Chapter 25

10.7K 159 7
                                    

Chapter 25

Ano ba 'tong pinasok ko...

"Okay ka lang ba, Vanessa?"

Ano na bang dapat kong gawin?

"Hey, Vanessa."

Napakurap ako sa pagtawag ni Von Johan. Nang tignan ko siya ay nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya.

Lunch time na at magkasama kaming kumakain ngayon sa isang convenience store. Bigla nga lang akong natulala, and it was not the first time I had done it since this morning.

"You feel okay?" Inabot ni Von Johan ang mukha ko at pinakiramdaman ang init sa pisngi ko.

"O-Okay lang ako." Agad kong nilayo ang mukha ko sa kanya.

But then I realized that I just made a harsh move, kaya nginitian ko siya at hinawakan ang kamay niya. Ngumiti rin siya at ginantihang hawakan ang kamay ko, intertwining our fingers.

Our hands fit, and his hold felt... okay. Just okay. So different from the perfection I could feel with Archer's hold.

"Wala kang sakit, pero alam ko na hindi talaga maganda ang pakiramdam mo. I can tell it." Sabi niya pa.

Totoo naman iyon. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko. Masakit ang ulo ko, and it was because I couldn't think well--kahapon pa, after Archer and I made up.

Ang hirap kasi mag-isip kung ano nang dapat kong gawin kay Von Johan. Gusto ko nang i-turn down ang panliligaw niya, kaso ang daming bagay ang nagho-hold back sa akin. Una na roon ang guilt.

Nakaka-guilty dahil pinagbigyan ko siya na ligawan ako. Hindi lang basta-basta binigyan ng pagkakataon, kundi ng pag-asa pa. Tapos bigla-bigla ko na lang siyang ire-reject?

Then there was fear. Kung bigla-bigla ko siyang ire-reject, magdududa siya at maaaring malaman niya na si Archer ang rason. At kapag malaman niya iyon, malamang na sasabihin niya iyon kay Dad. At kapag makarating iyon kay Dad, mawawalan na kami ng pagkakataon ni Archer na magkaayos at magkabalikan.

Nakakainis. Napaka-kumplikado lang nitong sitwasyon na pinasok ko.

"Huwag mo na panghinayangan ang afternoon classes mo, Vanessa." Dagdag pa ni Von Johan. "It's just for today, after all. So let me take you home para makapagpahinga ka."

"A-Ah, no," tumawa ako para itago ang totoong nararamdaman ko. "Hindi na iyon kailangan. I'll be okay. Puyat lang naman ako kaya nagkakaganito ako ngayon."

Yes, puyat dahil naghintay ako ng tawag ni Archer kagabi. Passed midnight na niya ako natawagan and we spent a couple of hours talking. Busy siya, eh, and that was the only time he had to spend on me.

But of course, hindi iyon alam ni Von Johan. Ang alam niya lang ay kinulit ako ni Miguela na kausapin sa cellphone.

"Hmm," tinitigan ako ni Von Johan, as if inoobserbahan niya ang facial expression ko. Kinabahan tuloy ako. Baka mabasa niya ang nasa isip ko.

"Tigilan mo nga 'yan Von Johan," tumatawa-tawa pa rin ako nung bitawan ko siya at tapikin ang mukha niya para iharap sa pagkain namin. "Dali ubusin mo na lunch mo. May trabaho ka pa."

"Ah, right." Sumunod naman siya, chuckling. While I sighed heavily, but silently. Sana naman magawaan ko na ito ng paraan, as soon as possible.

*

After taking our lunch, hinatid pa ako ni Von Johan pabalik ng school bago siya umalis to go to work. Mas bumigat ang pakiramdam ko roon. Kung patatagalin ko pa ang panliligaw niya, mas mahihirapan ako. Pero wala naman akong magawa ngayon--hindi ko talaga kaya.

His Lucky Fiancee (LUCKY Duology Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon