Chapter 37

8.3K 192 9
                                    

Chapter 37

Archer was in a critical condition. He might die--anytime, any minute now--because of me.

I cried non-stop mula nang malaman ko iyon kay Nanay Beth. I didn't know, si Archer pala ang may mas malalang injury na natamo kaysa sa akin dahil nagawa niya akong iligtas in the last seconds. Nagawa niya akong yakapin sa puwesto ko, covering me and putting himself on the spot where I could have already died.

Mas lalo ko tuloy ginustong makita siya. Pero ayaw pa rin ni Nanay Beth. Hindi raw talaga puwede ang gusto kong mangyari. At wala na akong nagawa pa bukod sa pag-iyak--iniyak ko na lang ang lahat ng takot at sama ng loob na nararamdaman ko. Tumigil lang ako nang turukan na nila ako ng pampakalma. So even if it was against my will, I fell into another deep slumber.

And I dreamt of it again--Archer and Jessica together, talking while holding each other's hands, habang ako ay hindi pa rin nila naririnig o napapansin kahit anong sigaw ang gawin ko. Kaya pagkagising ko, sobrang takot ang unang-una kong naramdaman. Takot na si Jessica na ang piliin ni Archer ngayon.

Napapikit ako roon.

Ayoko... Hindi ko kakayanin iyon...

"Kain ka na, anak." Yaya sa akin ni Nanay Beth na sinusubuan ako ng soup.

Siya lang ang kasama ko at siya lang din ang umaasikaso sa akin ngayon. She wasn't saying anything about Dad, but she mentioned Lola Antonia being unable to visit me gawa ng sarili nitong kondisyon. High blood daw, which I suspected na dahil sa nangyari sa akin kasama pa ang lalaking kinamumuhian niya.

"Hmm, ayaw mo ba nito anak? May iba ka bang gustong kainin?"

Sa tanong ni Nanay Beth, naisip ko si Archer at ang matinding kagustuhan ko na makita ito. I needed to see him, to talk to him, to tell him na huwag akong iwan. Pero kahit makita man lang makita siya, hindi ko magawa.

"Sabihin mo lang kung may iba kang gustong kainin, bibilhin ko." Nakangiting offer sa akin ni Nanay Beth.

May naisip naman ako roon.

"Talaga po Nay?"

"Oo. Dali, sabihin mo lang."

Nag-request ako ng ibang pagkain na wala rito. Hindi naman niya iyon tinanggihan at hindi siya nagdalawang isip na iwan ako rito para bilhin ang request ko.

Perfect.

Pagkaalis niya para bumaba sa canteen, nagbilang ako ng dalawang minuto bago bumangon at lumabas ng kuwarto ko.

Hindi ko na pinansin ang sakit na nararamdaman ng katawan ko. Nagmadali lang ako sa paghahanap kung nasaan ang ICU rito sa ospital. Halos iwasan ko rin ang mga nurse na nakakasalubong ko dahil baka mahuli nila ako--baka pagbawalan din nila akong makita si Archer.

Kaso ang hirap hanapin nung ICU. Masyadong malaki itong ospital. Pagod na ang mga binti ko. Gusto ko nang sumuko.

Pero… suwerte pa rin talaga ako.

On that very moment na susuko na ako, nakita ko na ang daan pa-ICU and I quickly sneaked my way in there.

Walang tao roon sa may lobby. Napakatahimik--at medyo nakakatakot. Dahan-dahan akong naglakad until may madaanan akong malaking bintana. Lalagpasan ko lang dapat iyon, nang mapansin ko namang may pasyenteng nakaratay roon--na nakilala ko kaagad sa kabila ng ilang tubes na nakakabit sa kanya at bondage sa may ulunan niya.

"A-Archer?" Humawak ako sa salamin, hoping that I could touch him.

My heart ached so much at his view—my heart was like being crushed, and I wanted to cry all out the pain.

His Lucky Fiancee (LUCKY Duology Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon