HINDI maalis sa isip ni Cecaniah ang muling pagkikita nila ni Damon. Kahit alam niyang totoo iyon ay hirap pa rin siyang paniwalaan na nakaharap niya talaga ang kababata kanina.
Si Damon Vídales.
Iyon ang gwapo at matipunong lalake na nakabangga niya kanina. Nakilala kaya siya nito? Matagal itong nakatitig sa kanya. Sa paraan ng pagtingin nito sa kanya ay parang matagal na siya nitong tinitignan. Na parang matagal na siya nitong kakilala.
Pero sigurado siya. Ito ang unang beses na nagkita sila matapos ang ilang taon. Ngayon niya lang ito nakaharap muli ng malapitan.
“Hey beautiful! Are you okay?”
Natigil siya sa pag-iisip ng magtanong sa kanya si Porsche. Binigyan niya ito ng matipid na ngiti.
“Oo.” simpleng sagot niya rito.
“You look not.” seryosong wika nito sa kanya. Hinawakan nito ang pisngi niya at masuyong hinaplos iyon. “Ngayon lang kitang nakitang ganyan kalalim mag-isip. I know that there is something. So, c'mon tell me.”
Kitang-kita niya sa mga mata ni Porsche ang pag-aalala. Pero hindi naman niya pwedeng ikwento rito ang tungkol sa kanila ni Damon. Baka katulad rin ito ni Frederico, na tinawanan lang siya noong ikwento niya na naging boyfriend niya si Damon noong bata pa sila.
Saka baka may hots na rin ito kay Damon. Hindi bagay.
“Wala naman akong problema Porsche. H'wag ka na masyadong mag-alala. Pagod lang ako.” palusot niya rito.
Huminga ng malalim si Porsche saka siya yinakap. May mga nagdaan kasing mga bakla. Nasa gilid lang kasi sila ng entrance. Siguro kung hindi siya niyakap ni Porsche ay baka nadala na siya ng mga baklang dumaan.
“Salamat.” sabi niya rito.Ngumiti lang si Porsche pero hindi pa rin siya pinakakawalan.
“Hoy ano 'yan?”
Sabay silang napalingon ni Porsche sa nagsalita. Si Frederico. Mas maayos na ang hitsura nito kesa kanina. Wala na ang wig nito at ang mga pekeng dibdib at puwet.
Nakataas ang kilay ni Frederico habang nakatingin sa kanilang dalawa.
Humiwalay siya sa pagkakayakap ni Porsche saka nilapitan si Frederico at ito naman ang niyakap.
“Uwi na tayo Ric, pagod na ako.” malambing na wika niya sa kaibigan.
“Naku bakla. Hindi kita mahahatid. Dito ka na lang sa pamenthos na ito magpahatid.” itinuro nito si Porsche saka muling nagsalita. “Sasama kasi ako kay mommy Paloma. 'Yung baklang manager ng bar. Dadalhin niya raw ako sa boss nila at ipapakilala.” masayang wika nito.
Natanggap si Frederico sa bar bilang stand-up comedian. Sa wakas bukod sa pagiging waiter sa pinagtratrabahuhan nilang chinese restaurant ay matutupad na rin nito ang matagal na nitong pinapangarap na maging comedian.
“Hoy Porsche, iuwi mo itong bestfriend ko sa apartment niya ng ligtas ha.” masungit na wika ni Frederico sa kaibigan nila. Inirapan pa nito ang lalake saka muling itinuon ang atensyon kay Cecaniah. “Aniah, h'wag kang magpapalinlang sa mga echoserong paminta ha. Minsan dumidiskarte lang iyan.” bilin nito sa kanya.
Nangunot ang noo niya saka binalingan ng tingin si Porsche na nakakunot rin ang noo. Ano bang ibig sabihin nitong si Frederico? Magpapalinlang sa paminta?
Lilinlangin ba siya ni Porsche?
"Syempre, echos lang iyon.” natatawang wika ng baklang kaibigan. Hinalikan siya nito sa magkabilang pisngi saka nagpaalam. “Babush na bakla. Mag-ingat na lang kayo ni Porscha umuwi.” paalam nito at sumama na sa mga baklang kalalabas lang sa comedy bar.
BINABASA MO ANG
The Possessive Billionaire (Vidales Series #1)
RomanceDamon Vidales is one of the hottest and handsome elligible bachelor in the country. Maraming babae ang nagkakandarapa na maging girlfriend niya. Lalo na ang nangangarap na maging asawa niya. At the age of 27 years old, he's still one of the member o...