Prologue: Lily Carlyle

205 9 5
                                    

A/N:
First story na naisip ko and published way back 2014 (I was still in highschool) and now in editing thanks to 2017 me. Haha-

Read with love- Comments and other reactions are highly recommended.

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤

"Ate! Dali! Dito oh, dito! Bilis!" sigaw ng isang batang babae.

Hinabol ko ng tingin ang boses at napansing nakatingin sa lugar ko ang bata na may ngiti abot hanggang langit.

Ate? Ako ba ang kinakausap ng batang 'to? Teka, nasaan ako?

Inilibot ko ang aking pangingin. Hm. Park na may mga ride? Oh hey- it's been a while.

Chineck ko 'yung mga ride na available para sa akin at sa bata. Karamihan ng rides eh masyado pang maliit para sa'kin pero sakto lang para sa batang babae.

After kong tignan ng buo ang park ay napaisip ako kung bakit ko 'to ginagawa. I mean, hindi ko kilala 'ung bata pero parang matagal na kaming nagkita? Ghad hindi ko na maintindihan.

Maya-maya pa ay lumapit sa'kin 'yung bata at humawak sa kanang kamay ko.

"Ate! Bilisan mo! Mauunahan tayo sa pila oh, sige ka!" sigaw ulit nung bata. Hila-hila na niya ako ngayon papuntang... kawalan?

Teka, bakit puti na lang ang lugar na 'to? Alam kong nasa pila na kami kanina pero ngayon... Paano...

"Ate! Doon oh! Bilis!" sabi nung bata habang hila-hila ako at may tinuturo.

Nag-iiba na ang kulay ng paligid. Unti-unting nagiging pula ang puting lugar na ito. Naramdaman ko na lang na naglalakad ako pa-deretso, mag-isa na.

Nasaan na 'yung bata na 'yon? Baka mapapano pa 'yun siya. Sinubukan kong tumingin sa malayo pero simula dito hanggang doon sa kabila ay isa lang ang kulay.

Pula.

"Bata! Nasaan ka? Sabihin mo sa'kin ng mapuntahan kita!" sigaw ko.

Sinubukan kong libutin ang lugar para hanapin ang bata pero kahit saan ako pumunta ay pula lang talaga.

"Ate... Mahal kita..."

"'Uy! Bata! Nasaan ka na?! Sumagot ka naman!"

"Miss..."

"'Uy bata!"

"Miss..."

"Bata!"

"Miss Lily!"

Napabangon sa pagkakatulog ko ng wala sa oras. Nararamdaman ko ang mga pawis na tumutulo sa aking katawan. At simula nang magising ako hanggang ngayon ay hinahabol ko ang aking hininga.

Ghad. Ano 'yon? Parang totoo- Pero panaginip lang... Di'ba? Isang kakaibang panaginip.

Tatayo na sana ako nang binigyan ako ni ate ng panyo. Plano ko pa namang kumuha para sa sarili ko pero naunahan ako.

Nagpasalamat na lang ako at pinunasan ang sarili habang may iniisip.

Lately kasi, puro ganun na lang napapanaginipan ko. 'Yung tungkol sa batang babae..

"Miss Lily, okay lang po ba kayo? Pinagpapawisan pa rin po kayo ng sobra." sabi ni Ate Melody. Siya ay isa sa mga trusted maid ng household na 'to.

"Ah... Okay lang po ako, salamat sa pag-aalala." saka ako umupo sa gilid ng kama ko.

"Wala pong anuman." sagot ni Ate Melody sabay bow sa akin.

"Nasa baba na ba sina Mommy?" tanong ko habang hinahanap ang slippers ko.

"Ay, opo Miss. Pinapatawag nga po pala kayo ng Mommy niyo. Kakain na rin po kasi ng umagahan." sagot niya.

"Ah sige, salamat po. Mauna na po kayo at mag-aasikaso lang ako." sabi ko sabay tayo para makapunta na sa banyo.

"Okay po Miss." sabi ni Ate Melody at umalis.

Ano kaya 'yung kanina? Dream? Or nightmare?

Ako si Lily Carlyle. 16 years old, an only child. Fourth Year High School student sa Den Academy starting tomorrow. Transferee due to business reasons of my parents. Hindi na sila nagbago- Well anyway, good luck to me...

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤

tbc. (140130)
edited. ('170107)
edited again. ('170717)

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
An Arrow to the HeartWhere stories live. Discover now