Masyado akong nag-enjoy sa pag-edit ng story ni Tim. Hehe, pasensya na sa nakayanan.
Enjoy reading.
HINDI mapigilan ni Cecaniah na mamangha sa ganda ng mga bahay sa Lucullan Village. Nauunawaan niya na ngayon kung bakit mayayamang negosyante lang ang nakakabili ng lupa rito. Ang laki at mararangya ang mga bahay rito.
“Wow!” hindi niya mapigilan ang mapa-wow sa tuwing dadaan sila sa iba't-ibang bahay na naroon. Nanlaki pa nga ang mata niya ng makita ang bahay ng isang Filipino fashion designer na kilala sa buong mundo. “Ang ganda naman ng mga bahay dito.” komento niya pa.
Saglit niyang binalingan si Damon na nakatuon sa kalsada ang atensyon habang nakangiti. Napaka swerte niya na siguro na nakapasok siya sa village na ito. Sobrang ganda dito.
Natigil lang siya sa pagpapantasya sa mga bahay roon ng puro pader na mataas na lang ang kanyang nakikita. Mukhang malayo-layo pa ang susunod na bahay rito. Mahaba ang tatahakin nilang daan na puro pader ang nasa kaliwang bahagi. Ang sa kanan kasi nila ay hindi kalalimang bangin. Maganda rin minsan ang pumunta sa probinsiya na hindi kalayuan sa lungsod. Nakakagaan ng loob ng makakita ng luntiang kapaligiran.
Umayos siya ng upo saka inusisa si Damon.
“Hindi ba dito rin nakatayo yung residential palace niyo?” tanong niya sa binata.
Sa pagkakatanda niya ay dito sa Lucullan Village matatagpuan ang isa sa pinaka-malaking bahay sa bansa. Ito ang The Vídales Residential Palace. Nakita niya iyon sa magazine.
“Yup.” tipid na sagot naman nito.
Nanabik siya bigla na makita ang residential palace. Kahit sa malayo lang. Ang mahalaga ay matanaw niya ito. Kaya kahit pader lang ng lugar na iyon ay masaya na siya kung makikita niya man.
Nakakahiya naman kasi kung yayayain niya pa pumunta roon si Damon para makita niya lang.
“Malapit lang ba sa residential palace niyo ang pupuntahan natin?” tanong niya.
“Actually nandito na tayo.” ngumiti ang binata at itinuro sa kanya ang pader na nasa gilid nila. “Iyan na ang residential palace.”
Nalaglag ang panga niya. Halos humaba ang leeg niya sa pagtanaw ng pader na sinasabi ni Damon. Kaya pala ang taas ng pader na iyan. Iyan na pala ang residential palace. Pero bakit tila ang haba ng pader na iyon. Nalagpasan na ba nila ang gate? Hindi niya man lang napansin.
“Nalagpasan na ba natin ang gate?”
Umiling si Damon. Itnuro nito ang tanawin sa harapan. Namangha siya sa kanyang nakita. Malayo pa lang ay tanaw niya na ang isang malaking gate na may malaking 'V' at 'F'.
Gate palang nito ay nagsusumigaw na sa karangyaan. Gaano pa kaya kaganda ang loob niyan.
“Ang ganda...” bulong niya.
Hindi niya mapigilan ang mamangha na para bang bata. Nakakasabik lang kasi na makita ang residential palace na gustong marating ng maraming tao. Gusto niyang maranasan na makita iyon sa sarili niyang mata. Iyon bang hindi niya lang basta nakita sa telebisyon, internet at magazine.
“Mas magugustuhan mo ang nasa loob niyan.”
Kaagad siyang napabaling kay Damon. Namimilog ang mata na tinignan niya ito.
“Papasok tayo sa loob niyan?” tanong niya. Tango lang ang isinagot ni Damon. “Akala ko ba sa mansion niyo tayo pupunta?”
Iyon ang sinabi nito kanina. Sa mansion sila pupunta hindi sa mala-palasyong tirahan nito.
BINABASA MO ANG
The Possessive Billionaire (Vidales Series #1)
RomansaDamon Vidales is one of the hottest and handsome elligible bachelor in the country. Maraming babae ang nagkakandarapa na maging girlfriend niya. Lalo na ang nangangarap na maging asawa niya. At the age of 27 years old, he's still one of the member o...