Chapter 23

10K 164 8
                                    

Chapter 23

Morning the next day, I was surprised dahil nasa bahay si Dad. Pagkababa ko sa kainan namin, nakapuwesto na siya sa dining table while naghahain naman na ng almusal si Nanay Beth. Both of them were smiling at sabay pa akong binati ng "Good morning."

I grinned as I greeted them back. I loved that scene. Para silang mag-asawa at siyempre, ako ang anak nila.

Okay, alam kong married at pamilyado na si Dad sa ibang babae--to an evil witch, not to mention. But I still could dream and assume of having a complete family, right? At ito ang pinapangarap kong buong pamilya.

Sa tuwa ko sa ideyang iyon, parehas ko silang pinanggigilang yakapin bago pumuwesto sa upuan ko. Natatawa pa ako kasi nagka-crack ng jokes si Dad, teasing Nanay Beth. Then Nanay told him, "Magtigil ka na diyan kung ayaw mong masaktan."

Tumigil naman si Dad, forcing himself to shut up and hold back his laughter. So ganun? May takot din pala siya kay Nanay Beth?

Sa gitna ng masaya naming pagkain ng almusal, naisip ko si Von Johan. I thought, this a good moment para ibalita na kina Dad ang panliligaw niya sa akin.

"Dad, Nay, I have something to tell you." Nakangiti kong umpisa.

"Ano 'yun?" Dad asked, enthusiasm obvious in their eyes.

Medyo kinabahan at nahiya ako, pero ano bang dapat kong ikakaba at ikahiya? Nasa tamang edad naman na ako para magpaligaw at mabuting lalaki naman ang manliligaw ko. Alam din naman na nila iyon dahil pareha nilang kilala si Von Johan.

"Uhm, si Von Johan po kasi. Nililigawan na niya po ako." At last, nasabi ko rin.

"Woah." Napanganga si Dad sa gulat pero agad siyang napangiti.

Si Nanay Beth naman, gulat na natulala lang sa akin.

Dad then chuckled. His eyes almost twinkling. "Kumilos na rin sa wakas ang batang iyon!"

Napakurap ako sa sinabi ni Dad.

"Matagal nang nagpaalam sa akin si Von na gusto niyang manligaw sa'yo. And since I know him very well and he is already like a son to me, kaya binigay ko na sa kanya ang blessing ko." Umayos ng upo si Dad at masayang-masaya na tumitig sa akin. "I like him for you, Vanessa. I knew that you two are really meant to be together."

Nakangiti lang ako sa mga sinabi ni Dad. It was all good to hear but I couldn't help to remember how he used to like Archer before--before everything about us twisted and turned to opposite directions.

I was still smiling when I looked at Nanay Beth. Pero nawala ang ngiti ko kasi hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon niya. Gulat na nakatulala pa rin siya sa akin.

"Nay?"

"Uhh, hm?" Kumurap siya at natulala ulit sa akin.

"Bakit po ganyan ang reaksyon niyo?"

"Oo nga," pagse-second the motion ni Dad. Like me, mukha na rin siyang naguguluhan sa reaksyon ni Nanay Beth. "You don't look happy, Beth. Siguro gusto mo na ring tumandang dalaga ang anak ko kagaya mo?"

Napa-frown dun si Nanay Beth at tumingin kay Dad. "Hindi ah!"

Dad chuckled. Binalik naman na sa akin ni Nanay Beth ang tingin niya at saka ngumiti. Medyo bothered nga lang ang ngiti niya.

"Anak, masaya ako para sa'yo ah?" She assured me. "Nag-aalala lang ako kasi... hayaan mo na. Basta. Ang mahalaga naman ay ang nararamdaman mo. Kaya pakiramdaman mo muna nang maiigi ang pagtibok niyang puso mo bago ka pumasok sa isang relasyon."

His Lucky Fiancee (LUCKY Duology Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon