A/N:
Dedicated itong chapter na ito para sa isang kong account, ung luma kong account kung saan ko nasimulan itong kwento. Para na rin ito sa sarili ko kasi sobrang supportive ako sa sarili ko sa ganito kahit na feeling ko walang nagbabasa huhu.Read with love~ ❤
¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤
"'I'm Ian Cristobal. Ivan Cristobal's older brother and the first son of Israel Cristobal, one of the founders of CCC Company.'", pag-gaya ni Cheska kay Ian kahapon sa celebration, "Grabe girl. Dapat pala sumama ako sayo kahapon kahit hindi ako imbitado sa celebration." dagdag pa niya.
"Tapos ang kay Bryan pa nga pala na nakwento mo, 'Me. Bryan Concepcion. Ang anak ng isa sa mga bumuo ng CCC Company. Nice meeting you, Lily.'" paggaya ulit nito pero kay Bryan naman.
Nang matapos siya ay lumapit naman siya sakin at umupo sa tabi ko. Kanina pa ako nakaupo dito sa bench at kumakain ng snacks habang siya naman, nag-aacting kuno.
"Pero grabe ha, hindi ko alam na ganyan ang sitwasyon niyo nina Bryan. Mala teleserye!" tinaas pa niya ang dalawang kamay at parang nagtaas siya ng bandila.
Totoo naman. Hindi ko rin naman ineexpect na ganito. Mag-iisang buwan pa lang naman ako dito sa academy. Una si Bryan, ngayon naman si Ian. Bakit naman ganito huhu.
Bigla ko namang naalala 'yung sinabi ni Cheska kahapon. Date? Maasar nga.
"Pano naman ung sa'yo?" sabi ko habang humaharap kay Cheska, "Diba may date ka kahapon? Hindi mo manlang nabanggit sakin na may nakaka-date ka na pala." pang-aasar ko.
Namula naman si Cheska. Nakakaloka talaga 'tong babaeng 'to. Tumitingin-tingin siya ngayon sa baba. Hindi makatingin sakin eh.
"Ano ka ba naman Lily--" sabi niya sabay hampas sa braso ko, "First date pa lang naman yon eh hihi."
"Ayyyyy. Ikaw ah." sabi ko naman sabay siko sa tagiliran niya.
Natauhan naman siya bigla at sumigaw sakin sabay turo, "Ah!!! Ikaw!!! You just changed the subject!!!"
"Hala hindi ah--" sabi ko habang umiiwas sa kaniyang tingin.
Tumingin naman si Cheska sakin ng may parang masamang iniisip. At tingin ko alam ko na kung ano ang pinaplano niya.
Nakataas na ngayon ang dalawa niyang kamay na handang mangiliti sakin. Syempre umurong naman ako kasi magkatabi lang kami.
Akmang kikilitiin na ako ni Cheska nang may kaklase kaming dumating na hingal na hingal.
Tumingin naman kaming dalawa ni Cheska sa naghahabol ng kaniyang hininga na si Josh.
"Na-- Nakita niyo ba si P-President?" tanong niya habang sinusubukan pa ring huminga ng maayos.
Nagkatinginan muna kami ni Cheska at parehas na umiling.
"Ay sige-- Salamat." sabi niya habang nakataas ang isang kamay na nagpapaalam.
Nakita kong tumingin ulit si Cheska sakin at parehas ata kami ng iniisip.
Bago pa maka-alis si Josh ay parehas naming hinawakan ang magkabila niyang kamay.
"Teka teka teka. Anong meron?" tanong ni Cheska habang parang kinakaladkad papunta sa bench ang nahuli namin.
Napa-upo na ng tuluyan si Josh nang medyo natatakot ito.
I held both of my hands together at bumulong sa kaniya ng 'Sorry.'. Hinawakan ko na lang siya ng gamit ang isang kamay.
Medyo kumalma naman siya at tumingin sa amin ni Cheska. Bumuntong hininga at napa-kamot na lang sa kaniyang ulo. Huminga muna siya ng malalim bago nagsimulang magsalita.
YOU ARE READING
An Arrow to the Heart
Teen FictionLanguage: English and Filipino - - - - - Lily Carlyle's adventure in her new school. Meeting new friends, experiencing new moments. Will this help her to rememeber a part of her, or not? Read with love. ❤