A/N:
To new readers na napunta dito sa story ko, thank you. Thank you for checking out this story na matagal-tagal akong mag-update. Hahahahaha-huhu.Read with love~ ❤ Comments and other reactions are highly recommended.
¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤
"Guys bilis!" sigaw ni Bryan galing sa unahan.
Mabilis naman kaming kumilos at nag-lakad papunta sa kabilang building. Kasalukuyan kaming nagbubuhat ng extra chairs galing sa gym para sa event bukas. Free classes ang buong school from pre-school to high school ngayon para maayos ang classrooms, half-day na rin para daw makapagpahinga kami para sa event this coming week which will start tomorrow.
Ang ibang sections nga pati ang ibang lower year levels ay nagmamadali na rin. Sa kamalas-malasan pa, umuulan na ulit ngayon. Sumakto pa eh medyo sira 'tong bubong na nag-cconnect ng gym to highschool building. Ang hirap tuloy maglipat ng mga gamit from one building to another dahil sa panahon ngayon.
Nang makapasok na kami sa highschool building, nakarinig naman ako ng hiyawan mula sa mga lower batches. Sino ba naman ang hindi titili kapag dumaan ang section namin na biniyayaan ng mga gwapo? Well, siguro ako at ang iba kong kaklase lang naman, but still haha. Natatawa na lang ako sa sarili ko kasi pati ako ina-acknowledge na ang mga biro nina Andreia.
"Konti na lang guys!" sigaw pa ni Bryan ng hindi pinapansin ang ingay.
Ang pangit ng dating ng panahon na 'to talaga. Bakit kasi ngayong araw pa umulan ulit? Bakit hindi kahapon o kaya last week? Ngayong araw pa talaga kung kailan October na bukas, ang first day ng Foundation Week. Sana pala sinagad na ng bagyo 'yung ulan for the past few months. Kahit sana nung mga araw na nakakalabas ako eh pina-ulanan na lang para wala ng kahit ano pagdating ng October.
"Lily, kaya mo pa ba?" tanong ni Ian.
Tinutulungan nga pala ako ni Ian ngayon. May dala naman siya para sa sarili niya sa isang kamay, tapos dala niya 'yung bigat ng kalahati ng akin. Nakakahiya naman kung wala akong maitutulong kung sa katunayan eh ako ang tinutulungan.
"Ah- oo kaya ko na 'to." sagot ko.
"Are you sure?"
"Very much." sagot ko, "Tsaka 'yang mga bitbit mo na lang ang problemahin mo. Ang dami niyan oh." sabi ko sabay tingin sa dala niya.
Napatingin naman siya sa bitbit niyang mga upuan. Kung ikukumpara sa dala ko eh doble pa ang kaniya.
"Oo nga naman." singit ni Cheska, "Mas madami nga naman 'yang dala mo kaysa sa dala ko or sa dala ni Lily."
Nagbago ng konti ang facial expression ni Ian nang sumingit si Cheska sa gitna naming dalawa. From happy (?) poker face to plain poker face? Lol.
"Tsk. Sige, mauna na ako sa inyo Lily." paalam ni Ian.
"Sige b-bye~~~" paalam na pang-aasar naman ni Cheska.
Nang medyo nagpalikod na samin si Ian eh saka naman medyo tumawa ang babaeng ito. Natutuwa atang asarin si Ian kapag kaming dalawa ang magkasama. Bumibigay din naman kasi si Ian sa mga asar nitong babaeng 'to.
"Sorry girl ah. Hahaha. Nakakaloka naman kasi magpaka-bodyguard 'yung dalawa sa'yo eh. Bantay sarado ka eh. Sarap tuloy nilang asarin pareho." sabi ni Cheska habang medyo ngumingiti-ngiti pa.
"Ah okay lang 'yon. Pero bawasan mo naman pang-aasar mo haha. Baka magalit na sila sa'yo eh." banggit ko.
"Nako, walang magagawa 'yung dalawa sa'kin. Ako pa. HAHAHA."

YOU ARE READING
An Arrow to the Heart
Teen FictionLanguage: English and Filipino - - - - - Lily Carlyle's adventure in her new school. Meeting new friends, experiencing new moments. Will this help her to rememeber a part of her, or not? Read with love. ❤