Chapter 24

78 3 5
                                    

Marcus' POV

Maaga akong nagising.. dahil di naman ako nakatulog..sya lang naman ang laman nig isip ko mula ng yayain nya akong lumabas.. At isa pa itong si Reynoso.. Hindi nya na pwede pormahan si Ann kasi.. May Andrew na ito..

"Good morning engineer!" Bati ng guard sa akin pag pasok ko sa building na pagaari ng family namin. Ano man ang nasa isip ni Dad at iniwan sa akin lahat ng ito, ay di ko na alam.. Biglaan nyang pinaubaya ang kompanya sa akin after kong i-top ang board exam.

Lunes.. Ngayon ang araw na makikita ko si Anne! Mondays and Fridays ang duty nya. Pinakiusapan ko si Grace na sana magkasama kami ni Anne sa site visits. Dahil alam nya na special si Anne sa akin, di sya nag atubilong tulungan ako..

"Hello Grace? Gusto ko ikaw ang personal na mag briefing sa mga OJT natin.." Bilin ko pagkasagot nya ng telepono..

"Yes Engineer! Nandito na nga po pala ang mga trainees natin.." May halong panunukso sa boses ni Grace.. Parang gusto kong takbuhin ang elevator..

"Grace.. May boyfriend na ung tao.." Sabi ko na may halong panghihinayang..

"Wala naman po akong sinasabi.. Sya nga po pala sir thank you sa regalo mo sa anak ko.. Nagustuhan nya.."

"Naku wala yun.. Malaki ring abala ang mga nagawa ko sa inyong mag asawa nung nagsisimula pa ako.parating na pala ako jan.." Sabay end ng call

Pasipol sipol pa ako sa elevator ng biglang habulin ni Spencer ang pagbukas neto

"Wow! Good mood ka ata ngayon.. Pasipol sipol pa." Pangaasar nya.. Bwisit ang agang pangbubwisit ng unggoy..

"Kung sabagay ikaw pa namang "makadate si bestfriend" nung sabado.." Idinikit pa sa mukha ko ang mukha nya..

"Paano mo naman nalaman yan ha unggoy?" Tanong ko at ngumiti lang labas ang gilagid

"Sabi sa akin ng bayaw mong hilaw.." Biglang ngiti ulit labas na naman ang gilagid

"Pare.. Ung gilagid mo.."

"Pare ung pisngi mo mapula. Hahahahah!"

Paano ako mananalo dito?

"Naayos no na yung account ng mga Chua sa tagaytay?" Seryosong tanong ko at biglang sumimangot

"Oo." Tipid na sagot nya habang nakasimangot

"O.. Bakit nawalang bigla ang gilagid..." Pangaasar ko sa kanya.

"Potek pare.. Ang kulit ng anak ng mga Chua.. Naka bwisit.." Napakamot ng ulo ng biglang bumukas ang elevator..

"Ponggoy!" Sigaw ng pamilyar na boses na bigla kong ikinagulat

"Ponggoy?" Tanong ni Spencer sa nagmamay ari ng boses na di ko magawang tignan

"Poging unggoy! Hihihi.. Oy sabay tayong mag lunch later.."

"Walang problema Anne para sayo... Isama mo na rin itong bespren mo.." Sabi ni spencer

"K-kung papayag sya.. Mukhang busy eh." Wow Anne.. Are you serious? Yes! I want to have lunch with you.. But you ask Spencer first..

"Hindi yan.. Malay mo balak nya talagang yayain ka.. Nauna ka lang.. Di ba tol.." Siniko nya ako at ako naman napatango.. Ay bwisit.. Ang aga netong ungoy neto

"See! Okay see you later alligator.." Sabay ninja moves ni unggoy

"In a while crocodile. Ay este unggoy!." Kumakaway na sabi ni Anne

"Tccchh.." Singhal ko kay Anne at bigla syang tumahimik.

"Miss Park.. To my office now.." Nawalan ako ng mood.. Lakas nyang makipag asaran kay Spencer na halos inignore nya presence ko

No Ordinary LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon