A/N:
Sorry late ung last chapter. Like one month or more- welp. Although late din ito like last time, pero here it is finally. Enjoy! (Medyo napahaba ko ang chapter na to than the usual, late na rin kasi.)Read with love~ ❤ Comments and other reactions are highly appreciated. :)
edit from last chapter: sa mga nakapagbasa ng unedited chapter, Lyca po pala yon hindi Lyra haha. nadala lang sa chapter lol.
¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤
"Lyca".
Ang pangalang binanggit ni Ian last week. Since then, hindi siya nag-banggit ng kahit ano tungkol sa taong nag-ngangalang 'Lyca'. At tingin ko wala siyang balak na banggitin pa ito, sa ngayon.
Hindi nga rin pala kami natuloy sa aya niya. Last time kasi inaya niya ako to somewhere, ipapakilala daw niya ako. Pero the day after nung 'Lyca' event, hindi na niya ako cinontact tungkol don. Nagkaka-usap naman kami ng normal pero hindi niya talaga binanggit ang tungkol kay 'Lyca', or even just a hint eh wala. Pinabayaan ko na lang muna, there might come a day na sasabihin niya sa'kin or hindi.
Pero okay lang sa'kin kahit hindi niya talaga babanggitin kasi mag-kaibigan lang naman kami so yeah. But you know, I am curious. And I will probably be for the next days or weeks to come.
"Lily!"
Naudlot ang pag-iisip ko tungkol sa nangyari kahapon ng may tumawag sa'kin. Liningon ko kung sino at nakita ko si Cheska na kumakaway-kaway pa. Mukha siyang medyo stressed, or probably stressed na stressed na.
"A-ah. Sorry! Pabalik na ako!" sagot ko.
Nandito kami ngayon sa classroom, isang linggo na lang at Foundation Week na. Medyo nag-ccram pa kami sa lagay na 'to kasi late na kaming nakapagplano. Binibiro kasi ng mga kaklase ko ang meetings ni Bryan eh. Ayan tuloy, nagalit ang President ng class.
Kakatapos ko lang tulungan 'yung group kanina kaya pabalik na ako sa group namin ni Cheska. We're in-charge of the costumes for the whole class. 'Yung group na pinanggalingan ko eh ang group for Foods and Beverages. I've been known as a student with cooking experience, which definitely is not that much of a cooking talent. Pero si Bryan naman kasi ang nagpumilit na sakin na rin ang Foods and Beverages nung una. I blame him huhu. LOL just kidding.
"Kamusta ang game plan for the Foods and Beverages group?" tanong ni Cheska.
"Plan? Ohhhhhglob. We were unorganized and it was difficult at first, but finally we decided on something." sagot ko.
"Why? What happened?" tanong ng isa naming kasama in costume-making na si Xia.
Hindi naman kasi talaga ako dapat kasama sa Foods and Beverages group but due to last time's event with Bryan and the creepy evening, isinama niya ako para may nakakaalam daw ng best food choices.
Bago pa ako mapasama sa F&B (Foods and Beverages) group ay wala pa daw silang plano. Nung nakasama lang daw ako naging masunurin ang mga tao. And so, may plano na rin for everything.
"Eh kasi naman kung kailan daw ako napasama, saka naman sila nakinig. Nakakahiya tuloy kay Drew, siya pa naman ang leader nila tapos hindi nila sinusunod at sineseryoso." sabi ko.
"Aw, it's okay." sabi ni Cheska then pats me on my head.
"Yeah, at least may susundin na silang plano ngayon. Think positive Lily!" pag-eencourage sakin ng isa pa naming kasama sa grupo na si Andrei/Andrea pero Andreia ang tawag na namin, ang boy but girl at heart classmate namin.
"Hm. If you guys think it's okay, then it probably is. Thank you guys." sabi ko sabay ngiti.
"Ay nako wala yon. Pati wag kang masyadong ganyan, baka maging lalaki ako dahil sa sayo eh." pang-aasar ni Andreia.
YOU ARE READING
An Arrow to the Heart
Novela JuvenilLanguage: English and Filipino - - - - - Lily Carlyle's adventure in her new school. Meeting new friends, experiencing new moments. Will this help her to rememeber a part of her, or not? Read with love. ❤