NAPALUNOK si Cecaniah habang hindi inaalis ang tingin sa gwapong binata na nasa kanyang harapan. Totoo nga ang mga nasa balita. Ang gwapo-gwapo ng nakababatang kapatid ni Damon.
“Hey, miss! Are you okay?” tanong nito at bahagya pang itinabingi ang ulo habang nakikipagtitigan sa kanya.
Godness! Nakakatulala naman ang kagwapuhan ng batang ito. Mas gwapo ito sa personal kesa sa nakikita niya sa mga magazines at telebisyon. Sobrang kinis ng mukha nito at napaka puti ng balat.
“Ahh... Oo... Okay lang ako.” nahihiyang sabi niya saka nag-iwas rito ng tingin.
Ramdam niya ang pamumula ng kanyang magkabilang pisngi. Gusto niyang magtitili pero hindi naman iyon ang dapat niyang gawin.
“I was at the balcony when you had arrived. You came here with my brother.” wika nito.
Napatango siya, “Oo. Kasama ko siya. Nasa kitchen siya. May kukuhanin lang daw.”
Nilingon nito saglit ang gawi ng kitchen saka siya inayang maupo. Sumunod naman siya. Magkatabi silang nakaupo ngayon sa couch.
Naghari ang katahimikan sa paligid. Pinakikiramdaman niya lang ang binata.
Hindi niya malaman ang gagawin. Kung kakausapin niya ba ang binata o hindi. Chance niya ng makausap ang sikat na batang ito. Pero napaka tahimik kasi nito at natatakot siyang kausapin ito. Unless, kung ang binata ang unang makikipag-usap sa kanya.
Nakita niyang gumalaw ang binata at may kinuha ito sa center table. Binuksan nito ang TV na pang-Home Theater sa laki gamit ang remote control. Tahimik na pinagmamasdan niya ang bawat kilos nito. Pati ang pagpindot nito sa remote control. Nilipat nito ang channel hanggang sa mapunta sa news.
“Are you his girlfriend?”
Nagulat siya sa biglang pagtatanong nito. Napabaling siya sa binata na nakatuon pa rin ang atensyon sa telebisyon.
“Hi-Hindi...” iyon ang isinagot niya.
Hindi naman kasi talaga sila ni Damon. Liligawan pa lamang siya nito.
Bumaling sa kanya ang binata na may naguguluhang ekspresyon sa gwapo nitong mukha.
“But he registered you.” nakakunot noong sabi nito.
Kinabahan siya bigla. Por que ba niregister siya ni Damon ay girlfriend na siya nito. Ganuon ba iyon? Pero hindi pa naman talaga sila. Sasabihin niya bang liligawan pa lamang siya nito?
“Ahh... Ano...” hindi niya talaga alam ang isasagot.
“You don't have to answer it.”
Napabaling siya sa binata. Naghihikab na ito habang kinukusot ang isang mata.
“I already know the answer.”
Nagulat siya ng kindatan siya nito. Pero hindi niya inakala ang sunod nitong ginawa. Nahiga ito sa kandungan niya at pumikit. Natameme siya habang pinagmamasdan ito.
Primce Atticus...
Para itong bata na nahiga roon habang nakapatong ang ulo sa kandungan niya. Lumipas lang ang ilang sandali ay malalim na ang paghinga nito. Namangha siya dahil ang bilis na nakatulog ng binata.
NAKANGITING lumabas ng kusina si Damon. Kakatapos niya lang kausapin ang head chef ng mansion nila. Nagpahanda siya ng meryenda para kainin nila ni Cecaniah pagkatapos niyang ipasyal ito mamaya. Alam niyang hindi nila malilibot ng isang araw lang ang buong lupain na ito. Dadalhin niya lang muna ito sa mga lugar na espesyal sa pamilya niya.
BINABASA MO ANG
The Possessive Billionaire (Vidales Series #1)
RomanceDamon Vidales is one of the hottest and handsome elligible bachelor in the country. Maraming babae ang nagkakandarapa na maging girlfriend niya. Lalo na ang nangangarap na maging asawa niya. At the age of 27 years old, he's still one of the member o...