Chapter Eighteen

6.5K 198 17
                                    

Not edited.

Enjoy reading.















MASIGLANG bumaba ng hagdan si Damon. Malawak ang ngiti sa kanyang labi. Hindi pa rin niya makalimutan ang dinner date nila ni Cecaniah kagabi. Wala atang makakasira ng araw niya ngayon dahil sa sobrang saya na nararamdaman niya.

Balak niyang magluto ng agahan. Hahandaan niya ng breakfast si Cecaniah.

Nang marating niya ang sala ng kanyang penthouse ay nakaamoy siya ng mabangong amoy mula sa kusina. Mukhang naunahan ata siya ni Daniel.

Pagkarating niya sa entrada ng kusina ay nakita niya kung sino man ang nagluluto roon. Si Cecaniah pala. Ang dalaga pala ang nauna sa kanya.

Marahan siyang lumapit sa nakatalikod na dalaga. Nadinig niya pa ang mahinang pag-awit nito. Nang tuluyang makalapit ay niyakap niya ito mula sa likuran.

Nagulat si Cecaniah sa ginawa niya. Nilingon siya nito saglit at nang makitang siya iyon ay binigyan siya nito ng ngiti.

"Good morning beautiful." bati niya rito. Tinignan niya ang niluluto nito. "Your cooking huh?"

Tumango si Cecaniah, "Hmm... Bacon and eggs." muli siyang nilingon nito. "Okay na ba 'to sa'yo? Baka may gusto kang ipaluto." tanong pa nito.

"That's enough." sagot niya. Ibinaon niya ang mukha sa leeg ng dalaga.

Naamoy niya ang mabangong amoy nito. Bagamat nahaluan na ng amoy ng mga niluluto nito.

"Malapit na 'tong maluto. Maupo ka na lang muna doon." wika nito saka itinuro ang hapag.

"Sure."

Tumango siya saka naglakad papalapit sa dining table. Doon siya naupo saka nilibang ang sarili sa panunuod kay Cecaniah na abala sa pagluluto. Naramdaman niya ang pag-vibrate ng phone sa bulsa niya.

Napabaling siya sa dalaga. Bigla siyang binalot ng kaba. Hindi siya pwedeng makita ng dalaga na ginagamit ang phone niya. Baka contact-in na naman nito ang Porsche na iyon.

"Baby, I'm just going to get something in my room." paalam niya kay Cecaniah.

Nilingon siya nito, "Okay."

Nang makalabas sa kusina ay doon niya lang kinuha ang phone sa bulsa. Tinignan niya ang caller. It is his dad. Lumingon siya saglit sa kusina bago sinagot ang tawag.

"Hello dad?"

"Good morning, son."

"Good morning dad."

"How are you there? Are you still in the mansion?"

Alam ng dad niya na nagpunta siya sa mansion kahapon. Siguro ay si Primce Atticus ang nagsabi.

"I'm very fine dad." sagot niya sa naunang tanong nito. "I'm not in the mansion. But I was there yesterday."

Narinig niya ang mahinang paghinga ng malalim ng kanyang ama. Napakunot ang noo niya.

"You're mom will be coming home tomorrow." ani nito.

"Biglaan dad? Why?"

Nakakapagtakha namang umuwi ang mommy niya nang hindi kasama ang daddy niya.

"Yes. Heira told her about something and she just became so excited about it. That's why she really wants to go home."

"What is it dad?"

Ano naman kaya ang sinabi ni Heira sa mommy niya? That must be important. Hindi magkukumahog umuwi ang mommy niya kung hindi.

"I don't know, son. Just ask your mom."

The Possessive Billionaire (Vidales Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon