#DaCeMoment
CECANIAH feel so comfortable on her sleep. Iba talaga ang kama ng mayayaman. Ang lambot-lambot at ang sarap higaan.
Niyakap niya ang unan na dinadantayan niya. May katigasan ito pero masarap yakapin. Idagdag pa ang mabangong amoy nito.
"Uhmmmm..." ungol niya saka mas niyakap pa ng mahigpit ang unan.
Napangiti siya ng maramdamang yinakap rin siya sa unan. Ang sarap talaga sa pakiramdam. Parang may nakayakap talaga sa kanya—
"Enjoying my hug?"
O_O
Nagmulat siya ng mata. Sumalubong sa kanya ang gwapong mukha ng nilalang na kayakap niya.
"Good morning." bati ni Damon. Na inakala niyang unan kanina.
Kaagad siyang bumangon. Oh gosh! bakit magkayakap sila ng binata?
"Kyaaaaaaaaahhhhhh!" tili niya at lumayo sa binata. Umusog siya ng umusog hanggang sa napunta siya sa gilid ng kama. Sa kakausod niya palayo rito ay hindi niya namalayan na nasa dulo na pala siya. Bumagsak siya sa sahig. "Ahh... aray ko!" daing niya habang iniinda ang masakit na likod.
Dali-daling lumapit sa kanya si Damon at dinaluhan siya. Tinulungan siya nitong makabangon.
"Sh*t! Are you okay?" tanong nito. Kita niya ang labis na pag-aalala ng binata.
"Ahh... masakit ang likod ko."
"Sorry. Hindi ko sinasadyang gulatin ka." paumanhin nito. Binuhat siya ni Damon at marahang inangat. Inilapag siya nito sa kama. "I just want to greet you a good morning."
"Bakit ba kasi nakayakap ka sa akin?"
Gumuhit ang pilyong ngiti sa labi ng binata.
"Ikaw kaya ang unang yumakap sa akin kagabi. Ginantihan lang kita." wika nito na ikinalaki ng mata niya.
Oh god! Nakakahiya! Ang lakas niyang magbintang tapos siya naman pala ang unang yumakap rito.
Napahiyang nag-iwas siya ng tingin rito. Niyakap niya si Damon? Siguro ay napasarap ang tulog niya at nayakap niya ito habang tulog siya. Nasanay kasi siyang yakapin si Ric kapag katabi niya itong matulog.
"H-Hindi ko matandaan. Pero sorry... hindi ko naman alam na yumakap pala ako sa'yo—"
Napahinto siya sa pagsasalita ng iharang ni Damon ang kamay nito sa bibig niya. Ngumiti ang binata kaya naman kumabog ng matindi ang puso niya. Ang gwapo-gwapo nito ngumiti.
Nakaka-inlove ang ganyang klase ng ngiti.
BINABASA MO ANG
The Possessive Billionaire (Vidales Series #1)
Roman d'amourDamon Vidales is one of the hottest and handsome elligible bachelor in the country. Maraming babae ang nagkakandarapa na maging girlfriend niya. Lalo na ang nangangarap na maging asawa niya. At the age of 27 years old, he's still one of the member o...