Chapter 10

10.6K 148 3
                                    

Chapter 10

Napatitig ako dun sa matandang babae. Hindi ako makapaniwala eh. Just, how the heck did she find out where I live?

Ah. Malamang dinaan niya iyon sa pera. Mukha siyang mayaman eh. Basta pa naman may pera ka--at tamang tauhan--napaka-posiblenp makuha ninuman ang lahat ng gustuhin niya.

Nakakapanibago nga lang ang matandang iyon ngayon. Sa bawat pagkikita namin, lagi ko siyang nakikita na naghi-hysterical. Pero ngayon, napaka-kalmado niya, composed, at seryoso habang nakikipag-usap kay Dad. Si Dad naman, ganun din.

But wait. Didn't Nanay Beth tell me na reporter ang nasa labas? Eh hindi naman reporter ang matandang iyon ah? At wala rin ni isang reporter ang naroon sa labas?

Confused, I turned my look to Nanay Beth. Takip-takip niya ang bibig niya with both of her hands and... she looked scared.

"H-Huwag ka lalabas dun ah, Vanessa?" Tensyonado niyang bilin sa'kin. Eh ano bang nangyayari sa kanya? Her actions and tone were making me more confused--and feel suspicious.

Why is Nanay Beth acting like this?

Paulit-ulit ko 'yung tinanong sa sarili ko mentally, until I came up with one possible answer.

"Kilala niyo po ba ang matandang 'yun, Nay?" I asked her, but she said nothing.

Kinabahan ako. Mukhang kilala nga niya 'yung matandang babae. And if she really knows that old woman, then...

Mas nakaramdam ako ng kaba. Mas nalito ako. Kung kilala ni Nanay Beth ang matandang iyon, posibleng kilala rin ako nito. Posible rin na... na ako nga si Jessica...

Pero alam ko rin namang imposible 'yun!

I know who I am and I am Vanessa Alcantara! Natatandaan ko pa lahat ng pinagdaanan ko mula nung bata pa ako! But... what if those are just faked memories? What if nagka-amnesia pala ako and I was forced to believe those memories?

Damn it. Napaka-surreal ng mga naiisip ako!

But still, it's possible, right?

Very much confused, I ran towards the front door.

"V-Vanessa!" Sigaw ni Nanay Beth and I know, she was trying to stop me. Pero binuksan ko na ang pinto and I finally could heard how Dad was impatiently telling the old woman to leave.

"No. Hindi ako aalis dito." Pagmamatigas nung matanda.

"My God, old Antonia. Halos benteng taon na ang lumipas! Can you please just move on from that past?!"

Past? What past? What did happen twenty years ago?

"I can't and I never will, Matteo." Nagtitimpi at nanggigil na sagot nung matanda. "Dahil hindi ko pa rin matanggap ang mga nangyari noon at hindi ko matanggap ang estado mo ngayon. After what happened to Clara and to your child, ganito ang buhay mo ngayon? You don't deserve any of these, Matteo!"

Clara and to their child? Sinong Clara? Sinong anak? Anak ni Dad sa ibang babae? Pero hindi ba't... ako 'yun?

"D-Dad..." I subconciously called him in confusion. Parehas silang napatingin sa'kin nang nakakunot noo--at sabay ring nanlaki ang mga mata nila nang makita ako.

"Vane--"

"Jessica?" The old woman's skeptic voice was louder than Dad so she had cut him off. "Oh Jessica, b-bakit nandito ka?" Naluha siya at dahan-dahang humakbang palapit sa akin.

"No you're not going close to her!" Hinarangan siya ni Dad at tinulak na palabas. "Leave now Antonia! O tatawag na ko ng security!"

"But Jessica's here! How could you take her away from me as well!" Naiiyak na 'yung matanda. Naiiyak na rin ako at nanghihina ang mga tuhod ko. Ano na ba kasing nangyayari?

"I did not take Jessica away from you! Nalimutan mo na ba?! Jessica already died five years ago!"

Jessica died? Five years ago?

I died five years ago?

H-How? B-Bakit 'di ko naman matandaan? Namatay nga ba ko or did I just lost all of my memories?

"Died? Yes, that's what I know, Matteo! Pero narito siya eh, kasama mo!"

"She's not, Jessica, damn it! Leave now, Antonia!"

"No! She's Jessica! Give me back my granddaughter!"

Naitulak na ni Dad palabas ng gate 'yung matanda, na agad nilapitan ng nurse niya at pilit pinakalma. May village security na rin doon na kinausap saglit ni Dad. Then Dad locked up the gate and went to me.

"Vanessa--" Hahawakan niya ko dapat sa kamay pero umiwas ako. At umiiyak na pala ako? "Vanessa?" Naiinis na ulit ni Dad.

"Who really am I, huh Dad?"

"W-What?"

"Vanessa? Jessica? Sino ba talaga ako? Sino ba talaga ako?!" Hindi ko na napigilang sumigaw.

"Vanessa, calm down." Dad cupped my cheeks. "You really are Vanessa."

"Pero paulit-ulit niya kong tinatawag na Jessica--na apo niya! Apo niya na anak mo sa ibang babae! Ako lang naman ang anak mo sa labas ah?!" I kept on screaming and crying as I was pulling his hands away.

"Shh, calm down, calm down please. I'm telling you, you're not Jessica--'cause the truth is, Jessica's... she's someone else..." Nakita ko ang bigla niyang paglunok at ang pagluluha ng mga mata niya. "Jessica's your twin sister, Vanessa so please. Please calm down now."

Kumalma naman ako, pero ang utak ko, nahirapang i-proseso ang inamin niya.

Jessica's my twin sister... May kapatid ako--na kakambal ko pa...

Napatingin ako kay Nanay Beth. Naiiyak lang din siya sa kinatatayuan niya. Obviously, alam niya ang katotohanang iyon. And I didn't like it. It felt like there was a very important part of me na tinago nila pareho sa akin. Parte na dapat matagal na nilang sinabi sa akin.

Now, I couldn't help to feel... betrayed.

Pero tama lang ba na ganito ang maramdaman ko sa mga pangyayari? My mind says no, that I'm overreacting, pero ganun pa rin talaga ang nararamdaman ko eh. Mas nangingibabaw ang sama ng loob ko, dahil parang pinagkait nila na ipaalam sa'kin ang kalahati ng pagkatao ko. My twin sister, my real mom, my grandmother--wala ba akong karapatan na makilala sila?

And for years, nagtiis ako sa presensya ng walanghiyang stepmom at half-sister ko. Tapos may ibang kadugo naman pala ako na puwedeng matakbuhan at makasama?

Sobra-sobra na talaga akong naguguluhan, mentally and emotionally. With that, tumakbo na lang ako paakyat sa kuwarto ko at doon, nagkulong ako para mag-isip--at iiyak ang nararamdaman ko.

oxoxoxTBC~

His Lucky Fiancee (LUCKY Duology Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon