#HisOffer
NAKAHIGA sa kama si Cecaniah at sinasariwa sa kanyang alaala ang mga nangyari sa kanya kahapon.
Bumuntong-hininga siya. Ibang klaseng kamalasan ang naranasan niya kahapon. Siguro kung mahina ang loob niya, baka nasa headline na siya ng dyaryo at balita ngayon dahil tumalon siya sa building o kaya naman sa tulay.
Grabe lang talaga ang mga kamalasang pinagdaanan niya. Hindi na makatao ang mga nangyaring iyon. At hindi man lamang siya inunti-unti. Ibinuhos talaga sa iisang araw lang.
“Hey!”
Napatingin siya sa pinto. Kaagad siyang umupo sa kama ng makitang nakadungaw roon si Damon.
Binuksan ng binata ang pinto at pumasok sa loob, papunta sa kanya. Napansin niya ang mga shopping bags na dala nito.
“Ito nga pala 'yung mga damit mo na ipinabili ko.” huminto sa pagsasalita ang binata at nagkamot ng likod ng ulo. “Hindi ko alam kung tama ang cup size ng bra diyan. Pero kung mali, sabihin mo lang sa akin. Magpapabili na lang ako uli.” sabi nito.
Her cheek heats up. Oh god! Ang awkward naman. Cup size talaga ng bra.
Nang maalala niyang wala pala siyang suot na bra ay kaagad niyang tinakpan ng kumot ang kanyang katawan. Kahit panty ay wala siyang suot. Nangalikot lamang siya ng boxer shorts ng binata at iyon ang isinuot.
“S-salamat ha!”
Inabot na sa kanya ni Damon ang mga shopping bags. Saka ito nagpaalam sa kanya.
“Lumabas ka na lang kapag tapos ka ng magbihis. Naghanda na ako ng pananghalian. Sumabay ka na sa amin kumain.” wika nito.
Tumango lamang siya.
Nang makalabas ang binata ay saka niya lang inalis ang kumot na itinakip niya sa katawan. Sh*t! Bakit hindi niya agad naalala na wala pala siyang suot na bra.
Nakita kaya ni Damon ang pagbakat ng dibdib niya sa polo nitong suot niya?
Naiinis na sinabunutan niya ang sarili. Nakakahiya!
Minabuti niya na lang na maligo at magbihis. Sa kabutihang palad naman ay nagkasya sa kanya ang bra na naroon. Eksakto kasi ang cup size.
Sino kaya ang bumili nito? Ang pagkakadinig niya kanina ay butler daw ni Damon ang bumili nito. Nakakahiya naman roon. Paano kaya nila nalaman ang cup size niya?
Naku bahala na nga!
Lumabas na siya ng silid. Napanganga siya ng makita ang malawak na lugar sa labas ng kanyang kwarto. Nasa elevated area siya. May tatlong silid pa ang narito sa taas. Sa baba naman ay nakita niya kaagad ang living room. Simple man ang mga gamit ay alam mong mamahalin ang mga iyon. Maganda rin ang interior design, napaka-manly ng kulay. Black and dark blue ang ginamit na kulay.
Napansin niya ang lalakeng lumabas sa isang banda sa ibaba. Nakatalikod man ito at hindi niya nakikita ang mukha nito ay alam niyang si Damon iyon. Marahan siyang naglakad at bumaba sa hagdan.
Nang mapabaling sa kanya ang binata ay ngunitian siya nito.
“Nagkasya sa'yo. Mabuti na lang at tama ang hula ko sa body statistic mo.” sinisipat ng binata ang katawan.
Para tuloy siyang na-concious kaya napayuko siya. Hindi siya sanay na may lalakeng tumitingin ng ganito sa kanya.
Lumapit sa kanya ang binata at hinawakan siya sa kamay.
“Halika na! Kumain na tayo.”
Iginiya siya nito papasok sa lugar na kaninang nilabasan nito. Dining room pala iyon. May iba pang naroon. Isang lalake na may kargang baby.
BINABASA MO ANG
The Possessive Billionaire (Vidales Series #1)
RomansaDamon Vidales is one of the hottest and handsome elligible bachelor in the country. Maraming babae ang nagkakandarapa na maging girlfriend niya. Lalo na ang nangangarap na maging asawa niya. At the age of 27 years old, he's still one of the member o...