Read with love~ ❤
Comments and other reactions are highly recommended.¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤
"HUY GIRL!" sigaw ni Cheska sabay alog sakin.
"H-huh?"
Napatingin ako sa taong nasa harapan ko. Si Cheska nga pala.
"Oh Cheska, nandyan ka na pala." sabi ko habang nakatingin lang sa kaniya.
Feeling ko tinignan ko lang siya ng walang expression. Ganon din kasi ang expression ng kaniyang mukha.
Napapaisip pa rin naman kasi ako. Sobrang pagiisip.
Nilibot ko ung tingin ko sa paligid.
Wait, nandito na kami sa cafeteria-? Ay what- nandito na nga talaga kami sa cafeteria. Kanina lang nakikinig pa ako sa room.
Pumwesto na lang kami sa isang lamesa. Madaming libreng pwesto ngayon dito ah. Pero wala masyadong students since may class naman talaga. Free time lang namin dahil wala si sir, pumunta kasing Canada for some family matter daw.
"Anong nandito na pala ako?" sabi ni Cheska habang nakataas ung isa niyang kilay, "Kanina pa ako diteeeeey! Magkasama tayong pumunta dito galing room! Kinakausap nga kita eh. Ano bang problema? Masyado kang napapaisip ngayon. Sabihin mo naman sa'kin para mabawasan yang nasa isip mo."
Kita ko sa mukha niyang nagaalala siya ng sobra pero hindi ko kasi kayang idamay siya sa problemang ako lang dapat ang nagiisip.
Simple lang naman ito pero pinapakumplikado ko. Sobrang naapektuhan ako sa taong 'yon at hindi ko alam kung bakit. Hindi siya mawala sa isip ko. Hindi ko rin maintindihan kung bakit. Ilang araw na rin ang nakalipas. Feeling ko kasi na-meet ko na siya somewhere. O siguro nakukulangan lang ako sa tulog?
"Gorl, ano yang nakikita kong something sa ilalim ng mga mata mo?" tanong ni Cheska sabay turo sa mukha ko.
"Sa ilalim ng mata ko?"
Kinapakapa ko kung may something nga sa ilalim ng mata ko. Wala naman akong mahawakang kahit ano at wala namang parang dumi.
"Wala namang something sa ilalim ng mata ko ah." sabi ko.
"Duhhh! I'm talking about those big black circles under your eyes! Ano nanaman ba ang pinaggagagawa mo at meron ka na niyan?! Lily naman ehhhhh!" sabi ni Cheska habang mukhang nagdadabog.
Ay wow. Childish mode ni Cheska, activated.
"Hey, hey. Chill. Kalma lang." sabi ko kay Cheska para naman eh tumigil na siya sa kakadabog niya. Hindi bagay eh hahahahaha
"I--- uh," sabi ko para maka-isip muna ako ng magandang reason para matigil na siya, "I've been reading this really interesting book, you see. Magandang book siya, basahin mo na rin" pag-aya ko sa kanya.
Tinignan muna ako ni Cheska. Oh wait- no, just kidding. Tinitigan niya pala muna ako bago magreact.
"What's the title naman? And who is the author of this "magandang book"?" tanong niya with the emphasis on magandang book.
Natahimik naman ako since wala akong maibigay na title ng libro pati ung author. So ilang segundo or naka-isang minuto din kaming nagtitinginan nun.
A few seconds more and still nothing.
Ahhhhh-! Hindi ko na kaya. Can't stand that look of hers. Parang batang humuhingi ng snack sa magulang niya. At sa sitwasyong ito, ako ang magulang na mukhang hindi siya matitiis. Should I tell or no?
YOU ARE READING
An Arrow to the Heart
Genç KurguLanguage: English and Filipino - - - - - Lily Carlyle's adventure in her new school. Meeting new friends, experiencing new moments. Will this help her to rememeber a part of her, or not? Read with love. ❤