Opposites Attract - Episode 6 - His Side of the Story Part 1

2.9K 36 11
                                    

A/N Pwedeng mag.request? Pwede kung magcocoment di yung puro next chapter or next episode please lang ang palaging sinasabi...xempre gusto ko rin marinig opinions or suggestions niyo about sa story ko para naman mas mapaganda ko pa ang mga susunod na episode dba?

Anyways give me some inspiration LORD!

Any suggestions people?

Wish ko makabili na ko ng Desiring Drew, Mine to Take, Xander, Dax at Lonzo pati na rin si Papa Jaq!

Sinong magpapahiram sa kin ng 1500 para mabili ko silang lahat?!

hahaha..sa hirap ng buhay ngayon baka wala! kawawa me!

______________________________________________________________________________

<XANDER's POV>

(Ayan nah!!!! POV na ni Xander sa wakas!)

Pagdating ko sa opisina gaya ng inaasahan ko lahat ng babaeng madaanan ko tumitingin sa 'kin. Hindi naman sa pagmamayabang pero alam ko gwapo ako at hindi mahirap para sa 'kin ang magpa.ibig ng isang babae plus factor pa na mayaman ang pamilyang pinanggalingan ko.

Wala akong pinansin isa man sa kanila. Tsaka nalang pagkatapos kong makaharap ang buitre kong ama.

Pagdating ko sa 30th floor kung saan nandoon ang office ni Papa sinalubong kaagad ako ni Tita Jane. Ito ang personal assistant ni Papa. Kahit na hindi kami magkasundo ni Papa sa halos lahat ng bagay kabaliktaran naman ang pagtingin ko kay Tita Jane. Mabait siya sa 'kin kaya naman magkasundo kami.

"Oh, Xander nandito ka na pala...kanina ka pa hinintay ng Papa mo..." agad na bati nito sa akin.

"Tita Jane, na.miss kita..." sabi ko sa kanya sabay yakap.

"Kaw talagang bata ka! Di ka pa rin nagbabago...napaka.sweet mo pa rin..." sabi niya sa 'kin sabay ngiti.

"Oh siya sige na..pumasok ka na dun" pagtataboy niya sa 'kin.

"Sige na nga po Tita..."

Pumasok na ko sa lunga ng buitre. Gaya ng inaasahan nakayuko na naman siya sa mga papeles niya. Napaka.workaholic niya kaya ayan iniwan ni Mommy..tsk...

Magsasalita na sana ako upang ipaalam ang presensiya ko ng nagsalita siya. It seems napansin na pala niya ko simula ng pumasok ako dito sa office niya.

"Kanina pa ka hininhintay ah, bakit ngayon ka lang? Dapat bilang CEO, ikaw ang unang dumarating dito sa tamang oras ng trabaho..hindi iyang first day mo pa lang late ka na agad...ano na lang sasabihin ng mga empleyado mo tungkol saýo?" mahabang sermon niya sa akin.

Grabeh..kadarating ko pa lang sermon na kaagad ang inabot ko. Wala bang 'HI anak, kumusta?' muna bago ang sermon? Miminsan na nga lang kami magkita puro sermon pa makukuha ko everytime magkikita kami...kaya nga ayokong umuuwi ng Pilipinas eh...ganito lang aabutin ko...tsk...parang namang di ko tatay 'to...

"Dad, ako ang CEO, kahit anong oras ako pumasok walang pakialam ang mga empleyado ko...isa pa hindi magrereklamo ang mga yun..takot lang nilang matanggal sa trabaho.." walang patuya kong sabi.

(plaaaggg....) Tunog po iyan ng binatukan sa ulo...di ko kasi alam eh kaya imaginenin niyo na lang...

Binatukan daw bah ako?! Ang sakit hah..parang walang sakit 'tong tatay ko kung makabatok...ang LAKAS!

"Sira! Hindi tuloy ako sigurado ngayon kung sayo ko ba talaga ipagkakatiwala 'tong kompanya..."

"E di mabuti...so ano po exit na ko?"

"May pero pang kasunod yung sinasabi ko...pero..."

"Pero?...."

"Ayoko nga! Di masaya ka nun?! hahahahaha" parang batang baliw na sabi ng tatay ko.

Haizt...tatay ko ba talaga 'to?Magsasalita pa sana ko ng may kumatok sa pinto.

 "Pasok iha!" narinig kong sabi ni Papa. Nakatalikod ako kaya hindi ko alam kung sino yung dumating and frankly speaking I really don't care.

"Iha I want you to meet my son Xander Cruz, you're new boss." sabi ni Papa dun sa dumating.

"Xander, I want you to meet you're new executive assistant...Miss Celestine Alcantara"

And then lumingon ako sa kanya. Ah, executive assistant ko pala....teka...

SIYA?!

Opposites Attract ~ Drunken Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon