Chapter 26

9.8K 159 4
                                    

Chapter 26

I already want to sleep. Sa sakit ng ulo ko sa sitwasyong kinakaharap ko ngayon, gusto ko na itulog na lang ito.

Mahigpit ang yakap ko kay Archer habang nagbibiyahe kami gamit ang motor niya. Thankful ako na kahit papaano ay gumagaan ang pakiramdam ko knowing that he is with me right now. Para bang nagiging kampante ako na magiging okay rin ang lahat, basta kasama ko siya.

Kalmado na ako, pero muling gumulo ang pakiramdam ko nang mapansin ko ang dinaraanan namin ni Archer. I panicked, and asked him to stop. Pero nagpatuloy lang siya sa pagpapatakbo nitong motor as if he did not hear my plead.

"Archer! Why the heck did we go here?!" Pigil kong sigaw sa kanya right after niyang ihinto ang motor sa tapat ng tinitirahan namin ni Nanay Beth. "Umalis na tayo dito! Dalian mo!" Pinaghahampas ko pa siya sa balikat.

I heard his chuckle sa kabila ng suot-suot pa rin niyang helmet. Then he stood up, leaving me alone na nakasakay sa motor. Naku, kung alam ko lang magpaandar nito!

He offered me his hand na naka-black gloves. But I gave him a frown.

"Are you crazy, Archer?" Irita kong tanong. "Nanay Beth's--waah!"

Napasigaw ako nang bigla niya akong hatakin pababa ng motor. Bwiset 'to! Though he made sure naman na sa paghatak niya sa akin ay tatama ako sa kanya. So mula paghatak, he ended up hugging me with his one arm around my waist. Tapos tumawa na naman siya habang umiiling. Ay bwiset talaga!

Magrereklamo sana ako, kaso naiwang nakanganga ang bibig ko nang biglang magbukas 'yung daanan ng tao sa gate namin at mula roon ay sumilip si Nanay Beth.

Oh no...

Nanay Beth stared at us, wide-eyed, "Oh..." Then she smiled. "Nandito na pala kayo."

Napakurap ako sa reaksyon niya.

"Kayo talaga, 'wag kayo diyan magyakapan. Dun na kayo sa loob." Lumapit siya sa amin ni Archer at parehas kaming inakay papasok ng garahe.

"Woooh," parang refreshed na refreshed lang si Archer nang sa wakas ay mahubad na niya ang kanina niya pang suot na helmet.

"Ay saktong sakto lang ang dating niyo mga anak," tuwang-tuwa si Nanay Beth habang nakatitig kay Archer. As in nakatitig talaga siya with bright eyes. Masayang-masaya siya marahil na makita si Archer ngayon after a very long time. "Kakatapos lang maluto ng hapunang hinanda ko eh. Alam ko, gutom na kayo."

"Ah, opo nay. Ako po, gutum na gutom na." Tuwang-tuwa ring sagot ni Archer pagkahubad niya sa black jacket niya, revealing the plain gray shirt he was wearing underneath it. "Sakto po talaga at sobra ko ring na-miss ang luto niyo."

Nanay Beth gave him a touched smile. "Ako naman na-miss ko ang pangungulit mo sa akin tuwing nagkakatatampuhan kayo niyang si Vanessa." Tumingin si Nanay sa akin with the same smile. "Masaya ako at nagkaayos na kayong dalawa."

But then she sighed, shrugging.

"Alam ko nasa kumplikadong sitwasyon pa 'yang relasyon niyong dalawa pero hayaan niyo, basta manalig lang kayo at panindigan ang nararamdaman niyo para sa isa't isa, magiging maayos din ang lahat." And she smiled again.

Archer smiled, too. Habang ako, hindi makangiti dahil nalilito pa rin ako sa kanila at sa kung paano nag-react si Nanay Beth sa amin.

"Ah, hali' na kayo sa loob!" Pumasok na si Nanay ng bahay.

"Vanessa, tara." Humawak sa likuran ko si Archer.

"Teka," nagpamewang ako. "Bakit ganun ang reaksyon ni Nanay Beth sa'yo? Alam na ba niya ang tungkol sa ating dalawa?" Tinuro ko pa ang mga sarili namin.

His Lucky Fiancee (LUCKY Duology Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon