Opposites Attract - Episode 14 - Flashback Part 1 - The Reason

3.4K 79 27
  • Dedicated kay sa aking MOTHER dear
                                    

A/N Ahhhh....namiss ko ang wattpad...ang tagal ko ding nawala...

Promise babawi ako...

Sorry sa late update..actually super late talaga..

Anyways...here's the first part of the flashback...

---------> paki.tingnan yung video...ahhhh..step up 3!!!!

I LOVE YOU RICK MALAMBRI!!!!

______________________________________________________________________

<TIN's POV>

Nakahiga na ko ngayon sa kama ko. Actually kanina pa nga eh. Nagbilang na ko ng tupa at lahat hindi pa rin ako makatulog. Iniisip ko pa rin yung nagyari kanina. Bakit kaya nag-iba si Xander simula nung magkita sila ni Nathan kanina? Bigla na lang siyan tumahimik at parang ang lalim-lalim ng iniisip. Nakakapanibago dahil madalas na mapang-asar ang isang yun.

 Binabalik-balikan ko sa isip ang mga nangyari kanina sa party. Hindi ko inaasahan na magkikita kami ulit ni Keith. After 3 years of being together and him dumping me in the most excruciatingly painful way for a girl not to mention it was just barely 2 weeks ago pero parang wala na yung sakit. Hindi ko na makapa sa puso ko na mahal ko siya. Ni hindi na nga 'ko sigurado kung minahal ko ng bah siya or it was just a girly infatuation. Siguro nasaktan lang talaga masyado ang pride ko sa ginawa niya sa'kin.

Hindi ko tuloy maiwasang balikan ang nangyari ng araw na iyon....

FLASHBACK

(What happened to that day...)

I was busily preparing myself that day and our oncoming date. Today is our 3rd year anniversary of being a couple and I wanted to surprise Keith with the perfect date. As early as 4:00 a.m. gising na ko to personally cook him breakfast. Plano ko na agahan ang pagpunta sa condo niya para makasama ko siya buong araw.

Maraming naglalarong pantasya sa utak ko. I hope today he'd opened up a topic of us getting married. After all nasa tamang edad na rin naman kami para magpakasal. I was slowly engrossed with my fantasy, already thinking up how to answer his question, the would-be entourage, the flowers, the wedding gown, all the trimmings of a beautiful church wedding.

Pati ang bilang ng mga magiging anak namin pumasok na rin sa isip ko. Isang babae at isang lalaki. Sobrang saya ko talaga sa araw na 'to.

Naaalala ko pa yung araw na una kaming nagkakilala ni Keith.

It as a night to remember...

Bilang Executive Assistant to the CEO ng Cruz Realties isa sa mga trabaho ko ang samahan ang boss ko sa mga social events wherein businessmens are aplenty. Business could be discuss and deals could be sealed in those parties kaya imperative na kasama ako ng boss ko. Opportunity ko na din yun to scrape shoulders with the rich and famous - the elite kumbaga.

I was on one of these parties nang makilala ko si Keith. Nasa bar counter ako to order my drinks..pabalik na ko sa boss ko...pagharap ko hindi ko napansin na may tao pala sa likod ko kaya naman natapunan yung damit ko that night.

"Oh shit! Sorry!" at ako pa talaga ang nagsosorry huh?!

Hindi ko siya tinitingnan busy pa rin kasi ako sa kakapunas sa damit ko na natapunan ng champagne.

Kinuha na rin niya ang panyo niya at tinulungan akong magpunas.

"I'm sorry Miss di ko sinasadya..." he said. Shocks ang lalaki ng dating ng boses niya kaya di ko na napigilan ang sarili kong tingalain siya. OMG! ang gwapo!

Opposites Attract ~ Drunken Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon