Chapter Two: The Park

82 9 5
                                    

Read with love~
Comments and other reactions are highly recommended.

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤

Sunday. Ang rest day ng lahat ng tao sa mundo. Well, hindi naman lahat, may iilan na inilalaan pa rin ang Sunday sa trabaho. Tulad ng situation ng family ko. 'Yung Mommy at Daddy ko kahit Sunday ay focused pa rin sa work nila. I get it naman, and it's absolutely fine with me. Para sa akin at para sa kinabukasan naming lahat ang ginagawa nila.

Pero ano nga bang pwede gawin ngayong Linggo? I'm already done with all of my homework now so- Hm.

Ah!

*****

Okay! Nandito ako ngayon sa playground two blocks away. This could be a nice breather qafter one week na pag-habol sa mga tumatakbong lessons. I guess they don't really like me, huh? Sorry na lang sa kanila, I'm serious with studying. Joke. Minsan lang. Hahaha.

Anyway, naghanap ako ng mauupuan ko ngayon. Sakto naman at mukhang walang interesadong mag-swing ngayon. Oh, how I miss it! Lalo na nung kasama ko yung mga kaibi-

Hm. Kaibigan? Hmmm. Ilan sila? Saan? Kailan? Ghad, hindi ko maalala. Wala akong maalala. Susubukan ko na lang na magtanong kay Mommy mamaya.

Lumapit na ako sa swing at umupo. For now, I need to enjoy these little things! At ito ata yung magiging pang-apat kong subok sa isang swing! Wie! Hahaha! Baliw lang ang hitsura. Hahaha.

Napaisip naman ako sa bagong school. Grabe. It's been a week and I still can't get over on how almost-perfect it is. Pati ngayon lang ako may napapansin. Masyado yatang mabait si Bryan sa'kin haha. Pero hindi naman gaano kapag iba ang kasama niyang classmate namin. Pero baka dahil transferee ako. Hm. Oo- Tama! Baka ganun nga. Pero... Hay. Nevermind.

Hindi ko ginalaw ang swing at nakinig lang ako for 5 seconds. Tahimik naman ang paligid kaya nakakagaan sa pakiramdam. Sa bagay, mag-isa pa lang naman kasi ako dito kaya ganito katahimik.

Pero wait- Hmmm...

Kanina pa ata nakatingin dito ung batang lalaki sa may damuhan. Siguro mga 5 o 6 years old na siya.

May something kaya? Baka nawawala siya. Hindi pa rin kasi nawawala ung pagtingin-tingin niya dito. Kausapin ko na lang.

"Uy! Bata!" sigaw ko sa batang lalaki na kanina pa tumitingin-tingin.

Nilibot muna nung batang lalaki ung paningin niya sa paligid bago ituro ung sarili. Hahaha. Ang cute lang.

"Oo! Ikaw!" sigaw ko ulit sa kaniya habang ginegesture siya na lumapit.

Lumapit na agad ung bata sa'kin. Kaso bakit parang may mali sa kinikilos niya? And look, sobrang tahimik niya. Nakayuko pa rin ung mukha niya. Ganito ba ako dati o ganito na talaga ang mga bata?

"A-ano po un, a-ate?" sabi niya habang humahakbang papalapit sa'kin tapos yumuyuko-yuko.

"Ah. Ano kasi. Kanina ko pa napapansin ung pasilip silip mo dito. May problema ba?" tanong ko.

"Ah a-ano po kasi ate..." sabi nung bata habang nakayuko na ng tuluyan.

"Hmmm?" tanong ko.

"....."

"Nawawala ka ba?" dineretso ko nang tanungin.

Tumingin naman siya agad sakin at umiling. Yumuko na lang ulit siya tapos linalaro ung paa niya sa lupa.

"K-kasi po a-ano..." sinusubukan pa rin niyang sagutin ung tanong ko kanina.

"Anong meron?"

"A-ate ang ganda n-niyo po!" sigaw nung bata sakin. Nakatingin na siya sakin ngayon. Namumula ang mukha at kumikislap ang mga mata.

An Arrow to the HeartWhere stories live. Discover now