Read with love~ ❤
Comments and other reactions are highly recommended.¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤
Ang saya kahapon! Hahaha. It's been a while since I had so much fun. Kailan nga ulit ako nakapag-saya ng ganito? Hm. I can't really remember.
Anyways, babalik ako ngayon sa park. I think I need some time alone. Although I really don't know why, pero siguro I need some fresh air. Almost everything is new to me, almost. Pero may mga memory fragment akong naaalala at times. Para bang kahit na alam kong first time ko pa lang, feeling ko alam na alam ko na. Siguro dahil na rin un sa mga nakikita ko sa T.V.. But still really not really sure...
Pagtungtong ko sa park, nakita ko agad ung swing. The same as last time, lucky kasi walang tao. Or maybe masyado akong maagang pumunta. Pero hapon na naman. Or dahil family day ngayon.
Well as usual, except for me. Kahit na Sunday ngayon, wala sa bahay parents ko. Ayun, nandun sila sa ibang bansa. Nagpapabili na lang ako ng pasalubong. Okay lang naman kasi sakin since ang pagtatrabaho nila ngayon ay para sakin. Para sa magiging kinabukasan ko. Pero hindi ba dapat nagpapahinga din sila? Sobrang dedicated nila sa pagtatrabaho, minsan nalilimutan na nilang maalagaan sarili nila.
Hay. Ienjoy na lang natin ang pag-swing. Hahaha.
Nag-swing ako ng ilang minuto habang tumitingin-tingin sa paligid. Napapa-isip na rin ako ng mga paraan kung paano ko pwedeng ma-surprise sina Mommy pagbalik nila. Something that would let them relax for sometime...
Nagulat ako nang may nag-takip ng parehas kong mata.
"Guess whooooo?" tanong sakin ng kung sino mang nagtakip ng mga mata ko.
Hala- sino to. Kilala ko ba? Baka naman stranger. Stranger danger? Ghad.
"Uhhh. S-sino?" tanong ko.
"Hulaan mo muna ate."
Ate? Hm. Sino to? Tinawag niya akong ate. Kilala ko ba? Help me memory.
After some seconds ay wala akong ibang maisip. Napabuntong-hininga na lang ako.
"I give up. Sino to?" sabi ko.
"Ehh. Boriiiiing." sagot nung bata.
Tinanggal na nung bata ung pagkalatakip niya sa mata ko.
"Oh. Ivan! Haha. Ikaw pala. Tinakot mo ako sa ginawa mo hah. Pero ang galing mo naman at naabutan mo ako." sabi ko sa kaniya.
"Ah. Hindi naman Ate. Naglalakad ako sa kanto pabalik ng bahay nang makita kitang nag-lakad papunta dito sa park."
"Hahaha. Ang linaw pa ng mata mo ah. 'Wag mong aabusuhin. Baka magaya ka sakin." sabay turo sa salamin ko. Matrabaho kasing mag-suot ng contact lens kaya ung salamin ko ung hinablot ko sa lamesa.
"Nagsasalamin ka pala ate. Bakit last week wala naman?" tanong niya.
"Just giving my eyes some fresh air too. Nakaka-suffocate din kasi sa mga mata ang paag-suot ng contact lenses."
"Ohhh. Ganun pala." sabi niya with amazed eyes, "Ay nga pala ate, next week na birthday ko." nakangiti niyang sabi.
Next week na pala. Naaalala kong binanggit niya ung tungkol doon last week.
"Ay oh? Tanda mo na ah. Hahaha." pagbibiro ko.
"Hindi ah. Medyo lang. Hahaha!"
"Sus. Inamin mo rin."
"Basta hindi." pag-ffinalize niya sa usapan namin, "Anyway, ate, iimbitahin kita sa birthday ko. Okay lang kahit wala kang dalang regalo. Pero nag-eexpect pa rin ako. Hahaha!" sabi ni Ivan habang may inaabot na invitaion card.
Simpleng invitation card lang. The usual birthday invitation cards na makukuha mo from kids' celebration. May cake na sticker, party hats, etc.
