Chapter Five

25.4K 646 33
                                    



MASAMA ang timpla ng mukha ni Damon ng lumabas siya sa kanilang mansion. Nawala ang magandang mood niya. Pumasok siya sa mansion ng nakangiti pero lumabas ng nakasimangot.

Tsk, hindi niya lang talaga inaasahan na gusto siyang ipagkasundo ng lolo't lola niya sa kung sinong babae na ngayon niya lang nakita at nakilala.

Nakita niya kaagad ang mag-amang si Daniel at Zed na naghihintay sa kanya sa naka-park niyang sasakyan.

“Oh mukhang badtrip ka, your highness ha?” salubong na tanong sa kanya ni Daniel.  “Anong nangyari sa dinner niyo?” usisa pa nito.

“They are arranging me with someone.” sagot niya saka kinuha ang anak ni Daniel at pumasok na sa loob ng kotse. Naupo siya sa backseat.

“Naku! Lagot ka.” natatawang wika ni Daniel na pumasok na rin sa loob ng kotse. Inistart na nito ang makina ng sasakyan.  “Bakit ba naman kasi ayaw mo pang mag-girlfriend? Hindi mo na makikita pa si Cecaniah. H'wag ka ng umasa roon.”

Hindi niya na pinansin pa ang sinabi ng butler. Alam naman niya iyon. Hindi niya malaman kung nasaan na ngayon si Cecaniah. Ang alam niya lang ay isinama ito ng totoo nitong mga magulang. Nalaman niya na lang din na hindi pala nito tunay na ina ang kinilala nitong ina noong bata pa.

Bumalik sa kasalukuyan ang isip niya ng maramdaman niyang may humihila ng necktie niya.

“Hey, don't eat my necktie.” saway niya kay Baby Z na nginangata na ang necktie niya. Patawa-tawa pa ang bata nang pagsabihan niya ito. Kaya naman kinurot niya ang mataba nitong pisngi. “That's dirty little monster.” saway niya pa rito dahil inaabot pa rin nito ang necktie niya. Kaya naman ang ginawa niya na lang isinabit niya sa kanyang balikat ang necktie upang hindi ito maabot ng bata.

“Daan tayo sa convenience store, your highness. Kailangan kong bumili ng diapers niyang si Z.” sabi sa kanya ni Daniel.

“Sige.”

Nilaro niya muna si Baby Z habang nagmamaneho si Daniel papunta sa grocery.

Ano kaya ang feeling na magkaroon ng sariling baby? Tandang-tanda niya noon. Mangiyak-ngiyak ang kakambal niyang si Damien ng malaman nitong nanganak na ang asawa. Pati na rin si King umiyak din ng manganak ang asawa nito.

Sobra bang nakakatuwa ang magkaanak. To the point na naglalabas ng luha ang lalake. Hindi niya maintindihan kung ano ang nakakaiyak roon. Nakakatuwa kayang makakita ng baby na bagong panganak.

“Daniel?” tawag niya sa kanyang butler. Tinignan naman siya nito mula sa rearview mirror. “Naiyak ka rin ba ng ipanganak ni Honeylee si Zed?” tanong niya.

Nangunot naman ang noo ni Daniel saka tila inalala ang kaganapan ng ipanganak ang anak nitong si Zed.

“Hmm... oo umiyak ako. Kasi nilapirot ni Honey ang pisngi ko. Akala ko nga nun ay dudurugin niya ang mga buto ko sa daliri sa higpit ng pagkakahawak niya noon.” kwento ni Daniel. Napangiwi siya sa narinig. “Grabe pa ang inabot kong sabunot, sapak at kotong kay Honey. Halos mamaga ang buong mukha ko nun. Saka parang makakalbo ang buhok ko. Nakita mo naman na matapos niyang manganak ay palagi ako may bitbit na ice bag.”

Naaalala niya iyon. Nagkaroon kasi ng meeting ang Head butler nila kasama ang mga butlers nilang magkakapatid. Ipinatawag ito ng lolo't lola niya noon. Totoo ngang nakita niya si Daniel na may bitbit na ice bag noong magpunta ito sa mansion nila.

“Pero mas naiyak ako noong makita ko si Zedrick.” ngumuti si Daniel saka muling itinuon ang atensyon sa kalsada. “Hindi ko inakalang may magagawa pala akong napakagandang bagay sa mundo. Ang magbigay ng buhay sa anak namin ng pinakamamahal kong babae. Nang makita ko si Zedrick, kusang lumabas ang luha sa mga mata ko. Para akong nilulutang sa alapaap ng makita ko kung gaano kaganda ang nabuo naming buhay ng asawa ko.” kwento ni Daniel na hindi napigilan ang hindi maiyak.

The Possessive Billionaire (Vidales Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon