Chapter Five: Saturday Shopping

60 6 1
                                    

Read with love~
Comments and other reactions are highly recommended.

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤

"Baby! Nanjan na si Bryan! Bilisan mo na! Baka maiwan ka, sige ka." sigaw ni Mommy galing sa kabila ng pinto ng kwarto ko.

Hindi naman halata kay Mommy na excited siya eh. Siya na lang kaya pumunta. Kidding Haha.

"Okay po! Patapos na po ako, teka lang po Mommy." sagot ko naman.

Pupunta kami ni Cheska at Bryan sa Mall para mag-shopping, pero hindi naman ako actually mag-shshopping. Si Cheska, may bibilhing damit. Si Bryan naman, school supplies. Bibili lang ako ng matitipuhan kong gamit.

Tumingin muna ako sa salamin para ma-check kung okay lang. Binigyan kasi ako ni Mommy ng dress for today. Pinag-suot ako ni Mommy ng dress na to. Hanggang tuhod siya na flowery dress. May sleeves tapos ribbon sa likod. Naka-jelly shoes lang ako and black na body bag.

Inayos ko muna 'yung buhok ko ng konti tapos full braid na nasa isang side lang. Of course with my stylish glasses. Hahaha. Well I guess okay na 'to for some mall activities. Lumabas na ako at bumaba. Nag-beso kay Mommy na naabutan ko pa sa bahay at nagpaalam.

Nakita ko sa labas si Bryan na nakasandal sa kotse niya. Pormang-porma ung dating niya. He's wearing a gray sweater, an ankle-folded jeans and brown classic shoes. Napansin ko namang tumitig siya sakin.

"Good morning." bati ko kay Bryan.

Tahimik lang siyang naka-tingin sakin. Lumapit ako at mukhang bumalik na siya sa planetang Earth.

"A-ah. Good morning rin." pabalik na bati ni Bryan.

"May problema ba? Natulala ka naman bigla."

"Wala naman akong problema. Hahaha. May naalala lang ako."

"Oh? Hahaha. Ganun ba?"

"Oo. Sige na. Alis na tayo."

Pinapunta ako ni Bryan sa tabi ng driver's seat at pinagbuksan ng pinto. Tapos umikot siya at pumasok na rin sa kotse.

"Mag-seat belt ka na. Pupuntahan pa kasi natin si Cheska." sabi ni Bryan habang nag-sseatbelt na rin.

"Okay. Wait- Alam mo pala bahay ni Cheska?" tanong ko.

"Ah yeah. Since Grade 4 kasi, mag-kasama na kami." sagot ni Bryan.

Nagsstart na ng engine si Bryan ng may naramdaman akong nag-vibrate sa bag ko. Kinuha ko naman at binuksan. Bagong message pala. Inopen ko at binasa:

--------------------------------------------------
From: 09*********

Lilyyyyy! Saan ka na? Si Cheska nga pala to. :> Mehehehe.
--------------------------------------------------

Ah- Si Cheska pala. Save ko na muna number niya para hindi ko makalimutan pa.

--------------------------------------------------
To: Cheska Hernandez

Ah. Papunta na kami. Kakasundo lang kasi sakin ni Bryan sa bahay.
--------------------------------------------------

--------------------------------------------------
From: Cheska Hernandez

Ayieeeee! HAHAHA! Kayo haaa. I can smell something fishy~ Lol. Papunta na ba kayo dito?
--------------------------------------------------

Something fishy agad? Grabe naman to hahaha

--------------------------------------------------
To: Cheska Hernandez

Hahaha. Mga iniisip mo ha. Anyway, yep. Papunta na kami.
--------------------------------------------------

An Arrow to the HeartWhere stories live. Discover now