Chapter Four: New Friend

63 7 3
                                    

Read with love~
Comments and other reactions are highly recommended.

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤

Nandito na ulit ako sa library, nag-aaral ng mga na-miss ko from those absences I did. Usually nakasuot ako ng contact lenses, pero dahil sa nangyari kahapon eh post-poned ko daw muna. For now, glasses na muna to somehow lessen the stress in my eyes. Nakaka-stress daw kasi somehow ang pag-suot ng graded contact lenses instead of simple graded glasses.

Nakatitig lang ako sa notes from my missed lessons na nasa harap ko. Hanggang ngayon kasi, hindi pa ma-take ng utak ko ang mga pangyayari kahapon...

"Uy. Lily. Nakikinig ka ba?" tanong ni Bryan habang kinakaway-kaway sa harapan ko ung kamay.

Bumalik ako sa realidad at napansin ko si Bryan. Not to mention na kasama ko na si Bryan everywhere. As in seriously, everywhere. Ever since I got back yesterday.

"Ah eh. O-oo. Nakikinig ako." sabi ko habang naka-ngiti. Sana lang hindi niya mapansin.

Pero simula kasi kahapon, lutang na isip ko. Bakit hindi ko alam ang mga ganito? Bakit wala akong maalala? May feeling ako na matagal ko na siyang kilala. Pero bakit parang ngayon ko lang siya nakilala?

Being with Bryan is-- I don't know. Confusing?

"Ugh. Ang sakit sa ulo." sabi ko sa sarili ko habang hinihimas-himas ang lugar kung saan masakit.

"Ayos ka lang ba? Gusto mo bang pumunta sa clinic? Baka kung ano pang mangyari sa'yo..." sabi ni Bryan while wearing a worried face.

"Hindi na, okay lang ako. Ituloy lang natin 'yung pagtuturo mo sa'kin." sagot ko.

"Tapos na tayo ngayong araw. Sa susunod na lang ulit. Mukhang kailangan muna kitang dalhin sa clinic at mapatignan kung ano mang meron." pag-aalala niya.

"Hay. Ano pa bang magagawa ko?" sabi ko sabay napakibit-balikat.

"Sumunod sa akin." sinabi niya habang naka-ngiti sakin. 'Yung ngiting nakaka-kilig. What. Hahaha Basta.

"Okay okay." Bumuntong hininga na lang ako. "Yes boss." Sabay taas ng kamay na parang sumasaludo ako sa kaniya.

Wala akong magagawa eh. Ugh. Naman.

Inalalayan niya ako mula sa pagtayo hanggang sa paglabas ng Library. Naglalakad kami sa hallway ng bigla kaming nakarinig ng isang babaeng sumisigaw papalapit samin.

Grabe. Tinginan lahat ng studyante dito sa hallway dahil sa kaniya. Pati na rin ako napatingin, well let's say titig na, sa babae. Pero parang hindi naiintriga si Bryan dahil nakatingin lang siya sa harap habang kami ay sa babae.

"Bryaaaaaaaaaaaaaaaaaaaan!" sigaw nung papalapit na babae.

Narinig ko namang napabuntong-hininga ng wala sa oras si Bryan. Bigla naman siyang tumabi sa'kin pero parang nagtatago.

"Lily. 'Wag kang lalayo sa'kin ha." sabi ni Bryan.

"Sige?" sagot ko na lang.

Nasa harap na namin ung babae na kanina pa sumisigaw. Nagpahinga muna siya ng malalim para mahabol ang kaniyang pag-hinga.

"Grabe ka! Ang sama mo sa'kin! Huhuhu. Gusto ko lang namang makipag-kaibigan kay Lily eh." sabi nung babaeng kanina ay tumatakbo.

"Ayoko. Hindi pwedeng makipag-kaibigan sa'yo si Lily."

Wow bakit naman haha.

"Ang sama mo sobra! Bakit naman hindi pwede ha?!" padabog na sagot nung babae.

An Arrow to the HeartWhere stories live. Discover now