Chapter 30

9.2K 142 1
                                    

Chapter 30

I've been all smiles after naming mag-date ni Archer a month ago. Why not, eh very clear na sa amin 'yung issue about kay Jessica. Ako na nga talaga ang mahal niya and he continues on proving it--pinipilit niya kahit medyo short siya sa oras since may pinaghahandaan siyang concert. And whenever I think about Archer's effort, para lang akong lumulutang. Then I'll just find myself smiling.

"Aba, masayang-masaya ang apo ko ah?" Lola Antonia teased habang nag-iikot kami sa women's wear area ng isang department store dito sa mall. "Ayan ba 'yung tinatawag nilang blooming? Kasi in love?"

Natawa ako at hinigpitan ang yakap sa braso niya. "Hmm, yes?" But no, let's not go there talking about my Archer. "Pero bukod po dun, sobra ko rin po kasi kayong na-miss."

Well, totoo rin naman iyon. I missed my lola so much dahil mahigit isang buwan din siyang nagpunta at nag-stay sa US for treatments sa sakit niya.

"Oh I know, apo. Kaya nga ngayon, babawi ako sa'yo." She tapped my hand na nasa braso niya and we kept on walking around to find things to buy.

Since malapit na ang graduation ko, she insisted on finding me a dress. Si Miguela sana ang gusto kong pagkatiwalaan sa bagay na iyon. Pero hindi rin masamang pumili ng dress si Lola ah? Metikulosa siya at may taste. Nagustuhan ko nga mga napipili niya, hindi lang sa dress kundi pati sa sandals, accessories at pouch bag.

Sa gitna ng pamimili namin, naalala ko si Archer. Once nabati niya na malapit na akong gumraduate. May regalo kaya siyang naiisip para ibigay sa akin?

"Akin na 'yung iba, apo, ako nang magbibitbit." Kinukuha ni Lola 'yung ibang shopping bags mula sa akin matapos naming bayaran ang mga pinamili namin.

"No, Lola, kaya ko na po 'to!" Nilayo ko sa kanya 'yung isang braso ko that was carrying four paper bags.

"You sure?" She looked very concerned.

"Yes naman po. T'saka hindi naman po kabigatan ang mga 'to." Iniyakap ko ulit sa braso niya ang free arm ko at hinatak na siya palabas ng department store. "Kain po tayo, Lola."

Natawa siya. "Sure, sure, apo."

Patuloy kaming naglakad, until I came to a sudden stop dahil sa nakita ko.

"Why apo?" Pagtataka ni Lola.

"Von Johan..." Naibulong ko as I could see him using an ATM machine.

"Oh? Von Johan you say?" Lola sounded giddy and I snapped out of it. Tinignan ko si Lola at nakita kong nakatingin na siya kay Von Johan.

"Uhm, kaib--"

"Hindi ba siya 'yung manliligaw mo?"

How did she know that?! Nag-panic ako mentally. Yes, alam na ni Lola na may manliligaw ako, but I never told her any name!

"Von Johan!" Sigaw pa ni Lola, making me panic more.

"L-Lola?" Pabulong kong sita. But it was too late. Nilingunan na kami ni Von Johan. I looked away dahil sa hiya. Pero si Lola, nag-wave pa at naglakad palapit kay Von Johan.

Gusto ko sanang hatakin na si Lola paalis. But of course, I could not do that. Kaya napabitaw na lang ako sa kanya at nag-aalangang sumunod. Si Von Johan, naglakad din para salubungin kami.

"Hi Von Johan!" Tuwang-tuwa na bati sa kanya ni Lola. Nakipagbeso pa ito.

"Vanessa's grandmom, right? Good afternoon po." Nakangiti namang sagot ni Von Johan sabay mano.

"Woah. Aba, gusto ko 'tong manliligaw mo, apo!"

Von Johan gave me a faint smile. Mukha hindi naman siya nagulat sa inaasta ng lola ko. Pero nakakahiya pa rin. After I hurt him, this happened? Oh geez.

His Lucky Fiancee (LUCKY Duology Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon