike accident niya, at ang pagka-release na ng new album niya last week, just a few days after mag-new year.

I smiled bitterly. Nakakatuwa but at the same time, masakit din isipin na after all that happened, our life went on normally--normally as in, without having each other.

I couldn't help wondering, though. Naka-move na kaya si Archer sa pagkamatay ng kakambal ko? Kasi ako? Hindi pa eh. Hindi pa ako nakaka-move on sa kanya. Mahal ko pa rin siya and I always longed to be back with him kahit ba alam ko na hindi na talaga kami puwede, considering his past.

"What's with the long face?" Tanong ng lalaki na biglang pumuwesto ng upo sa tabi ko. It was Von Johan.

Lalo akong napasimangot. "Ang tagal mo kasi..."

"Ah, right. Sorry." He apologetically smiled. "Your dad kept on introducing me to those big shots." Sabay turo sa likuran niya without breaking his eye contact with me. "Nag-excuse nga lang ako para mag-CR kunwari."

Napatitig ako sa kanya. Von Johan looks very stunning now in his black suit. Ah, pero hindi iyon ang dahilan ng pagkatitig ko sa kanya!

"Grabe, kung ipakilala ka niya sa mga taong iyon eh parang ikaw ang anak niya rito ah?" Medyo amused kong sabi.

Natawa siya at napakamot ng ulo. Ang humble lang talaga. Alam niya na alam ko 'yung dahilan kung bakit proud na proud sa kanya si Dad, eh. Bukod kasi sa nagiging matinik na ang pangalan niya sa kompanya nito ay matataas din ang nakukuha niyang grades sa school. Dad was very proud of him as his boss, as well as his sponsor.

His Lucky Fiancee (LUCKY Duology Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon