Chapter Seventeen

14.2K 370 29
                                    

Late update. Hihi natuwa ako sa paggawa ng draft para sa The Princess Comeback, pagbasa ulit ng He's Into Her 1, 2, & 3 at pagma-marathon ng The Princess Hours sa YouTube. Kahit deep inside ay nalulungkot ako, natuon ko naman sa ibang bagay ang atensyon ko.

Enjoy reading guys.











NAGISING si Cecaniah nang makarinig ng katok. Bumangon siya sa pagkakahiga sa kama saka tumayo.

Narito siya sa kwarto ni Damon. Napagod kasi siya sa pamamasyal nila kanina. Ang paalam niya sa binata ay magpapahinga lamang siya saglit pero hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.

"Lady Cecaniah, papasok na ho ako." dinig niyang paalam ng kung sino man ang nasa pinto.

Naglakad siya papunta sa banister ng hagdan. Mula roon ay pinagmasdan niya kung sino man ang nasa baba.

Iyong maid kanina.

"Pasensya na ho Lady Cecaniah. Nagising ko ho ba kayo?" paumanhin nito.

Nginitian niya ang katulong. "Hindi naman."

Tinignan niya ang orasan sa bedside table ni Damon. 6:30 na pala. Dalawang oras pala siyang nakatulog.

"Ihinatid ko lang po itong gagamitin niyong dress para sa dinner ninyo ni Prince Damon." pahayag nito. Umakyat sa hagdan ang maid. "Maligo na ho kayo. Maya-maya po ay darating na ang mga make-up artist na mag-aayos sa inyo."

Nangunot ang noo niya.

Make-up artist?

Bakit kailangan pa ng make-up artist? Marunong naman siyang mag-ayos kahit papaano. Hindi na kailangan pa ng ganun. Mukhang simpleng dinner lang naman ang pagsasaluhan nila.

O baka naman ay may balak si Damon na ilabas siya? Baka nagbago na ang isip ni Damon at sa restaurant na lang nito gustong kumain.

"Mauna na ho ako Lady Cecaniah." paalam ng maid.

Hinawakan niya ito sa braso bago pa man makababa sa hagdan.

"Pwede bang samahan mo muna ako rito." pakiusap niya.

"Oo naman ho." pagpayag nito.

Nahihiyang binitawan niya ang braso nito.

"Pasensya ka na ha." hinging paumanhin niya.

Gusto niya lang na may makasama sa silid. Medyo naninibago pa kasi siya sa kwarto ni Damon. Kakaiba ang feeling niya sa tuwing naiiwan siya mag-isa.

"Okay lang ho Lady Cecaniah." nakangiting tugon ng maid. "Aayusin ko po muna ang mga gagamitin niyo sa pagligo sa bathroom."

Tumango siya.

Minabuti niyang maupo muna sa kama habang naghihintay sa maid. Nang matapos ito ay tinawag na siya nito. Mukhang napansin ng maid ang transparent wall kanina.

"May button po diyan sa gilid Lady Cecaniah. Kung gusto niyong maging transparent muli ang dingding ay pindutin niyo lamang po iyon."

Iyon naman pala.

"Maraming salamat..." hindi niya na naituloy pa ang sasabihin.

Hindi niya pa pala alam ang pangalan ng maid.

The Possessive Billionaire (Vidales Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon