Chapter 25

58 2 1
                                    

I watched her laugh with our old friend.. Si Mang Nanding.. Matagal ng kaibigan at katiwala ng mga magulang namin. Isa sya sa project head engineer ng companya ni daddy. Mentor ko rin pagdating sa lahat ng bagay.. Katulad ni tito Teddy.. Isa sya sa mga taong mapapagkatiwalaan ko ng buhay ko sa oras ng pangangailangan

"Naku ikaw bata ka.. Di ko alam kung anung nangyari sayo bakit ka nagkaganyan! Di sana kasabayan mo si Marcus grumaduate!" Tinuktukan ng matanda ang hard hat ni Anne.

"Kung alam ko lang na sasabunin mo rin ako kagaya ng ginawa ni Tito Rommy.. Sana di na lang ako nag punta" sumimangot sya "Ikaw ano ngingiti ngiti mo jan.." Singhal nya sa akin at biglang umiwas ako ng tinging

"Kayo talagang mga bata kayo.. Isa pa yang si Engineer.. nung wala ka laging wala sa sarili.. Puro.." Huminto si Mang Nanding ng mag pakawala ako ng isang tikhim.. Nagkwentuhan kami at nagpalipas ng oras habang inililibot namin ni Anne sa site..

"Di pa naman huli ang lahat.." narinig ko ulit ang tinig ng matanda habang pinapanuod ko ang mga trabahador kasama si Anne

"Ano ho ang ibig nyong sabihin?" tanong ko sa kanya at nagpakawala sya ng malalim na buntong hininga

"Bata pa lang kayo.. alam ko na na mahal mo siya.. di lang ako ang nakakakita nun kungdi ang mga magulang nyo at lahat ng tao sa paligid nyo.. Naisip ko, baka nalito lang kayo dahil baka natatakot kayo o nanghihinayang sa pagkakaibigan nyo kung sakaling tuluyan kayong magpatangay sa agos.."

"Mang Nanding naman.." pinipigilan ko ang mga susunod niyang sasabihin habang pinipigilan ko ang sakit na nararamdaman ko..

"Ikaw din.." sabay tapik sa balikat ko.. "mapapanis yan pag di mo sinabi.."

"Ikaw talaga Mang Nanding kung ano ano pa yang iniisip mo..syempre magbestfriends lang kami.. Hanggang dun na lang yun.. And besides I am thankful na bumalik na sa dati ang friendship namin" dag dag ko. Nasabi ko naman na kung gaano ko sya ka mahal.. Un lang, sarado na ang puso nya na may iba ng nagmamayari.

"Tulad ng nasabi ko Engineer, bata pa lang kayo, kilala ko na kayo... Kulang na lang, ipakasal kayo ng mga magulang nyo.." Sabi nya ta bigla syang tumigil.. "Teka iho, maiwan na kita.. Pakisabi na lang kay Anne na nauna na ako.. Kailangan ko dumaan sa clinic para mag pakuha ng blood pressure.."

"May hypertension kayo? Dapat di na kayo masyadong nagpapagod," Nagalala akong bigla sa matandang kaibigan..

"Oo at lalo akong hinahighblood sa inyong dalawa.. O sya, una na ako.. Tandaan mo, baka mapanis yan.." Sabay tawa ng malakas at umalis bigla..

I was left here at the flatform as I stare at her doing her duties as an intern.. I imagine raising this empire with her.. But the thoughts of her being with someone else now, someone that is better, someone she deserves tears me apart again into pieces.

"Matalino ka naman Cho, di mo lang nagamit ang utak mo.." I can hear aiden's words echoing

"How deep your thought is? May I know what's bothering you?" Anne breaks the silence.. Di ko namalayang nasa tabi ko na pala sya..

"Ang isda.." Nasabi ko at natawa sya

"Jusme, Marcus.. Wag mo isipin si Aiden.. Di ka iniisip nun.. Busy un sa restaurant nya at sa Fiance nya.." Tumawa sya ng mahina., yung nakakapangasar na tawa.. Mahuhilog na ata ang puso ko sa hinuhukay nilang pundasyon.. Nililigpit na nya ang mga gamit nya habang inaayos ko na rin ang mga gamit ko.Nag ring ang cellphone nya at sinagot nya ito ng may mga ngiti sa kanyang labi..

"Unggoy!Ano? tuloy tayo nila Marcus ha? Oo libre ko! Alam kong saksakan ka ng kuripot! Yayaman ka nyan! Hahahaha! Yung bagong mall malapit sa firm? Okay! See you in a while.. Paalis na rin kami ni Boss dito sa site.."

No Ordinary LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon