Chapter 3

112 4 1
                                        

Marcus' POV

Saturday 2:00pm

"Ano??!!" Anne yelled at me nung malaman nya na sa bahay nila kami mag aaral ni Jane.

"Sige na please.. tutal ikaw ang may idea nito. Hindi lang pwede girls sa bahay lalo na pag wala sila mom and dad." Pakiusap  ko sa kanya. Dad and Mom have one strict rules. No girls sa bahay especially pag mag isa lang ako. Unless si Anne or ipinakilala ko na sa kanila na girlfriend ko.

"Why? Umalis sila Tita? Nakakainis ka naman eh!" Singhal nya sa akin. Matatawa na sana ako ng biglang sumulpot si Manang Glo

"Ikaw bata ka makasigaw ka aatakihin ako sa puso!" sabi ni Manang Glo..

"Sorry Manang.." niyakap ni Anne si Manang Glo..

"Naku Manang ganyan lagi yan!" Sumbong ni Marcus kay Manang Glo..

"Kasi naman itong pangit na to Manang now lang sa akin sinabi na may dadalhing nililigawan dito sa bahay!"

"Ikaw may idea nito bruha ka.. Tinulungan mo na ako lubos lubusin mo na!" Natatawa ako dahil humaba na naman ang nguso nya

"Ayan para kayong mga bata! Sige, marami namang pwede i-prepare ditong food.." Sagot ng matanda

"I'll help you later Manang. tapusin ko lang tong homework ko.. Akala ko makaka nap ako.. panira ka talaga ng araw.." Inirapan ako ni Anne

3:00pm.. dumating si Jane..

"Jane pasok sa loob.. wag kang mahiya feel at home!" Inalalayan ko si Jane na medyo nahihiya. Na-amaze sya sa laki ng bahay nila Anne.

"Parang bahay lang nya ha! Hoy dun sa tapat ang bahay mo!" Tukso ni Anne sa akin. "Welcome Jane.. halika pasok ka.. upo ka lang jan"

"Thank you!" Sagot ni Jane.. medyo naiilang..

"Bestfriend.. ano na gagwin ko?" Bulong ko kay Anne

"Aba! ako pa tinanong mo?.." Anne grinned.. siniko ako "Tabihan mo.. Tutal feeling mo talaga dito ka nakatira." 

"Ang lakas mo mang trip ha! pektusan kita jan eh" Bulong ko habang si Jane nakatingin sa amin.

Di ako makakilos ng normal. Buti wala yung tatlo kungdi baka nag pakain na ako sa lupa..

"Jane, wait ha.. I'll go to the kitchen.." Sabi ni Anne kay Jane.. aba ninja moves.. biglang nawala

nanahimik kaming pareho.. nag papakiramdaman

"Close na close kayo ano?" sya ang nag bukas ng usapan..

"Sino? kami ni Anne?" Tanong ko.. medyo awkward

"Oo.." nahihiya pa sya sa akin

"Ah oo.. we're friends since birth.." sagot ko.. paano naman kasi sabi ng parents namin mas excited pa daw ako na makita at makalaro si Anne kesa kay Dennis..

"I thought she is your girlfriend.." 

Marami na ngang nagsabi.. pero hindi ah! 

"Hindi no! Mag kaibigan lang kami nyan!" Sagot ko..

"ah.. kasi ang daming gustong mangligaw sa kanya sa department namin.." 

Na shock ako.. OO nga naman bakit hindi mabait at maganda naman si Anne.. pero para maging popular? 

"Sabihin mo.. kailangan nilang dumaan sa mga palad ko.." pagbibiro ko.. 

"That's exactly their point.. mahirap ka raw banggain.." tumawa sya

"So ganun na ba ako ka siga?? di naman ata.."

"I mean, mahirap ka raw tapatan.. kasi parang ikaw lang daw ang nakikita ni Anne" Sagot nya na para bang nahihiya.

"Wala lang kasi silang lakas na loob para lapitan sya. Actually sa akin lang nn hindi mabait yan.."

"I can here you! Huwag mo akong siraan!" Sigaw ni Anne mula sa kitchen

At last nawala ang awkward atmosphere..

Biglang sumulpot si Manang dala dala ang snacks namin..

"Hmmm manang mukhang masarap ha.." Walang halong biro parang ang sarap nga ng cupcakes

"Si Anne nag bake nyan kagabi." Pagmamalaki ni Manang Glo sa alaga nya..

"Weh.. Di nga..." Biro ko sa matanda..

"Oo kagabi nya ginawa yan pag dating galing school."

"Mukhang masarap!.." puri ni Jane.. wow ang bait nya talaga..

Kukuha sana ako ng isa dahil na excite ako. ng piglang tinapik ni Anne ang kamay ko..

"Hep hep! DON'T EAT!!" sigaw ni Anne.. "That's for Jane.. Kanina ka pa kain ng kain dito.. di ka na nga umuwi eh.."

"Damot mo.."

"Madamot? Breakfast, Lunch, at malamang pati dinner dito ka kakain.."

"Manang o!" Sumbong ko, natawa naman si Jane at umalis ang Matanda na iiling iling..

"Ako ay aakyat muna sa room ko Jane ha? Si Marcus na bahala sayo. If you need something ask him na lang..." tumingin sya sa akin at ngumiti. tinanguan ko na lang sya.

"Thank you Mariane.." Jane politely said. Super hinhin talaga nyan

"Anne na lang.." Sagot ni Anne. "They call me Anne.."

"Okay.. Anne it is.." sagot ni Jane at tuluyan ng umakyat si Anne sa kwarto nya.

As scheduled, 2 hours lang ng tutorial ko kay Jane.

Nag offer ako kay Jane na ihatid sya sa kanila

"Wag na Marcus.. nakakahiya naman sayo. Pwede naman ako mag taxi."

"I insist.." sabi ko sa kanya. Para din makaporma na ako sa kanya.

"Nakakahiya naman.." namumula sya.

"Huwag ka ng mahiya! Ganito na lang, susunduin at ihahatid kita every Saturday dito at sa bahay nyo.. Okay ba yon sayo?"

"Ah.. nakakahiya talaga.."

"No, I insist.." Sagot ko at bumuntong hininga sya..

"Sige, mapilit ka.."

Napangiti ako.. finally I can tell her how I feel

No Ordinary LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon