The Possessive Billionaire

77K 1K 32
                                    

Revised version. Kung may reklamo na naman kayo, please sa barangay na kayo magreklamo. Ni-revise ko lang 'to pero hindi ko pa nae-edit kung may wrong grammar o mispellings. Kaya kung may mga grammar-freak diyan, h'wag na kayo magbasa. Informal ako. Hindi ko kayo kailangang i-please. (˘︹˘)




Prologue

NAKATAKDANG lumipad papuntang Greece si Damon. Ngayo'y nasa airport siya kasama ang kanyang ina at ama. Pati na rin ang kapatid niyang si Primce Atticus.

Sumapit na kasi ang ika-labing anim nilang kaarawan ng kakambal. Gaya ng napag-usapan ng kanyang grandparents at kanyang mga magulang ay kailangan niyang manirahan sa Greece kasama ang mga ito. Doon na rin niya ipagpapatuloy ang kanyang pag-aaral.

Nalulungkot siya dahil hindi siya sanay na mawala'y ng matagal sa kanyang mga magulang at mga kapatid. Unang beses niyang malalayo sa mga ito.

“Mag-iingat ka roon anak ha.” pati ang kanyang ina na si Abigale ay malungkot rin sa pag-alis niya. Kung hindi lang talaga sa kahilingan ng kanyang lolo't lola ay hindi siya magtatagal roon. “Palagi mong icecheck ang cellphone mo. Tatawagin kita palagi.”

“Thank you mom.” niyakap niya ang ina. Mas kabado pa ata ang kanyang mommy kesa sa kanya. Unang beses niya kasing mawawala ng matagal at malalayo rito.

“Nasa labas na si Daniel. Please lang h'wag mo namang takasan ng takasan ang butler mo anak.” wika naman ng kanyang ama na papalapit sa kinaruruonan nila ng ina. Buhat nito ang bunso niyang kapatid na si Icus. “Anak, pinagdaanan ko ang mga pinagdaanan mo. Hindi mo naman kailangang takasan si Daniel. Maaari mo siyang idamay sa kalokohan mo. Kilala ko ang batang iyon. Kung makulit ka, mas makulit pa iyon sa'yo.”

Natawa siya sa sinabi ng kanyang over-protective na tatay. Malalayo siya, kaya naman sigurado siyang nag-aalala ito sa kaligtasan niya. Pero malaki na siya. Madalas siyang tumakas dahil mas masayang mag-explore ng mag-isa para sa kanya.

“Hindi naman ako makakagala madalas roon sa Greece dad. Alam mo namang wala akong kaibigan roon.” he assured his dad. Siguro ay sa mga first months ay mangyayari iyon. Hindi niya lang alam sa mga susunod pang buwan niyon.

“Kanina pa tinatawag ang flight mo. Mag-iingat ka roon ha. We will miss you.” sabi ng kanyang ama at binigyan rin siya ng isang side-hug.

Ngumiti siya. Pinipilit niyang alisin ang lungkot na nararamdaman. Ayaw niyang lisanin ang mga magulang na malungkot siya o umiiyak. Baka hindi na kasi siya paalisin ng mga ito. Alam niya kung gaano kalambot ang puso ng mga magulang niya, lalo na ng dad niya.

“Don't worry about me mom, dad. I love the two of you. Palagi ko rin kayong kakamustahin pagdating ko roon.” paninigurado niya sa mga ito.

Nagyakap silang tatlo, kasama ang kanyang natutulog na kapatid. Haay... itong talaga si Icus. Aalis na lang siya ay tulog pa rin. 

“Goodbye mom, dad and Icus.” huli niyang sabi bago lumayo sa mga ito at naglakad papunta sa departure area.

Palagi niya itong nililingon at nginingitian kahit deep inside ay naiiyak na siya. Parang gustong bumalik ng mga paa niya pero taliwas ang isip niya.

Sa kalilingon niya ay may babae siyang nakabungguan. Maganda ito, maputi at mahinhin kung tignan. His heart tighten, he didn't know why his heart constricted while looking to this beautiful lady in front of her. Nakatitig rin ito sa kanya. Para siyang nalulunod sa maganda pares ng brown nitong mga mata.

Unang nagbawi ng tingin ang babae.

“Sorry.” iyon lang ang sinabi nito saka naglakad papalayo sa kanya.

Sinundan niya ito ng tingin. Bakit kaya ganuon ang naramdaman niya ng makita ang babaeng iyon.

Muli na sana siyang maglakakad pero napahinto siya ng dumako ang tingin niya sa sahig. Sa tabi ng kanyang maleta ay may bracelette. Dinampot niya iyon. Pinagmasdan.

Pag-aari kaya ito ng babaeng iyon? Mukhang ka-edaran lang rin niya iyon.

Muli niyang nilingon ang dinaanan ng babae. Wala na ito, hindi na niya makita ang babae sa paligid.

Siguro ay itatago niya na muna ito. Baka sakaling magkita pa uli sila ng babaeng iyon.

Pero sino ba ang niloko niya?

Napailing siya saka nagpatuloy na sa paglakad.









♡♡♡♡♡

Copyright © SushiLoves, 2017, All right reserved.

This story is originally created by author's imagination, any similarities to other stories such as name, characters, business, places, events, story plot, incidents and etc. is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, create or display derivatives works from or exploit the contents of this story in any way.

Please obtain permission of the writer.

Title of Story: The Possessive Billionaire
Author: SushiLoves
Date Started: January 13, 2017
Date Finished: Unknown (On-going series)

The Possessive Billionaire (Vidales Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon