Marcus' POV
"She is suffering from Anaphylactic shock.." Narinig kong sabi ng doctor sa parents nya ng isugod namin sya sa hospital.. she was not breathing when she arrived and the doctor was able to give the emergency treatment she needed..
"From?" Tito Teddy ask the doctor and he shook his head
"Hindi ko po alam sir.. ang maganda makausap ko mismo ang pasyente pag nagkamalay na sya.. Nagsikip ang airway nya kaya di sya nakahinga na nag cause din para mag karoon ng tubig sa baga nya.. pero she's stable na..Mga 2-3 days pwede na syang lumabas.. kailangan lang ng observation at ng anti-biotics.. " The doctor explained at nakahinga ang lahat ng maluwag..
"Tawagin nyo na lang po ako pag nagising na ang pasyente.. Nakatulog lang sya dahil sa gamot.. pero magigising din sya.." Lumabas ang doctor sa kwarto.. Pinapanuod ko lang ang best friend ko mula sa malayo habang natutulog sya sa hospital bed..
"Napaka tigas ng ulo ng anak mo.." Umiiyak ang mommy ni Anne habang yakap yakap ng daddy nya..
"Shhh.. she's okay now.. don't cry..Denis alalayan mo ang mommy mo.." Rinig kong tawag nya kay Denis na tahimik na nakaupo sa tabi ko..
Natakot ako ng makita kong wala syang malay.. Hindi ko alam ang gagawin ko.. sa pagmamadali ko.. binuhat ko sya at isinakay sa kotse ni Denis sabay hatid sa hospital.. di ko namalayang iniwan ko si Jane sa bahay..
"I hope you understand..I know you will." i texted her and she replied
"I know.. I understand.. If I were you, I will do the same thing.."
"Thanks.. Wag ka munang umuwi.. I'll go home after she gain her conciousness.."
Napabuntong hininga ako habang lumalapit sa akin ang Daddy ni Marriane
"Marcus.. Thank you.." he pats my shoulder
"Wala po yun..."
Nakaidlip ako sa tabi ni bestfriend.. ng magulat ako ng may humawak sa kamay ko..
"Macoy.." mahinang tawag ni Anne sa akin.. niyakap ko sya ng mahigpit.. akala ko mawawala na sya sa akin.. takot na takot ako..
"I'm sorry.." Pabulong nyang sinabi
"Ano ba naman Anne!" pasinghal kong sabi habang sya natulala sa reaction ko..
"Ano kinain mo? Ang tigas ng ulo mo eh! sabi ng wag kang kakain ng kung ano ano!"
"Marcus.."
"Marcus ka diyan! Wag mo sabihin nag papansin ka lang!" gusto kong bawiin ang huli kong mga sinabi pero huli na.. nabitwan ko na sa kanya..
"Bakit ka ba nagagalit?" nalilingid na mga luha nya..
"Kasi naman Anne.. pinag alala mo ako ng sobra.." huminga ako ng malalim.. habang nakonsensya sa pag sigaw..
"Hindi ako nag papapansin. Hindi ko kailangan ng atensyon ng kahit na sino man.."
Mag so-sorry sana ako ng biglang may pumasok sa pinto
"Marcus.. Denis called.. Anne!" Si Andrew..
"Hi.." nag punas ng luha si Anne sabay ngiti kay Andrew na may dalang roses..
"What happened? Tumawag na ba ng doctor.." Oo nga pala doctor
Lumabas ako para tawagin ang doktor.. pag balik ko..
"Jane gave me chocolates.. I refuse to eat.. may allergy ako sa nuts.. but she insisted.. she said she have anti allergy.. and.. eto.. nagising ako nasa hospital na.." Kwento nya kay Andrew.. na ikinagalit ko..
"I can't believe you are telling this lies.." Sabi ko na pagalit..
"Marcus.. I'm not lying.."
"Di gagawin ni Jane yun.."
"She did.."
"Anne will you stop being childish! Wag mo namang siraan si Jane! walang kinalaman yung tao dito "
"Pare.. wait.." pag aawat ni Andrew
"Ano mapapala ko kung gagawin ko ito na lam kong pwede ko ikamatay?" Tanong nya sa akin na walang tigil ang mata nya sa pag luha..
"Mag move on ka na.. kapatid lang ang turing ko sayo!" Hindi ko alam bakit ako nagagalit.. kung kanino.. Lalo akong nagalit ng yumakap si Andrew sa kanya..
"Alam ko naman yun.." Mahinang sabi nya.. ngunit parang sasabog ang puso ko..
"Anne.. calm down.. bawal sayo mastress.."
"Tama si Jane.. ginawa mo lang to para mapansin kita.." Madiin na sabi ko habang nadudurog unti unti ang puso ko..
"Alam mo sa sarili mo, na hindi ako tulad ng iniisip mo.. at alam mo sa sarili mo na ginawa ko lahat para iwasan kayo.. Kung meron saating di maka move on Marcus.. ikaw yun.." Pinahiran nya ang mga mata nya sabay ngiti.
"Then, after hearing all your accusations.. I guess.. I'll stay away from you.." sabi nya sabay higa.. at tumalikod sa amin ni Andrew, na natulala sa mga nakita nya..
"You can leave now.. I have Andrew here.." biglang naging malamig sya..
Lumakad ako palabas ng hospital room.. bitbit ang bigat sa puso ko.. Bakit ko nasabi lahat ng yun.. Bakit ako nagalit..
BINABASA MO ANG
No Ordinary Love
Fanfictionwhen you have to choose.. Friendship or Love?? what if the destiny will let you have both? but you have to pass the tests that fate will be giving you.. Will it be called No Ordinary love? This is my first story... Please don't forget to leave c...