Chapter 14

11K 181 4
                                    

Chapter 14

Patuloy na nagkukuwento ang lola ko tungkol kina Archer at Jessica pero hindi ko magawang makinig. I was lost in my own, hurtful thoughts.

If Archer was Jessica's boyfriend--if he used to be in love with her--with my twin sister na kamukhang-kamukha ko. Then...

Then could that be the only reason why he loved me?

Minahal lang ako ni Archer kasi kamukha ko si Jessica--'cause he saw her in me, 'cause I remind him of her.

Minahal niya ako, but only as the girl who he loved so much before, and not as Vanessa--not for who I really am.

Ganun ba 'yun?

My heart twinged, and cried in pain. My eyes were already starting to feel like crying too, but I held back my tears.

No, no. Hindi 'yun ganun, Vanessa. I convinced myself. Nagkakamali lang ang lola mo. Hindi si Archer Velasquez 'yun. Hindi ang fiance mo ang tinutukoy niyang boyfriend ni Jessica. Hindi.

I'm holding on to that. Naninindigan ako. Pero gusto ko pa ring makasigurado. And to do so, I need to talk to Archer--personally.

"Uhm, Lola."

Gulat na napatingin sa'kin ang lola ko nang bigla ko siyang tawagin after naming lumabas ng prayer room. "W-Wow..." Napangiti rin naman siya, sabay hawak nang mahigpit sa isa kong kamay. "For the first time, tinawag mo akong Lola... It felt so good, hearing it again..."

Naramdaman ko ang tuwa niya. Gusto ko nga sana siyang yakapin para ipakita na masaya rin ako dahil meron na akong matatawag na Lola. Pero hindi tuwa ang nangingibabaw sa'kin eh. My heart was still in pain and confusion--because of Archer and Jessica. At kailangan, maliwanagan muna ako bago ako tuluyang matuwa.

Nginitian ko na lang ang lola ko. "Lola. Ano po, kailangan ko na pong umalis eh."

Sobrang nalungkot ang mukha niya, to the point na kinabahan ako at baka bigla na lang siyang magmakaawa na 'wag akong umalis. "Bibisitahin mo ba ako ulit?" Malungkot niyang tanong.

"O-Oo naman po! Siyempre, lola ko po kayo kaya lagi ko po kayong bibisitahin." I assured her and that was true.

Ngumiti na siya at niyakap ako. "Aasahan ko 'yan, Vanessa apo. And next time, lumabas naman tayo. Ha?"

Smiling, I hugged her back. "Sure po, Lola."

***

From Lola Antonia's place, nagdecide ako na magpunta sa bahay ni Tito Leo--Archer's manager. Nagpasundo ako sa driver ko at tinawagan ang tatay ko after kong makaalis kina Lola, gaya na lang ng sinabi ko kay Dad kanina.

Sa pakikipag-usap ko kay Dad over the phone, ramdam na ramdam ko ang relief niya sa naging outcome ng pakikipag-usap ko sa lola ko. Mula pala ng hinatid niya ko eh hindi na nawala ang pag-aalala niya na baka hindi na ako bumalik sa kanila ni Nanay Beth.

Dad wanted to have dinner with me and Nanay Beth later at home, but I turned it down.

"Sorry po Dad. Kailangan ko po kasing puntahan si Archer ngayon." Paliwanag ko.

"Ah, I get it. Of course you'd want to see your fiance." May panunukso sa tono niya. If he only knows... Oh, wait. Wala nga bang alam si Dad? "Bukas na lang tayo ng umaga magkita. I'm gonna eat breakfast with you."

"Uh, Dad? Alam niyo po ba na may boyfriend si Jessica bago siya mamatay?" I asked him and I felt myself being obviously hurt. Sana lang hindi mapansin ni Dad.

His Lucky Fiancee (LUCKY Duology Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon