NAPAKUNOT ang noo ni Cecaniah ng halos 15 minutes na siyang tumatawag, kumakatok sa gate at nagdodoorbell pero wala pa ring lumalabas na Chona sa bahay nito. Sinubukan niya itong tawagan pero out of reach ang numero na gamit nito.
Para tuloy siyang kinutuban ng masama. Hindi kaya hindi na rito nakatira si Chona?
Inalis niya ang mga negatibong bagay na naglalaro sa kanyang isipan. Hindi magagawa ni Chona na lokohin siya. Matalik nila itong kaibigan ni Frederico. Maayos ang usapan nila.
Huminga siya ng malalim saka muling pinindot ang doorbell. Pero tulad rin kanina ay wala pa rin.
“Hija!”
Napalingon siya sa kanyang kaliwa. May babaeng nasa mid-40's ang naroon. Ito siguro ang tumawag sa kanya.
“Napansin kong kanina ka pa riyan. Hinahanap mo 'yung dalagang nakatira diyan?” tanong nito sa kanya.
Kaagad naman siyang tumango. Hindi naman mukhang katulong ang ginang, siguro ay kapitbahay ito.
“Sa hinala ko ay isa ka din sa tinakasan ni Chona.” wika nito na ikinatigil niya. “Marami nang nagpunta rito at hinahanap siya magmula pa noong nakaraang linggo. Ang dinig raw kasi nila ay nalugi ang business na sinimulan ni Chona dahil sa boyfriend nun na sugalero. Nagtatago na ata iyon sa ibang bansa dahil baon na baon iyon sa utang. Noong nakaraang araw nga ay pinuntahan na ng bangko ang bahay na iyan, e. Aariin na raw nila.” kwento nito.
Parang nanghina ang tuhod niya sa narinig. Grabe naman 'to. Ibig sabihin ba nito ay wala na rin ang inaasahan niyang pera. Naglahong parang bula ang perang pinag-ipunan niya.
Bakit ba ang malas-malas niya ngayong araw?
Nagpaalam na siya sa ginang. Pinipigilan niya ang namumuong luha sa kanyang mga mata pero hindi niya napigilan ang pagbagsak nun.
Paano nagawa sa kanya ito ni Chona. Matatanggap niya pa kung nagsabi ito ng totoo at sasabihin sa kanyang mag-iipon ito para mabayaran siya. Pero hindi. Paano pa kaya kung hindi siya natanggal sa trabaho? Ibig sabihin ba nito ay magtatagal rin ang pagiging walang alam niya na tinakasan na pala siya nito.
Bwiset!
Nang makalabas siya sa subdivision na iyon ay naupo muna siya sa malapit na waiting shed. Para siyang tanga na umiiyak roon. Ayaw niyang umiyak sa tinitirahan niya. Baka pati doon ay mahawaan ng kamalasan na dala niya.
Nagtagal siya ng kalahating oras roon bago nagpasyang umuwi. Doon na lamang niya iisipin kung paano siya muling babangon. Saka hihintayin niya na rin ang tawag ni Porsche. Gusto niyang madama na may kaibigan siya ngayon. Bago man lang ito makaalis.
Sumakay na lamang siya ng jeep pauwi. Pagod na pagod ang pakiramdam niya. Sa mga kamalasang natamasa niya ngayong araw? Paano siya hindi mapapagod.
“Mama para ho!” sigaw niya sa mamang driver ng jeepney. Huminto ito sa mismong kanto kung saan siya nakatira.
Pagkababa niya ay nangunot ang noo niya ng makitang nagkakagulo ang mga tao sa labasan. May nagsaksakan na naman ba? Karaniwan na nagkakagulo ang mga tao rito kapag may mga away o kaya naman riot.
Habang naglalakad siya sa kalye patungo sa hilera ng apartment niya ay nakasalubong niya ang landlady nila na si Aleng Pilar.
“Aniah!” tawag nito sa kanya.
“Ano hong nangyari sa inyo Aleng Pilar?” tanong niya na mapansin ang hitsura nito. Ang gulo ng buhok nito at madaming dumi ng uling.
“Naku Aniah!” nagsimulang mag-panic ang ale. Hindi niya malaman kung lalakad ba ito sa kaliwa o sa kanan. Napakalikot nito. Hindi mapakali.
BINABASA MO ANG
The Possessive Billionaire (Vidales Series #1)
RomanceDamon Vidales is one of the hottest and handsome elligible bachelor in the country. Maraming babae ang nagkakandarapa na maging girlfriend niya. Lalo na ang nangangarap na maging asawa niya. At the age of 27 years old, he's still one of the member o...