Chapter Twelve Part Two: Class Preparation

13 6 0
                                    

A/N:
Here's the second part and hope you guys like it. :)

Read with love~
Comments and other reactions are highly appreciated.
Enjoy!

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤  

Malapit na kami sa classroom nang mapansin ko si Ian sa likod namin. Naglalakad rin sila ni Ivan papunta dito sa classroom. Dala-dala na ni Ivan ang bag niya habang hawak-hawak niya ang isang kamay ng kuya niya.

Huminto muna ako at sinabihan si Xia na mauna na. Tumango naman siya at dali-daling pumasok sa loob. Tumingin naman ako kayna Ian na naglalakad pa rin. Napansin naman ako ni Ivan at tumakbo papunta sakin. Pinulot naman ni Ian ang bag na iniwan ng kaniyang maliit na kapatid.

"Ate Lily!---? Teka, ikaw ba yan Ate?" naguguluhang tanong ni Ivan.

Lumapit ako sa kaniya, lumuhod sa harap niya para pantay ang eye-level namin at ginulo ang kaniyang buhok.

"Nagsuot lang ako ng panglalaking damit, hindi mo na ako agad nakikilala." sabi ko.

"Ay sorry Ate, joke lang. Pero medyo mukha ka kasing lalaki eh. Hehe." sabi ni Ivan sabay kamot ng kaniyang batok.

"Oh siya. Pasok ka na muna sa room namin. Kailangan pa kasing makita ng iba itong suot ko." sabi ko.

Tumango naman si Ivan at humawak sa aking kamay. Liningon ko si Ian at nasa likod lang namin siya, naglalakad pa. Dala-dala niya ang bag ni Ivan habang nakapamulsa.

Huminto siya sa tapat ng room at tinitigan ako. Tumingin pa siya mula ulo hanggang paa and back to feet again. Tinignan niya ako sa aking mga mata at nagkibit-balikat.

Pumasok kami ni Ivan sa classroom at naabutang nag-uusap-usap sina Cheska. Pero talagang nabigla kaming tatlo nina Ian nang makita namin si Bryan.

Para siyang si Lady Beard. Isa siya sa mga sinusundang cosplayers na nagcocosplay ng girl characters ni Andreia. Simply said, guy na nagcocosplay ng girls.

Bryan's wearing the maid costume that we made para sa switching of genders. Hindi siya kasing batak at girly ni Lady Beard pero parehas naman silang manly tignan even with the girly outfit.

At kung ano ang kilos ni Bryan in guy clothes, ganon pa rin naman kahit na naka-maid outfit siya. Walang pinagbago. Kaya mas lalong parang bagay sa kaniya na hindi.

Halos hindi ko mapigilang tumawa. Si Ian naman sa iba na nakatingin at mukhang ginagawa ang lahat ng kaniyang makakaya para maiwasang tumawa. Habang si Ivan naman eh walang maintindihan sa nangyayari.

"Oh okay na? Nakita na ng lahat." sabi ni Bryan kayna Cheska.

Mukhang kanina pa niya kami hinihintay para makapagtanggal na ng costume. Medyo nakakahiya nga naman kasi sa part niya. Okay lang naman daw tignan ang sa'kin, medyo disente pa sakin. Eh ung kay Bryan?

"Pft- Sige- Okay ka na." sagot ni Cheska na mukhang nagpipigil na din ng tawa.

Kinuha naman ni Bryan ang bag niya at naglakad na palabas ng room. Pero bago pa siya makalabas ng room ay bumalik siya ng tingin samin at nagsabi ng, "Iuuwi ko na tong costume. Ayoko munang bumalik ulit dito. Ginawa niyo lang akong lab rat. Lalo ka na Cheska, isa kang tunay na baliw."

Umalis na si Bryan habang naka-costume parin. Sabi naman niya magpapalit siya agad at deretso uwi na.

Kita namin galing sa loob ng classroom si Bryan na naglalakad na nang makarinig kami ng sipol galing sa kaklase namin na nasa labas. Sinipulan ba naman si Bryan at sinabihan ng 'hey sexy'. Loko-loko rin eh. Nabatukan tuloy ni President Bryan.

An Arrow to the HeartWhere stories live. Discover now