Chapter Eleven

25.1K 649 66
                                    

Hi guys! Isinali ko nga pala sa #wattys2017 ang The Billionaire's Obsession. Hmm... sana lang. Hahaha!

Thanks sa lahat ng sumusuporta. Pasensya na at hindi ako nakakapag-update lately. Bukod sa nawala ang focus ko sa pagsulat ng kwento ay naging masyadong busy.

Enjoy the update.









#DaCeMomentSICK



MATAGAL na naupo si Cecaniah sa couch habang nag-iisip. Hindi kasi niya mapigilang magtakha sa inakto ni Damon kanina. Para itong mabangis na hayop na parang susunggaban siya kanina. Akala niya nga ay hahalikan siya nito. Pero hindi naman pala.

Tumayo siya sa pagkakaupo sa couch at sinimulang maglibot.

'Nasaan kaya ang aquarium rito?'

Ang sabi ni Damon ay hiramin raw sa isda ang cellphone nito. Pero nakakapagtakha talagang sa isda niya pa hihiramin ang cellphone? Bakit gumagamit na ba ng cellphone ang isda ngayon?

Tsk, napasimangot siya sa naisip. Bwiset na lalakeng iyon. Ginugulo nito ang sistema niya.

May nahagip ang mata niya. Isang silid na walang pinto at madilim. Naglakad siya papunta roon. At ganuon na lang ang pagkamangha niya ng makita ang loob nun.

“Wow!” sambit niya saka pumasok sa loob nun.

Inilibot niya ang paningin sa madilim na silid na tanging nililiwanagan ng dalawang japanese floor lantern.

Ang kagamitan at pader doon ay pawang itim ang kulay.

'Favorite color niya ba ang itim?'

Natigil ang mata niya sa isang malaking aquarium. Nanlaki ang mata niya ng makita ang isdang naroon.

“Ang cute-cute naman niyan.”

Naaaliw siyang panuorin ang mga isdang naroon. Sa pagkakaalam niya ay Clarion Angelfish iyon. Isa sa mga pinakamahal na aquarium fish. Pero napansin niyang dadalawa lang ang isdang naroon samantalang ang lawak at ang laki naman ng aquarium. Nagtatago ang dalawa sa mga reef na naroon. Hindi ata friends, ang layo sa isa't-isa.

Napahinto siya sa panunuod sa isda ng may mapansin siya.

“A-Anong nangyari sa cellphone niya? Bakit wasak?”

Nakita niya ang cellphone ni Damon na nakalubog na sa tubig ng aquarium at wasak-wasak. Kinuha niya iyon. Parang gusto pa nga siyang sugurin ng isang isda kasi nakabantay ito sa kamay niya.

Sinuri niya ang hawak na sirang cellphone.

“Sayang naman. Ang mahal pa naman nito.”

'Bakit naman kaya niya sinira ito?'

Napabuntong-hininga siya at nagpasya na lang na maghanda ng agahan. Mabuti na lang at maganda ang kitchen at ang mga utensils. Ginanahan siyang magluto. Punong-puno rin ang pantry, halos lahat ata ng ingredients ay meron 'yon.

Matapos magluto ay umakyat siyang muli saka pinuntahan ang anak ni Daniel. Naabutan niya iyong gising at tahimik na nagalalaro sa crib.

“Hi baby!” pukaw niya sa atensyon ni Baby Z. Nangiti agad ito saka tumayo. “Gising ka na pala.”

Kinuha niya ang bata at kinarga ito.

“Ang cute cute mo naman. Sana kapag nagka-baby ako ay kasing cute mo.” nakangiting wika niya habang inaamoy-amoy pa ito.

Pero maya-maya lang ay nawala ang ngiti niya ng maalala ang isang bagay.

'Boyfriend nga wala tapos baby agad. Tsk!'

The Possessive Billionaire (Vidales Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon