Chapter Eleven: The Constellation

16 6 2
                                    

A/N:
This chapter's dedicated sa kaibigan ng kapatid ko. Hindi ko akalaing may nagbabasa pa rin nito maliban sa kapatid ko haha- Sorry ngayon na lang ulit.

Read with love~
Comments and other reactions are highly recommended.
Enjoy!

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤

Nandito ako ngayon sa mall kasama si Mommy. Today is Saturday, which she supposedly have work, but she gave up the day to be with me. That's really some effort.

"Baby~ How are you doing? How's school? Is it great? Fun? Exciting?" tanong ni Mommy ng may halong excitement sa kaniyang boses.

Ngayon na lang rin kasi kami nakapag-shopping. Busy sila ngayon kasi may hinahandle silang bagong client. Hindi ko alam kung ilan ang naging client nila for the past month pero I'm just hoping that it works out.

Napatingin-tingin ako sa paligid ng mall. I've been busy for almost two weeks at ngayon na lang ulit ako nakalabas. Almost two weeks na rin nang ibalita samin ni Bryan ang tungkol sa Foundation Week, at almost two weeks na rin nang lumipat sina Ian sa school namin.

"It's nice Mommy. Everything's nice." sagot ko sa tanong ni Mommy pero napaisip naman ako, "Well, siguro maliban kayna Bryan at Ian." sabi ko habang medyo natatawa sa kanilang dalawa.

Yep. Bryan and Ian. It has been two weeks pero para silang mga bata. Although it's subtle, pero halata pa rin naman. Bryan is approachable and such, but Ian's the opposite. Pero hindi tungkol sa ugali nila ang meron and everyone thinks about it too, not just me and Cheska, but the whole class. Nakakahiya na nga minsan eh, ako pa mismo ang nahihiya para sa kanila.

"Oh bakit naman baby ko?" tanong ni Mommy.

"It's--" napa-isip ako kung tama bang sabihin kay Mommy, "well, it's nothing. They're just really... Y'know." sagot ko kay Mommy.

Tumawa naman siya sa narinig niya. Medyo matagal rin ang pag-tawa niya. Sobrang tuwa naman ang naibibigay ng dalawa, pati ba naman kay Mommy.

Pumasok kami sa Back to Black. Branded store for clothes, accessories, shoes, etc. na black ang color. It's kind of weird na black lang lahat pero unique pa rin naman. At kahit na nandito na kami, she's still kind of laughing.

"Ano ba yan Mommy, grabe naman yang pag-tawa mo." sabi ko sa kaniya.

Mukhang hindi pa kasi ubos ang supply niya ng tawa, at ayoko namang maubusan siya haha.

"E-eh kasi. 'Yung sinabi mo, hindi na bagong balita yon." sabi niya habang nagpupunas ng kaniyang 'tears of joy' after some nice long laugh.

Hindi na bagong balita? Paanong hindi na bagong balita?

"Bakit naman Mommy? Bakit naman hindi na bagong balita?" tanong ko.

"Kahit nung mga bata pa lang sila, nag-aaway na sila sa kahit anong bagay. Tapos syempre inaawat ni--"

Natigil si Mommy sa pag-kwento. Bigla siyang natulala ng ilang segundo habang nakatingin sa labas ng store.

"Mommy? Bakit? Anong meron?" tanong ko sabay hawak sa kamay niya.

Bigla namang natauhan si Mommy at bumalik ng tingin sakin. Saglit lang ang nakita ko pero kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata bago siya bumalik sa sarili niya.

"A-ah. Wala yon baby." sagot niya sabay ngiti na lagi niyang ginagawa kapag nagsisinungaling.

Inilibot naman niya ang kaniyang paningin. Bigla naman siyang naka-recover at natuwa sa kaniyang nakikita dito.

"Ayyyyy! Nandito na nga pala tayo. Tara na! Shopping spree~" sabi ni Mommy habang tumatalon-talon at pumapalakpak.

Sabik na sabik si Mommy na magtingin-tingin kaya naman sinundan ko na lang siya. Sabayan ko na lang muna, pangpawala rin naman ito ng stress ng mga nakaraang araw.

An Arrow to the HeartWhere stories live. Discover now