Chapter Eight: Birthday Gift

36 6 2
                                    

A/N:
Dedicated para sa kapatid ko na nagsabing pahabain ko daw ang chapters ko dahil nakakabitin. Hahaha- Hi little sister~~~

Read with love~  ❤

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤

Help-- Ito na. Bubuksan ko na talaga kung sino man ang nasa kabila ng pinto na 'to.

Unti-unti kong binuksan ang pinto at isang lalaki ang bumungad sa harap ko.

"Bryan? Bakit ka nandito?"

Pinapasok ko na rin siya kasi mukhang nabasa siya dahil sa ulan.

"May nabalitaan ako. Pumunta naman ako dito agad para makausap ka. Pero bakit naman eh pinaghintay mo ako sa labas? Grabe ka naman." sabi ni Bryan sabay nag-pout.

Wow nagpapa-cute lang? Haha. Medyo effective naman.

"Sorry na huhu. Kasi naman ang ganda ng timing mo eh. Nanonood ako ng One Missed Call tapos kumatok ka bigla." tinuro ko pa ung T.V. kasi hanggang ngayon ay nakabukas ito at nagpplay pa rin.

"Hindi naman kasi ako kumatok bumigla. Sinubukan kitang tawagan kaso naman walang sumasagot sa phone mo."

Sinubukan akong tawagan? Well demn.

"Nag-missed call ka ng isang beses?" tanong ko.

"Oo. Akala ko sasagutin mo."

"Ay nakakaloka ka pala eh. Unknown number ka sa phone ko. Eh syempre hindi ko sasagutin lalo na't One Missed Call pa ang pinapanood ko."

Bakit nga ba eh unknown number? Hindi ko pa ba nahihingi number niya? Wow. Maraming beses na rin kaming nagkikita pero hindi sumagi sa isip ko ang number niya.

"Sorry naman. Hindi ko alam na wala ka pa palang number ko."

Isesave ko na lang mamaya para wala na ulit na ganitong sitwasyon huhu.

Ay teka- Paano niya nalaman ung sakin?

"Bryan." tawag ko sa kaniya.

Nagpapatuyo siya ngayon sa harap ng fan. Binigyan ko siya kanina ng towel para matuyo naman agad.

"Oh?" sagot niya habang pinapatuyo na ang buhok niya.

"Paano mo nga pala nalaman number ko?"

Napatigil siya sa pagpapatuyo. Tumayo siya at lumapit sakin.

"Galing kay Cheska. Nalaman ko kay Cheska ang number mo."

"A-ah. Okay." sagot ko.

Medyo kinabahan naman ako. Lumapit pa kasi siya sakin eh pwede namang sumagot kahit nandun siya kanina, nagpapatuyo.

"Lily. May nasabi sakin si Cheska."

May nasabi si Cheska? Ano naman?

"Anong meron?" tanong ko.

"Yung tungkol sa lalaking yon."

Pagkasabi niya nun eh saka ko na-realize kung bakit nagsosorry si Cheska sakin kanina.

Nakakaloka talaga 'yung babaeng to. Nabanggit pa kay Bryan. Hay nako.

"Ah- yun ba? Wala yon. Baka kaibigan nina Mommy kaya nakatambay sa labas ng bahay. O kaya naman eh baka tambay lang talaga siya at nagkataong sa labas ng bahay namin."

Nakita kong nakatingin lang si Bryan sakin. Siguro binabasa kung napapaisip ba ako tungkol sa lalaking yon.

Napabuntong-hininga na lang siya.

"Sabi mo yan ah. Hay nako. Bakit naman hindi ka nagsabi sakin? Kay Cheska ko pa nalaman."

Ohmy- Nako nako Cheska. Bakit ka naman bumigay agad huhu.

An Arrow to the HeartWhere stories live. Discover now