Opposites Attract - Episode 17 - Surprise Visit

1.9K 54 17
                                    

A/N Thanks sa lahat ng mga bagong fans....pinasaya nyo talaga ang mga araw ko....dahil sa inyo patuloy kong mas pinipilit pagandahin na bawat episode ng story na to...

I LOVE YOU ALL!!! MWAH!!! MWAH!!!

Anyways VOTE, COMMENT, RECOMMEND and be a FAN...

ENJOY!!!

______________________________________________________________

<TIN's POV>

 Ilang araw na rin ang lumipas simula ng hindi ako pansinin ni Xander. Kakaiba na talaga ang ikinikilos niya...napaka-civil lang ng trato niya sa'kin..pero pag sa iba naman ok siya...ako lang talaga dito sa companya ang hindi niya pinakikitunguhan ng maayos...kinakausap lang niya ko pag may kailangan siyang ipagawa kaya naman nagtataka na talga ang mga kasamahan ko sa trabaho...hindi lang nila ko matanong ng diretso...

Naiinis na rin talaga ko pero hindi ko naman madiretso si Xander dahil nga sa kakaiwas niya sa'kin...nagkakasama lang naman kami sa mga pagkakataon na kagaya ng meetings pero wala naman kaming privacy para matanong ko siya tungkol sa mga bagay-bagay. Ang mas nakakainis pa wala naman akong matandaan na ginawa sa kanya para tratuhin niya ko ng ganito. Basta pagkatapos ng party na dinaluhan namin hindi na niya ko kinibo...

Kagaya na lang ngayon...halos mabaliw na ko dito..wala kasi ako halos magawa...mukhang lahat ng trabaho aakuin ni Xander huwag lang akong makita...hindi tuloy matigil sa kaka-analyze 'tong utak ko kung ano nga ba ang problema ni Xander sa'kin. Hindi ko tuloy namalayan ang paglapit sa'kin ni Keisha...

"Hoy bruha!" sabi niya sa'kin sabay hampas sa mesa ko.

"Ano ba...kakagulat ka naman bru....ano ba kailangan mo? May iniuutos ba si Maam Daena sa'yo?" nakasimangot kong tanong sa kanya...

"Wala. Pinuntahan lang talaga kita dito para may makasabay akong kumain mamayang lunch break. Kanina pa ko dito hindi mo man lang ako napansin...ano ba kasi 'yang gumugulo sa utak mo at parang palagi ka yatang wala sa sarili mo lately?" tanong niya sa'kin habang umuupo sa chair na nasa tapat ng table ko.

"Wait, hulaan ko na lang...si Sir Xander noh? May LQ ba kayo at iniiwasan ka yat aniya?" tanong na naman niya ng hindi ako agad nakasagot sa una niyang tanong....

"Hay! Hindi ko nga alam bru eh..basta bigla-bigla na lang hindi na niya ko kinakausap...hindi na niya ko pinapansin...basta nung last time, nakita niya ko na may kausap akong ibang lalaki dun sa party tapos bigla na lang siyang nagyaya na umuwi na tapos hindi na niya ko kinausap..." mahaba kong paliwanag sa kanya. Hindi ako natatakot ipahayag ang totong nararamdaman ko kay Keisha kasi matagal ko na siyang kaibigan at alam kong pakikingan niya ko at uunawain.

"Eh loka-loka ka naman pala eh..eh di malamang nagselos yun...may kausap ka ba namang ibang lalaki eh siya yung ka-date mo..ang tanga mo talaga bru,,,,"

"Eh bakit naman siya magseselos eh wala naman kaming relasyon...at saka ano ka ba naman girl...si Sir Xander maiinlove sa'kin?"  paliwanag ko naman sa kanya though ako mismo sa sarili ko nasasaktan akong isipin na wala talagang pag-asa na magkagusto si X sa 'kin...OO aaminin ko na sa sarili ko unti-unti na ngang nahuhulog yung loob ko sa kanya kahit ba alam ko masasaktan lang ulit ako pag ipinagpatuloy ko ang kahibangang 'to.

"Girl, ano ka ba...sa ganda mong yan..syempre maiinlove yun sa'yo noh?. Alam mo hindi ko alam kong tanga ka lang ba talaga o sadyang manhid ka lang...hello?! hindi mo ba nakikita kung papano siya tumitig sa'yo? Parang ikaw lang yung nakikita niya eh..."

"Weh?! di nga?! Bakit hindi ko makita sa salamin yang sinasabi mo?"

"Eh kasi hindi ka tumitingin ng maayos..kung ano yung nakikita ng ibang naiingit sa'yo...yun din yung nakikita mo sa sarili mo...ang ganda mo kaya bru kaya wag kang magtaka kung mahumaling man sa'yo si Boss X ok?"

Sana nga...sana nga mag0dilang anghel ka bru...pero siyempre hindi yun yung sinabi ko!

"Mahumaling talaga teh? Di ba pwedeng attracted lang?" sakay ko na lang sa mga biro ng babaeng 'to. Di ko nga lam kung pano ko 'to naging kaibigan eh..eh ang layu-layo kaya ng ugali namin. Pero buti na lang andyan siya kahit papano gumaan ang loob ko sa mga sinabi niya.

"Sira! Tara na nagugutom na 'ko eh...wala ka naman atang ginagawa kaya tara na!"

"Oo na, nandyan na po maam." sabi ko na lang sabay kuha ng bag ko. Nauna ng maglakad si Keisha sa'kin. Nilingon ko na muna ang nakasarang office ni Xander bago ako tuluyang sumunod kay K.

*******

 Kanina pa daldal ng daldal si Keisha dito pero walang pumapasok sa isip ko kundi ang patuloy na hindi pagpansin sa'kin ni Xander.

"Hay girl, bumalik na nga lang tayo sa office...and please confront him will you nang hindi nasasayang ang laway ko sa kadadaldal dito wala naman palang nakikinig sa'kin." sabay kuha ng handbag nya.

Tumayo na rin ako para bumalik na sa office. Siguro tama nga si Keisha kailangan ko na talagang kumprontahin si X. Nagiging walang silbi na ko dito sa office and I'm sick and tired of him disregarding me na para bang wala ako dito, na para bang hindi niya ko EA. Tinatapakan na niya ang self-worth ko ha?! Nakakainis na!

Pagdating ko sa office hindi ko inaasahan ang taong naghihintay sa may table ko. A ready smile on his lips....

...NATHAN DOMINGUEZ...

"What are you doing here?"

"I've got some business to attend to besides...masama bang dumalaw sa isang magandang binibini?" he said while winking at me...that naughty grin still painted on his lips.

I was about to comment on that when a voice boomed behind me....

"WHAT ARE YOU DOING HERE NATHAN?!"

Oh shoot...

...behind me stood the angry look from the devil incarnate...

*gulp*

HELP!!!!!

________________________________________________________________

A/N Sobrang tagal ba ng update? hehehe...SORYY PO! sisihin na lang po natin ang sangkaterba kong e-books dito sa computer ko...hahaha..na-carried away yata ako sa pagbabasa eh...

PEACE!

Anyways...basta ipopost ko na lang ang next chap kung kailan ko matatapos...

P.S. Para to sa lahat ng walang sawang nagpapaalala sa'kin na may natutuwang bumasa nitong story ko at bitin na bitin na kaya kailangan ko nang mag-update ulit...

hahaha..alam niyo na kung sino kayo ^____*

Love,

Princess_Yannie

Opposites Attract ~ Drunken Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon