A/N:
Dedicated ulit sa kapatid ko. HAHAHAHAHA. So far siya pa lang ang active sa comments this year. Grabe ang lungkot ng wattpad life ko (as an author). Wew huhu.Read with love~ ❤
¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤
"Alright! I'm done!" sabi ko sa sarili ko.
Kaka-tapos ko lang ayusan ang sarili ko. I'm currently wearing a black above-the-knee dress and denim jacket. Brown gladiator sandals for my feet and brown sling bag for my stuff. Aalis kasi ako ngayon to join a birthday celebration. Ngayon na kasi ang birthday ni Ivan.
Inayos ko na lahat ng dadalhin ko pati ang regalo ko para sa kaniya. Sana nga eh magustuhan niya ito. Paano ba naman, newly-found friends pa lang naman kami at parang ako lang ang invited na hindi niya masyadong kilala and vice versa huhu.
Nagulat ako nang may biglang namang may kumatok sa pinto habang nag-aasikaso ako.
"Good noon, Miss Lily. Pinapatawag po kayo ng Mommy niyo. Pati nakahanda na po ang lamesa, kain na po kayo ng tanghalian." bati ni Ate Melody.
"Ah sige po. Thank you. I'll be down after a few more seconds" sagot ko.
Nag-bow naman si Ate Melody at umalis. Inayos ko na lang ng konti ang mga gamit para okay na mamaya. Pagkatapos nun ay lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba.
Naka-upo na sa dining area si Mommy at Daddy nang makarating ako at umupo na din.
"Baby~ Aalis kami ng Daddy mo. May pupuntahan lang. Hatid ka ba namin? Baka same way lang naman or malapit dito." pag-aya ni Mommy.
Pagkatapos niyang sabihin yon ay dumating na sina Ate Melody ng may mga dalang plato. Umalis naman agad sila pagkatapos kaming hainan.
"Hindi na Mommy. I can take care of myself. Also, the place is close. Well, tingin ko naman po. Since parang medyo malapit sila sa pinupuntahan ko." sagot ko.
"Oh okay, that's good baby. But you'll need to be careful, okay?" sabi ni Mommy habang nakahawak na sa mukha ko.
"Of course Mommy. I always do." hinawakan ko na rin ang kamay ni Mommy na nakahawak sa mukha ko.
"Hay. Ang mag-nanay ko talaga." singit ni Daddy, "Kakain pa ba tayo? Gutom na kasi ako hahaha." pag-aya niya.
"Ah- Sorry Daddy~ Kakain naman na tayo eh hahaha" paglalambing ni Mommy kay Daddy.
Sabay-sabay kaming kumain pero nauna na sina Mommy sakin matapos. Nagpaalam na sila at sinabihan ulit akong mag-ingat.
And here we go again, mag-isa dito.
Umakyat na ulit ako pagkatapos kumain. Inayos ko na ulit ang mga gamit ko. Naghanap pa kasi ako ng susuotin bago ko mapili ang suot ko ngayon.
Natapos ang pag-aayos at pag-aasikaso ko kaya naman ay bumaba ako agad. Pagkababa ko naman ay lumabas na agad ako ng bahay.
Sana magustuhan ni Ivan 'to.
*****
Kakarating ko lang sa park. As usual, wala pang tao. Sunday kasi ngayon. Ang usual na galaan ng mga tao ngayon eh sa malls na. Umupo naman muna ako sa isa sa mga swing doon.
Nilabas ko ang phone ko para magpatugtog. Kinabit ang earphones sa phone at sinalpak ito sa aking mga tenga.
Dalawang artist lang ang meron ako sa phone, at iyon ay sina Charlie Puth at Meghan Trainor. I always like (or let's say love) both of their songs even from their first singles.
Pinlay ko ung kanta ni Charlie Puth na 'We Don't Talk Anymore'. It has a really catch-y beat and a nice music video to replay again and again. Sinet ko na lang ung music player to loop para isang kanta lang. Linabas ko na rin ung lyrics copy ko for the song na nasa 'Memo' ng phone ko. Gusto ko lang siyang makabisado to be able to sing the lyrics right.
YOU ARE READING
An Arrow to the Heart
Teen FictionLanguage: English and Filipino - - - - - Lily Carlyle's adventure in her new school. Meeting new friends, experiencing new moments. Will this help her to rememeber a part of her, or not? Read with love. ❤