MASAYANG bumaba ng hagdan si Cecaniah. Suot niya ang isa sa bagong damit na ibinigay sa kanya ni Louisa kagabi. Malambot ang tela nito. Komportable siya sa suot na dress. Kapagka nagkapera siyang muli ay doon na siya mamimili ng damit. May kamahalan man ay maganda naman ang kalidad.
Habang naglalakad papunta sa kitchen ay nadinig niya ang boses ni Damon sa sala. Kaya naman minabuti niyang silipin ito.
Naabutan niya itong nakatanaw sa labas ng glass window. Nakapamulsa ito habang may kausap sa cellphone.
"I will tell her soon. But not now."
Minabuti niyang lapitan ito. Gusto niya itong batiin kapagka natapos na ito sa pakikipag-usap sa cellphone.
"Thanks for covering up on me twinbro."
Twinbro? Si Damien ata ang kausap nito. Naupo siya sa sofa malapit sa kinatatayuan nito. Kumuha siya ng magazine sa center table at binuklat niya iyon. Inabala niya ang sarili sa pagtingin nito upang hindi niya madistorbo si Damon sa pakikipag-usap.
"Okay. Tell the kids that I missed them. If I'll have free time, ilalabas ko sila." natawa ito ng mahina. Napalingon tuloy siya rito. "Bye."
"Good morning." bati niya sa binata nang humarap ito.
Bahagyang nagulat ito sa presensya niya pero kaagad ding bumawi. Naglakad ito palapit sa kanya.
"Good morning baby." ani ng binata at binigyan siya ng mabilis na halik sa labi.
Pabirong hinampas niya ito sa braso. "Nakahalik ka na naman." angal niya.
Pero aaminin niya. Nasasanay na siya sa paghalik nito sa kanya. Gusto niya rin ang pagdampi ng labi nito sa kanya. Kaya nga hinahayaan niyang halikan siya nito kahit hindi pa sila.
"I can't help it. Ang sarap mo kasing halikan." tinabihan siya nito at niyakap.
Kinilig siya sa sinabi nito pero hindi niya ipinahalata.
"Ang aga mo nagising. Nag breakfast ka na ba?" tanong niya sa binata.
Nakabihis na ito ng pang-opisina. 7 am pa lang naman. Kadalasan ay 7:30 ito naghahanda sa pagpasok ng opisina. Pero ngayon ay ayos na ito handa na itong pumasok.
"Not yet." sagot nito.
Tumayo siya. Ipaghahanda niya ito ng pagkain.
"Anong gusto mong breakfast? Ipagluluto kita?" alok niya.
Umiling si Damon. Hinawakan nito ang kamay niya. "I'm running late baby. Sa office na lang ako kakain kapag may time."
Napasimangot siya.
"Maaga pa naman ha."
"May emergency meeting kami. I need to be there before 8 am."
Sobrang aga naman ng meeting na iyon. Ganyan ba talaga kapag namamahala sa kompanya? Kahapon ang sabi nito umattend ito ng tatlong meetings. Tapos ngayon may meeting na naman.
"We're branching out another business in Cebu. Pag-uusapan namin ang magiging disenyo ng building na itatayo namin." ani Damon.
Ano pa nga ba?
"Kumain ka mamaya. Huwag kang magpagutom." paalala niya rito.
Parang kuminang ang mga mata ni Damon ng marinig ang sinabi niya.
"Opo baby." sabi nito. Nagulat siya ng bigla siya nitong hilahin paupo sa kandungan nito. Niyakap siya nito mula sa kanyang likuran. "Sagutin mo na kaya ako baby. Para naman mapaghandaan ko na 'yung kasal natin. Para maging misis na kita."
BINABASA MO ANG
The Possessive Billionaire (Vidales Series #1)
RomanceDamon Vidales is one of the hottest and handsome elligible bachelor in the country. Maraming babae ang nagkakandarapa na maging girlfriend niya. Lalo na ang nangangarap na maging asawa niya. At the age of 27 years old, he's still one of the member o...