Chapter Sixteen

10.2K 348 19
                                    

Hi guys! Thank you all for a warm welcoming back. Alam kong 'yung iba sa inyo gusto na akong ibaon sa lupa. 'MISS A PATAY KA NA BA? ANG TAGAL MO PONG MAG-UD!' Intense, wow! Haha. Sad to say but I'm a Badass. Hindi pa natatala sa deathnote ang aking pangalan. Wrawr!

Please, enjoy reading.










HABANG hinihintay si Maxie at Sapphire, minabuti ni Damon na ipasyal muna si Cecaniah sa malawak nilang bakuran. Dinala niya ito sa pink fountain. Masaya siyang pinagmamasdan ito habang namamangha roon.

"Nakakatuwa talaga itong pink na fountain niyo." nakangiting wika nito.

Pumunta siya sa likuran ng dalaga at niyakap ito.

"Gusto mo bang pagawaan rin kita niyan?"

He's serious. Ibibigay niya ang kahit na anong naisin ni Cecaniah. Kahit ano na makapagpapasaya rito.

"Loko ka talaga!" asik ng dalaga at hinampas ang bisig niyang nakapulupot sa beywang nito. "Natutuwa lang ako sa fountain niyo. Hindi ko naman sinabi na gusto ko rin ng ganito."

"Baka lang naman gusto mo."

Mahinang natawa si Cecaniah pero hindi na ito sumagot. Pinanuod niyang paglaruan ng kamay nito ang kulay rosas na likido sa fountain. Matagal silang nasa ganuong posisyon. Tahimik ang buong paligid. Huni ng ibon at kaluskos ng hangin na dumadampi sa mga halaman at puno lang ang maririnig.

Ang gaan ng pakiramdam niya.

"Damon..."

Napamulat siya ng tawagin ni Cecaniah ang pangalan niya.

"Yes baby?" tanong niya.

"Itong batang babae na 'to." itinuro nito ang sculpture sa gitna ng fountain. Ang sculpture ng imahe ng kapatid niyang bunso na si Miracle. "May kamukha siya. Hindi ko lang maalala kung saan ko nakita ang mukha niya. Pero sigurado akong nakita ko na siya."

Napahiwalay siya sa pagyakap sa dalaga. Ihinarap niya ito sa kanya.

"Are you sure?"

Hindi sumagot si Cecaniah pero tumango ito.

"Where did you see her? When?"

May posibilidad na nakita na ni Cecaniah ang kapatid niya. Dito na sa Pilipinas ipinanganak ang bunsong kambal. Dito rin sila lumaki. At dito rin namatay si Miracle. Pero hindi masyadong inilalabas sa publiko noon ang bunsong kambal. Lalo na si Miracle.

"Noong nakaraan ko lang nakita. Pero hindi ko maalala kung saan."

Nangunot ang noo niya.

"Minulto ka ng kapatid ko?" takhang tanong niya.

There's no way na makita nito ang kapatid niya. Ilang taon ng patay si Miracle. Ang naiisip niyang pwedeng mangyari ay minulto lang ito.

Pero nakapagtatakha naman kung bakit ito mumultuhin ng kapatid niya.

The Possessive Billionaire (Vidales Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon