Marcus' POV
Minsan tinanong ako ni Anne sa kung ano daw ideal girl ko habang nag lalaro ng Playstation sa kwarto nya. Sya busy kakabasa ng bagong biling book.
"Mabait, di mahirap pakisamahan, masyang kasama.. maganda.. matalino.." Sabi ko habang binibilang sa daliri ang aking gusto sa babae..
"Like me?" She said medyo awkward yung feeling kaya lang my blood rushes into my face.. alam ko namula ako kaya umiwas ako ng tingin.
"Haha Medyo.. Pero di tayo talo no! Saka ayoko ng maingay" pag amin ko.. Oo tulad nya ang gusto kong mahalin.. pero di pwedeng sya.. di kami talo..
"Eh bat lalayo ka pa? ako na lang ligawan mo!" Sabay tawa nya..
"Hoy Marrianne Park! Hindi pwede" sigaw ko Hindi ko maipaliwanag kung bakit ganito ang naramdaman ko. para akong naupos na kandila
"Oh why so pikon?" ngiti nya
Sa totoo lang.. malakas akong mangasar kahit kanino.. Evil nga tawag sa akin.. kaya lang pagdating say Anne parang wala akong sinabi... She will return my evilness 10x..
"Syempre Coy, joke lang yun.. eh nakakahiya naman.. all of our lives magkasama tayo.. " sabi nya "Sabay pa nga tayo naliligo dati"
"Hoy!! Talagang joke lang un adik ka!" I answered her.. Bakit aparang ang bilis at ang dali lang para sa kanya sabihin yun!
"Maiba pala tayo ng usapan.. ano niligawan mo na si Jane?" paguusisa nya..
"Hindi pa" Umiling ako
"Ha??" She asked
"Ewan labo eh.. di ko alam kung gusto nya ako or hindi" sabi ko sa kanya.. which is true.. mahirap basahin si Jane
"Gusto ka nun! Baka medyo nag papakipot lang. Syempre kahit ako gusto ko susuyuin muna ako no.." mukha namang seryoso sya sa sinasabi nya.
"Ah ganun ba? May point ka" Sagot ko sa kanya. Minsan kahit kalog at puro kalokohan ang mga pag uusap namin, madalas naman syang seryoso sa mga insights nya sa lahat ng bagay..
"Oo naman, ako pa ba?" natatawa syang umiiling.
"O baka natotorpe ka lang?" Tanong nya.. "Naku isang Jane lang pala makakapag pa taob sayo."
Doon sya mali.. bata pa lang kami sya na nakakapagpataob sa akin sa maraming bagay
"Coy paabot naman ng phone ko.."
Kinuha ko ang phone nya sa study table nya. Nakita ko ang wall paper or screen saver nya. Napangiti ako. Picture naming dalawa noong graduation ko noong High school.
"Thanks.. Tawagan ko lang si Kuya. Ang tagal nila sa pizza. Sabi kasi ni Manang Glo ipa deliver na lang... Kuya, where are you na? Gutom na ako." Panenermon nya sa kuya nya.. "Pina-deliver na lang sana natin like Manang Glo suggested"
Si Manang Glo ang yaya nila at ang ktiwala sa bahay nila. Tumatayong guardian especially pag wala ang mga parents nila.
"Nahaba na naman yang nguso mo.." sabi ko
"Siguro may pinpormahan yan sa Pizza House. Humanda talaga yan napaka babaero talaga.. Naku, kaya ikaw mag tino ka na! wag k na gagaya jan sa Kuya ko n yan"
Natatawa na lang ako.. Topak talaga.
Super close talaga kami. Napapagkamalan kaming kambal, mag kapatid, at mag BF. Kaya din siguro walang pumuporma sa kanya ksi bukod sa tatlo, lagi ako nakabantay. Hindi kami maselan sa ia't isa. We sometime eat on the same plate, use the same utensils, and even sa drinks. Tinutulungan ko din sya sa Math kahit di nya kailangan. In short masyado ko ata syang na spoil.
