Chapter One

48.8K 963 60
                                    

PABAGSAK na naupo si Damon sa kanyang sofa. Kakauwi niya lang mula sa opisina. Buong maghapon siyang nagtrabaho. Nakaupo sa opisina, nagbabasa ng mga papeles at nakinig sa board meeting.

Feeling niya ay pagod na pagod siya.

Paulit-ulit na lang kasi ang ginagawa niya sa araw-araw. Gigising sa umaga, mag-aalmusal, papasok sa opisina, magla-lunch at sa opisina na naman. Matapos ang buong araw ng pagbababad sa opisina ay dadaan sa café ng kanyang ina at doon mag-memeryenda. Kapag nagsawa na siya sa pagtambay roon ay dadaan sa bar niyang katatayo lang, iche-check kung may problema. At kung wala naman ay uuwi na rito sa penthouse niya.

Katulad ng palagi niyang ginagawa sa tuwing uuwi rito ay kakain lang siya ng dinner at matutulog na.

His monotonous life.

Nasira ang katahimikan ng kanyang paligid ng mag-ring ang cellphone niya. He fished out the phone inside his pocket.

Ang pangalan ng kanyang kaibigan na si Preston Krim ang rumehistro roon.

“Sup?” sagot niya rito.

“Hey dude. It's friday night. We're here at your bar. Baka gusto mong sumama sa amin. Dee's here.” wika ng kanyang kaibigan.

“Kagagaling ko lang diyan Pres, pass muna ako.” tanggi niya. He's very tired. Magluluto pa siya ng kanyang hapunan bago matulog.

Saka siguradong mapapainom siya sa bar. May meetings siya bukas kahit half-day lang siya.

“KJ,” sigurado siyang nakasimangot ngayon si Preston. Mabilis itong mainis dahil mainitin ang ulo nito. “Bahala ka. If you're not going here. I'll assure you, your twinbro will get laid tonight with other woman.” banta nito sa kanya.

Nanlaki ang mata niya sa tinuran nito. Tsk, no way. His brother will not going to get laid with other woman. Pamilyadong tao na ang kakambal niya at alam niya kung gaano katuso si Preston. Lalo na't kahinaan ni Dee ang alak.

“Fine, pupunta na ko.” pagsuko niya rito.

Humanda lang itong Preston na ito mamaya. Kailangan niyang mabatukan man lang ito para makabawi.

Dali-dali siyang naligo. Simpleng ripped jeans at itim na v-neck t' shirt lang ang sinuot niya. Nang makarating siya Crimson Clover ay namataan niya kaagad ang mga kabarkada at ang kanyang kakambal na nasa VIP lounge. Pagkapasok pa lang sa bar ay makikita na kaagad iyon. Isa lang naman ang VIP lounge na meron ang bar niya. At ito ay para lang sa kanilang mga magkakaibigan. Nasa bandang itaas ito. Medyo elevated ang area at may nagbabantay na dalawang goons.

Dali-dali niyang tinungo ang kinaruruonan ng mga ito. Panay ang bati sa kanya ng mga waitress at servers na nakakasalubong niya. Mukhang nagtatakha rin ang mga ito kung bakit bumalik siya.

“Ang galing mo talaga Pres. Look, Damon is here.” rinig niyang wika ni Ice habang umaakyat siya ng hagdan.

“Malakas ako diyan kay boss.” mayabang naman na wika ni Preston.

He is one of their college friend. Kasama ang pinsan nitong si Drake ay napalapit na ito ng husto sa kanilang barkadahan. May isa pa silang barkada pero madalang lang nila itong makasama. Si Red. Ang pinaka-pilyo sa kanila. Nasa U.S. ito ngayon, kasama ang fiancée nitong si Koreena. Balak atang magpakasal ng dalawa sa Las Vegas.

Kasa-kasama pa rin naman nila ng kanyang kambal ang mga kaibigan nila noon. Ang anak ng mga tito nila. Si Ice, Hercules at Hero. Syempre solid na kaibigan nila ito. Bata pa lang sila ay magkakasama na sila.

“Nasindak ka na naman ng loko no?” tatawa-tawang sabi ni Hercules.

Nginitian niya na lang ito. Ano pa nga ba? Lagi naman.

The Possessive Billionaire (Vidales Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon