Chapter One: New School

125 10 1
                                    

Read with love~ Comments and other reactions are highly recommended.

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤

"And here we have the school's gymnasium. Including the girls' shower room and the boys' shower room which can be located at the back..." sabi ng President ng magiging section ko.

Nandito ako ngayon in my new school, Den Academy, and currently having a tour around the area. To tell you the truth, hindi ako masyadong nag-expect from this school. Though this sure surprised me with an over-all excellent conditions.

Maganda na ang school, maganda pa ang environment around it. Nature-loving ang dating. Eh paano ba naman kasi, napapalibutan ng mga puno 'yung school. Tapos dito sa gym, open 'yung middle part ng roof, letting the birds to go in and out the building freely. Pero syempre remote-operated daw 'yung roof for some purposes like raining and other stuff na binanggit naman ng President.

Add up the cafeteria na sobrang linis at organized. Madaming tables na pwedeng pwestuhan ng probably around 2000+ students or less than 2000. Kaliwa't kanan pa ang food booths for the students' satisfactory. Ang alam ko rin may parang Student's Lounge pa dito, pero hindi ko na natanong ang ibang details.

Plus points din ang comfort rooms na malinis talaga. Every period daw kasi may naglilinis talaga to ensure the well-being of the users when it comes to hygiene. 5 stars for this one haha.

Kanina pa nga pala kami naglilibot at talagang tinutour ako ni Mr. Class President sa school and staff plus introductions with them. Na-meet ko na rin ang principal ng school, si Sir Jean Den. Ancestor daw niya ung founder ng school kaya Den Academy ang name nito.

Every room in this school is perfect! Clean classrooms, laboratories, etc. Pero meron akong paborito sa mga ito, and it's the school's library. Not only academic-related books ang makikita dito, pati na rin ang mga fictional books which some of them ay mga paborito ko! Ghad, heaven! Really thankful to parents for a job well done with this one.

"And lastly, your new classroom. Ang section 4-A. Welcome home." sabi ni Mr. Class President with a smiling face.

Ay- ang cute pala nitong si Mr. Class President haha.

"Anyways, malapit nang mag-bell. Pasok na tayo sa loob, Lily." pag-aya niya.

"Ah teka President..."

"Yeah?" napahinto naman siya sa paglalakad at tumingin sa'kin.

"Ah, ano kasi. Hindi ko pa alam pangalan mo." sabi ko sabay laro ng aking mga kamay.

Naging habit ko na ang paglaro ng aking mga kamay kapag nahihiya ako na ewan.

Pero shemay hahaha- Hindi ko pa alam pangalan niya kahit na kanina pa niya ako gina-guide sa school na 'to. Ano ba naman yan Lily huhu.

"Hahaha! 'Yun lang ba? Ako nga pala si Bryan. Bryan Concepcion." sabi niya habang pinapakita ulit 'yung mga naka-ngiting mata niya.

Nilabas niya ung kanang kamay niya na parang nagaalok ng handshake. I just reached for the hand at nakipagkamay.

"Hahaha Salamat. Halika na, pasok na tayo." sabi ko sabay bitaw ng kamay ko sa kamay niya at ngumiti rin.

Nag-simula na akong maglakad papunta sa loob ng classroom. Okay na rin ito ah- Looks very nice. Ilang segundo lang nang wala akong naririnig na dapat sumusunod na foot steps galing sa likod ko kaya nilingon ko si Bryan na nakatayo pa rin.

"Uy. Halika na. Malapit nang mag-bell oh." sabi ko habang hawak hawak na 'yung kamay niya para hilain siya papasok.

Kita naman sa mukha niya ang pagkagulat. Siguro dahil sa biglaan ko siyang hinawakan. Pero nakabalik din naman siya sa normal. Naka-ngiti pa nga eh.

An Arrow to the HeartWhere stories live. Discover now