Kinabukasan sa school, magkasama kami sa Algebra subject. Classmate din namin si Jane.
"Coy! Si Jane!" pang aasar nya sa akin..
"Shhhh tumahimik ka nga jan!' saway ko sa kadaldalan nya..
"Okay!" she's looks like a witch everytime na inaasar nya ako. Panay siko nya habang lumalapit si Jane sa amin..
"Hello classmate!" Presko kong bati.. kailangan 100% pogi ako..
'Hello Mr. Cho.." nahihiya pa siyang bumati sa akin.. at ngumiti naman sya kay Anne
Maganda siyang ngumiti.. parang diwata.. napatingin ako kay Anne na ngumiti rin sa kanya.. natawa ako sa naramdaman ko.. Mas magandang ngumiti ang bestfriend ko..
"Marianne.. Pwede ba akong makiusap sayo?" Biglang sabi ni Jane kay Anne
"Ano yun?" kumunot ang noo ni Anne
"Eh kasi mahihirapan akong habulin yung 2 na grade sa Algebra.. Papatutor sana ako.. Don't worry name the price I'll pay it!" Sabi nito.. "Mukha kasing malabo akong makakuha ng 2 ngayong sem eh. baka mawala ako sa Dean's List"
"Ah.. eh.." tanging nasambit ni Anne sabay tingin sa akin ng nakakalokong tingin.. napakamot sya sa ulo. "Eh sorry Jane.. gusto man kitang tulungan kaya lang busy ako sa pag hahanda sa debut ko. Tapos ang dami din ganap." sabi ni Anne.. Oo nga naman medyo busy sila sa pag aayos ng debut ng unika hija ng mga Park. "But I have someone to recomend.. mas expertise nya yan.."
Kinabahan ako dahil sa akin sya nakatingin. Tingin nnakakaloko at nang aasar.
"Sino?" Tanong ni Jane..
"Si Marcus.. di ba Marcus libre ka? Naku Jane kahit walang bayad.." unstoppable ang kaibigan ko sa mga banat nya
"Ayan ka na naman.. piniprisinta mo na naman ako.. nakakahiya kay Jane!" sabi ko.. hiyang hiya ako sa ginagawa nya
"Oy pumayag ka na!! Syang naman kung di natin tutulungan si Jane!!" Pasigaw nyang sabi sa akin sabay ngiti ng nakakalokong ngiti..
"Huwag na lang kaya.. ayaw ata ni Marcus eh.." Nahihiyang sabi ni Jane
"Ay wag kang mahiya dito.. di ba Marcus?" Pagpupumilit ng spoiled brat na ito
"OO NA!! ng matigil ka na!!!" I yelled back at her.. Ngumiti sya...
"O ayan.. mag usap na kayong dalawa.. at ako'y maglalakad lakad muna..." Tumayo si Anne at lumabas
"Oy!" Tawag ko at di man lang ako nilingon ng bruha!
Nagusap kami saglit ni Jane sa schedule ng pag tu-tutor ko ng Math. Napangiti ako dahil nakaisip ako ng way para makaganti kay Anne.
"Maraming salamat sa pag payag mo ha?" sabi ni Jane matapos namin pagusapan kung saan at kailang ko siya i-tututor
"You're welcome.. Basta Saturday.. 3:00pm..Mariane's place!" sabi ko sa kanya.. lihim akong natuwa sa ginawa ng spoiled brat kong kaibigan. Kahit nakaka bwisit sya na ang gumawa ng paraan para maging close ako kay Jane
Torpe ako.. pero sya gumawa ng move.. napangiti ako habang lumalakad papalayo si Jane..
I admire Anne's courage.. Her boldness.. hindi mo makikita sa ibang babae.

BINABASA MO ANG
No Ordinary Love
Fanfictionwhen you have to choose.. Friendship or Love?? what if the destiny will let you have both? but you have to pass the tests that fate will be giving you.. Will it be called No Ordinary love? This is my first story... Please don't forget to leave c...