At talagang sinasabi niyang matanda na siya ah. Ang cute ng invitation card pa naman niya. Hahahahaha.
"Ah sige. Salamat. Pupunta ako, wala pa naman akong schedule sa birthday mo eh. Hahaha."
"Sige ate. Punta ka ha?" tanong niya.
"Yep- Pupunta ako. Reserved ko na ung araw na 'yon sa'yo." sabay ngiti ko.
"Sige ate ha- Hihintayin kita."
Napatingin kami sa langit. Medyo nagdidilim na. Siguro dapat ay umuwi na ako. Baka may naghahanap na sakin ngayon pa lang.
"Ay ate, kailangan ko nang umalis. Medyo malapit nang mag-dilim eh. Parang bata pa rin ung turing nila sakin." sabi niya habang papalayo na.
"Osiya sige. Aalis na rin ako. Baka hanapin ako ng mga kasama namin sa bahay. Salamat dito sa invitation card ha. Bbyeeee!"
Umalis na ako kaagad pagkatapos nun. Tinignan ko na muna kung nakaalis na si Ivan sa park at mukhang tama naman ako kaya dumeretso na ako pauwi.
*****
Malapit na ako sa bahay namin. Huminto muna ako saglit para pakiramdaman ung paligid. Nandun kasi ung feeling na matagal na kami dito. Kahit na ang totoo eh, kakalipat lang namin bago ako pumasok sa Den Academy.
Tinuloy ko na lang ang paglalakad ko. Parang sayang lang kasi sa segundo. Nakikita ko na ung gate namin nang mapansin kong may lalaking nakatayo sa harap ng bahay. Tinitigan ko ng mabuti kung kilala ko o hindi. Mukhang hindi naman kaya derederetso lang ako.
Pero nagulat ako sa ginawa niya. Humarap siya sakin and stared at me with those empty eyes. As if they're searching something in me.
Napatigil ako. Nag-simula naman siyang maglakad papalapit sakin. Hindi ko magalaw ung katawan ko. Parang hawak ng mga titig niya. Nakakakilabot. Hindi ko alam ang gagawin ko. Inisip ko na lang na sana ay dumaan lang siya.
Malapit na siya sakin at nakatingin pa rin. Tinitignan ko na lang rin siya at nakatayo lang. Matapos ang ilang segundo at linagpasan niya ako. As in derederetso lang sa gilid ko.
Nakahingang malamim na ako. Wala na ung kakaibang pakiramdam na un. 'Yung nakakatigil ng oras na pakiramdam.
Tumingin ako sa likod para silipin ung lalaki pero wala na siya. Ang bilis naman niyang maglakad.
Pagkatapos kong icheck kung wala na siya, dali-dali akong pumasok sa gate at pumunta sa kwarto. Binati naman ako nina Ate Melody pero dere-deretso talaga ako sa pag-pasok. Kinailangan ko munang mapag-isa.
Bakit may lalaking nakatayo sa tapat ng bahay? Kakilala ba nina Mommy? Pero nakatayo lang siya, hindi lumalapit sa gate or sa pindutan ng bell ng bahay namin. As in wala. Nakatayo lang.
Napa-isip naman ako. Pero habang tumatagal eh medyo sumasakit ang aking ulo.
"Bakit ngayon pa?" sabi ko sa sarili ko.
Kinalma ko naman ang sarili ko at napaisip. May naaalala ako pero hindi ako sigurado kung tama. Ang medyo naaalala ko kasi, nakita ko na siya. Pero sa titig niyang 'yun, mukhang unang beses un. Ang weird lang ng araw na 'to. Dapat okay na bukas. Dapat okay na ako bukas.
¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤
tbc. (140501)
edited. ('170113)
edited.. ('170519)¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤
YOU ARE READING
An Arrow to the Heart
Подростковая литератураLanguage: English and Filipino - - - - - Lily Carlyle's adventure in her new school. Meeting new friends, experiencing new moments. Will this help her to rememeber a part of her, or not? Read with love. ❤