Chapter 18

9.5K 172 7
                                    

Chapter 18

Sobra akong kinabahan nang makita ko na pangalan ni Nanay Beth ang tumatawag sa'kin. My mind was flooded by so many questions.

Bakit ako tinatawagan ni Nanay Beth?

Alam na ba niya na nagpakalasing ako kagabi, nakatulog sa bahay ng isang lalaki, at hindi pa nakapasok sa school?

Or maybe... alam na niya ang sitwasyon namin ni Archer?

Fidgeting, sinagot ko na ang tawag niya.

"N-Nay?"

"Vanessa anak," mahinahon naman siyang nagsalita. "Asan ka?"

Sa tanong niyang 'yun, alam ko nang alam na niya ang nangyari sa amin ni Archer. I told her last night na mag-i-stay over ako kina Tito Leo eh, so kung wala pa siyang alam, hindi niya dapat 'yun tinanong.

Napabuntung hininga si Nanay Beth sa hindi ko pagsagot agad. "Puwede mo ba kong puntahan ngayon, anak? Kailangan nating mag-usap."

Hindi na naman ako makasagot. Ayaw ko nga kasing bumalik sa--

"'Wag ka mag-alala, wala ako ngayon sa bahay niyo ni Archer." Bigla niyang dugtong na ikinagulat ko.

Napa-sige na ako roon. At nang sabihin na ni Nanay Beth kung saan ko siya pupuntahan, inend na niya ang tawag.

Napatitig naman ako sa cellphone ko. Alam ko nang tungkol sa amin ni Archer ang pag-uusapan namin pero bakit ganito... Bakit kakaiba ang kaba at pagtataka na nararamdaman ko?

"Okay ka lang?" Si Von Johan, bumalik na ng upo sa tapat ko.

"O-Oo," tumayo na ko bitbit ang body bag ko. "Von Johan, alis na ko ah?"

Nanlaki ang mga mata niya sa'kin. "A... Aalis ka na?"

Tumango ako. "Kailangan kong puntahan nanay ko eh."

"Ganun ba... Sige..." Bahagya siyang ngumiti.

Ngumiti rin ako. "Sorry ulit sa abala ah, Von Johan? At maraming salamat sa pagtulong sa'kin."

He shrugged, still with that smile. "Walang anuman."

Sinamahan niya ko hindi lang palabas ng unit niya, kundi pati sa pababa ng building. Siya nga rin ang tumawag ng taxi na sasakyan ko, at pinagbuksan niya pa ako ng pinto.

"Vanessa," tawag ni Von Johan pagkaupo ko sa backseat. "Uhm..."

"Ano 'yun?" I asked, looking up at him.

Ngumiti siya ulit, showing me his usual weak smile. "Gusto ko lang sabihin na 'wag ka magdalawang isip na lumapit sa'kin kapag kailangan mo ng tulong. Dahil hindi rin ako magdadalawang isip ng tulungan ka. I'm always around--just a call or text away."

Medyo natawa ako. "Noted. Maraming maraming salamat talaga ah, Von Johan? I'm glad I got to have a friend like you."

"Right, a friend... I'm your friend..." Natawa rin siya at tumango-tango pa. "Sige. Mag-ingat ka."

Tumango ako at sinara na niya ang pinto. Sinabi ko naman sa driver kung saan ang destinasyon ko, at agad na kaming umalis.

***

Sa isang magandang bahay sa isang private subdivision ako napadpad. Sa tapat nito ay naka-park ang kotse ko.

Nakabukas ang gate kaya diretso akong pumasok doon hanggang sa loob ng bahay. Kumpleto ito sa gamit at simple lang ang ayos.

Sa sala ko naabutan si Nanay Beth. Nakaupo siya sa mahabang sofa at mukhang may malalim na iniisip.

His Lucky Fiancee (LUCKY Duology Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon