Chapter Fourteen: Day One

7 4 0
                                    

A/N:
Wednesday!!! Hahaha. It's already late (10:41pm) nang ma-publish ko itong update but still- It's Wednesday! Sinusubukan ko na kasing ma-implement sakin na mag-update dapat ako for AATTH on Wednesdays and SYLM on Fridays. I hope it works!

Read with love~ Comments and other reactions are highly recommended.

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤

I'm currently on my way to school with my parents. Ngayon ang first day ng Foundation Week namin, and ngayon lang din ang araw na pwede kaming pumasok ng sobrang aga. Hindi kasi kasya ang free time na nakuha namin kahapon kaya halos lahat ng years and sections ng buong school ay humingi sa Principal ng early preparation para matapos ang final touches.

Nakatingin lang ako ngayon sa labas ng kotse namin at inaalala kung kailan ang huling beses na hinatid nila ako ng ganito. Sadly, mukhang masyadong matagal na ang ala-ala kaya wala akong natatandaan.

"Baby?" tawag sakin ni Mommy galing sa front seat.

Sinilip ko ang mirror sa harapan ni Mommy na natutupi at nakitang nakatingin siya sakin.

"Po?"

"Um--" sabi ni Mommy sabay tingin kay Daddy na nag-ddrive ngayon.

Tumingin si Daddy kay Mommy at tumango sa kaniya. Ibinalik naman niya agad ang tingin niya sa daan matapos sumenyas kay Mommy.

Medyo nagtataka pa akong naghihintay kasi wala akong ideya kung anong meron. Naalala ko tuloy ang ginawa nina Bryan at Ian kahapon na pagtango sa isa't isa. Parang ganito lang rin.

Huminga ng malalim muna si Mommy bago tumingin ulit sakin.

"We're sorry baby. We can't go to your booth in any of the days this Foundation Week."

Oh, so that's that. That news is not a big deal for me anymore. I've been from other schools and some held Foundation Day or Week celebration. Everytime na nagaganap ang ganong event eh halos wala sina Mommy at Daddy.

"It's okay. I understand." I told Mommy.

Napansin ko namang naka-ngiti ang mga mata ni Mommy tapos tumingin na siya sakin dito sa middle seats from the front.

"Thank you."

Natuwa naman ako dahil nabuo na agad ang araw ko sa ngiting binigay ni Mommy.

"You're always welcome, Mommy." sabi ko sabay ngiti rin sa kaniya.

Nang marinig ang response ko ay tumingin na ulit si Mommy sa harap. Bumalik naman ako sa pagtingin sa labas.

Mukhang didilim nanaman ang langit pero kahit na umulan pa ay kakayanin ko. Lalo na at nagpasalamat si Mommy sa'kin ng ganito ka-aga.

Bago ko pa maramdaman ang antok ay huminto na ang kotse. Tumingin ako sa harap at nakitang malapit na kami sa gate ng school. Medyo traffic na nga lang kasi madami rin ang mga naka-kotse sa daan na to at halos rush hour na.

"Daddy, kahit dito na lang po. I'm good with walking even from here. Mahihirapan lang po kayo lalo na't Foundation Week ngayon." sagot ko habang hinahanda ang mga gamit at ang aking sarili.

Parehas na tumingin sakin si Mommy at Daddy habang nag-aayos ng gamit.

"Sige. Basta mag-iingat ha? Baka dumeretso na kami paalis kapag nakababa ka na. Hindi ka na namin makikita." sabi ni Daddy.

Tumingin naman ako sa kanila at tumango. I went closer to them and gave them both a kiss on the cheek. Binuksan ko na ang pinto ko at lumabas dala-dala ang bag ko at ang paperbag with today's uniform or costume. I closed the car door and waved. I watched them go nang maka-andar na ang kotse sa gitna ng traffic.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 19, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

An Arrow to the HeartWhere stories live. Discover now